MANILA--Nitong bakasyon natikman ko 'yung imported na creamer na binigay ng tita ko. Blueberry cobbler ang flavor nun, at walang ganoong flavor sa Pilipinas (hazelnut lang 'ata ang meron). Nakakaadik ang amoy niya, pati ang lasa.
Kaya nung matikman ko't inihalo sa kape, ayun, ang sarap-sarap.
Hindi ko napapansin, naaadik na pala ako sa amoy nito--pati ang lasa. Hindi ko na mapigilan ang craving sa pag-inom ng kapeng may blueberry-flavored creamer. Nakakaadik talaga, sobra.
Ang nangyari, insomniac na ako gabi-gabi. Dilat ang mata ko hanggang alas dos ng umaga. Nagigising ako ng alas nuebe. Aw. Para tuloy akong security guard na nakahiga. With firearms.
Para tuloy ayoko nang matikman ang bawal na creamer sa susunod.
* * *
Kahapon isa ako sa mga sumamang sumaksi sa isang kasalan sa Gen. Trias, Cavite. Kamag-anak namin ang groom.
Ayos ang setting ng kasal: sa isang resort. Perfect for summer. Mabuti na lamang at nakisama ang panahon (lokong Chan-hom 'yon).
Pinanood namin ang isang audio-video presentation ukol sa newlyweds sa pamamagitan ng isang projector. Wow. Ipinakita doon ang kasaysayan ng kanilang lovestory. At may ilang tracks na pinatutugtog.
At isa na nga doon ang isang hindi malilimutang kanta para sa akin. Minsan na rin kasing narinig ko iyon sa kasal ng isa ko pang pinsan.
Hmmm, iyon ay theme song ko noon sa isa sa mga dati kong "special friend". That was an 80's song ng isang pelikula (hindi ko na matandaan, Mannequin 'ata 'yon.) Bagamat mahaba ang pamagat noon ay ramdam naman ang mensahe ng kanta sa lyrics noon.
Mukhang iyon ay theme song ng mga couples na nagtatagal. Hay, hay, at isa pang hay. Hay talaga.
Bye for now,
CarPal
No comments:
Post a Comment