Search Charlespost Archives

Saturday, November 1, 2008

Imbis na Pakinggan, Salot pa sa Lipunan

(This is my Halloween gift to all. Wala lang. Nagkataon kasing ira-rapid fire ako ngayong undas. Salamat po.)


Imbis na Pakinggan, Salot pa sa Lipunan

Undas ngayon, at hindi Semana Santa
Bakit ako pinagagalitan ng Dyosa
Nanggagalaiti daw sa kanyang kuta
Heto't ke'langang bumalik sa Maynila

Ano ba ang nagawa kong kasalanan
At parang kay bigat ng aking pinasan
O, ang mga bwitre'y tuwang-tuwa na naman
Bakit 'di mo sila pagalitan minsan

Tiniis ko na kanilang kaplastikan
Bakit puri ko pa ang hinuhubaran
Gusto pala nila ng larong hilahan
O sige, simulan natin ang gantihan

Sa araw na ito hindi yata ako pinagpapala
Sa'yong nagawa 'di ako nagprotesta
Kung magsalita 'kala mo kung sino ka
Anong magagawa kung sobra maghusga?

--cp
1-Nov-2008

Amazingly, ginawa ko yan sa bus, going back here in Manila. Heto 'ko, naghahanda sa sentencia sa'kin. Alam ko namang mapapahamak na naman ako ng bonggang-bongga nito. Tulad nga ng matagal ko nang prophecy, "Bahala na si Batman."

Kaasar kasi eh. Ipokrito tayong lahat. Huwag na tayong magkaila.

Disgusted,

cp

No comments: