Search Charlespost Archives

Wednesday, November 19, 2008

Why My Mondays Are Always Broken

'Kinda confusing enough, ay?


Hindi ko maintindihan pero tuwing Lunes ang pinakamasama kong araw. I hate Mondays. Hindi ko maintindihan eh. Palagi kasi bad memories ang hinahatid sa akin ng Lunes. Nitong Lunes lang, November 17, 2007 to be exact, ito na yata ang worst day of my life.


Here's a breakdown of what happened at that time:



  • Muntik na akong ma-late sa paggising.

  • Muntik nang mapaso 'yung kamay ko sa plantsa

  • Pumasok 'yung tubig sa tainga ko habang naliligo

  • Natapon 'yung toothpaste sa polo ko nang nagtu-toothbrush ako

  • Muntik na akong makaapak ng "landmine" sa daan. I wasn't that cautious.
  • Hindi ko nakuha form 138 ko. :(
  • Naiwan ko 'yung questionnaire ko para sa research paper ko. Naman.
  • Nag-internet ako para mawala lumbay ko. Wala pa rin, wala kasing headset, kainis "laggers" pa. Asar.
  • Naasar ako doon sa mga nakita ko. Kaka-turn off si crush.
Hindi lang naman 'yang Lunes na 'yan ang "broken Monday" ko. 'Yan lang ang pinakamalala. Marami pa ang mga Lunes kong "ruined". Actually laging nagsisimula ang buong week ko na magulo. Hindi ko rin alam kung ano talaga ang tunay na dahilan kung bakit gan'un.

Heto pa nga ang ilang makasaysayang kamalasang naganap sa araw ng Lunes:

  • I "fired" my girl at that day. I saw her with someone eh.
  • I came school wearing pants na sira 'yung zipper.
  • I came home penniless, despite the fact na ang dami kong pera nung pagpasok ko. (Baka nga nahuthutan ao, 'di ko lang alam.)
  • 'Di ko 'to malilimutan dahil dito ako naospital. Natisod ako malapit sa septic tank. Ayun, injured.
Sana sa susunod, huwag na akong kapitan ng jinx tuwing Monday.

With love,

CP

No comments: