Search Charlespost Archives

Saturday, June 7, 2008

Mga Quotes ni Doraemon

Nabasa ko ang mga 'to sa isang part ng leisure page ng isang pahayagan. This part was sent in by a texter doon sa textline ng nasabing dyaryo. Nilalaman noon 'yung mga quotes na sinabi ni Doraemon sa kanyang cartoon program. 'Eto 'yun:

"Hindi porke kaya mong gawin ang isang bagay ay dapat mo nang gawin."


"Mahirap maging matanda. Wala nang mas matanda na titingin sa'yo."


"Huwag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak mag-share ng problema. Para kang nag-alok ng hopia pero hindi mo naman ibibigay."


At 'yung pinakagusto ko sa lahat:

"Hindi mo dapat iyakan ang nakaraan. Isipin mo, bakit nasa harap ang mata? Ito ay para lagi mong nakikita ang hinaharap."


With love,

cp

No comments: