Search Charlespost Archives

Sunday, January 18, 2009

Nasa Huli ang Pagsisisi

(Muli, I'm here again to give you this another short story I wrote. Matagal-tagal na rin akong hindi nakasulat nito since Elehiya. Kailangan kasi ito for a project, kaya napagawa ako. At heto ang Nasa Huli ang Pagsisisi, made in just 56 minutes.)


“Don’t worry ma, I’ll be fine.”


Masaya akong umalis ng bahay nang mag-isa upang pumasok sa paaralan. Medyo pagod pa ako noon dahil napuyat ako kakagawa ng proyekto sa Filipino. Ngunit natanggal ang lahat ng aking pag-aalala nang ibigay ni Mama ang sa akin ang baon kong pagkain na may kalakip ng ngiti. Hindi ko alam, pero para bang may kakaiba akong nararamdaman nagayong araw na sa tingin ko’y magbibigay ng suwerte sa akin.


Umalis ako dala ang pag-asang mag-aahon sa aking pamilya. Oo, instrumento at inspirasyon ko sila upang mag punyagi sa pag-aaral. Hindi man lumilitaw sa kung paano ako mag-alala sa kanila, pero sobra ang pag-aalala ko sakaling may mangyari mang hindi kanais-nais.


Lunes pala ngayon, naalala ko. Isa akong tipikal na mag-aaral na, dala ang asula na bag at clear book, handing magtagal sa paaralan nang walong oras upang matututo at magligtas ng buhay. Makailang ulit ko nang sinabi sa harap ng klase na nais kong maging doktor, ngunit ang totoo’y hindi pa buo ang aking desisyon tungkol doon. Matagal pa naman akong papasok sa kolehiyo, nasabi ko sa isipan ko. Siguro’y hindi ko na lang muna iisipin iyon. Natatawa nga ako kung minsan dahil sa patuloy na panunukso sa akin ng mga kaklase. Wala raw akong pangarap, sabi nila. Ngunit ang hindi nila alam, pangarap kong iahon ang aking pamilya.


Sa araw ring iyon namataan kong muli ang babaing iniibig ko. Maganda siya. Hindi siya ordinaryo. Nabibilang siya sa mga pinakamaganda at pinakamayaman sa paaralan. Hindi siya tulad ng ibang nakilala ko; siya ang bukod-tanging babaing nakilala ko na mayroong kagandahang-asal. Siguro’y dahil na rin sa galling siya sa isang pribadong paaralan tulad ko. Sinusubukan kong suyuin siya, ngunit mukhang malabo iyong mangyari. Ngunit nasabi niya sa akin na unti-unti na siyang nahuhulog sa akin.


Ilang ulit na ring sinasabi sa akin ni Mama na huwag munang umibig gayong nasa maagang edad pa ako. Mapusok ang pag-ibig, lagi niyang pinapaalala sa akin. At sa panahon ngayon marami ang mga malalanding babae. Oo, naniniwala ako roon. Katunayan, ilang beses ko nang naranasan iyon. Mabuti na lamang at hindi ako nahulog sa kamandag ng kanilang lasong mistulang nmag-aakit sa iyo at hindi ka na tatantanan hanggang sa magsawa sila sa iyo. Kaya ang lagi kong sagot kay Mama: “Don’t worry ma, I’ll be fine.”


Ngunit hindi ganoon ang babaing sinisinta ko ngayon. Sa halos apat na taon kong pagkakakilala sa kanya ni minsan ay hindi siya nang-aakit sa mga lalaking patuloy na umaasa sa kanya, tulad ko. Miyembro man siya ng “stiletto gang” kung ituring ng iba, hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa kanya dahil hindi siya ganoon. Siya’y aking tinitingala; patuloy akong lalaban dahil sa kanya at sa aking pamilya.


Kinahapunan, matapos ang buong araw ng pag-aaral, nilapitan niya ako sa bangkong kinauupuan ko. Kinausap niya ako tungkol sa ilang mga bagay tulad ng group work sa Science, proyekto sa Linggwistika, at ang pag-amin sa aking nararamdaman. Nagtatawanan lang kami sa aming buong pag-uusap, ngunit nagging seryoso siya sa huli kong binmanggit. Natutuwa raw siya at pinahahalagahan ang ginagawa kong pagsusumikap upang mapalapit sa kanya. Kaya gusto niyang magkatuluyan kami. Sabay yakap niya sa akin. Pakiramdam ko noon ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Daig ko pa ang ilang magtangkang lumipad tungong buwan, naisip ko. Napakasaya ko’t sa unang pagkakataon ay nagkaroon ako ng nobya.


Magkasabay kaming umuwi noon. Pumayag akong ihatid muna siya’t ipakilala sa kanyang mga magulang bago umuwi. Kinakabahan ako. Ngunit patuloy niyang inaalis ang nerbyos ko. Sa aming paglalakad ko nalamang ako pala ang una niyang nobyo. Ayos!


Sa gitna ng aking paglalakad, may nakasalubong kaming isang grupo ng kabataan na panay ang tingin sa nobya ko. Hindi pa nakuntento ang isa’t binastos siya. Sa galit, sinuntok ko siya. Ngunit naghiganti ang buong grupo sa akin. Ang nobya ko, sinusubukang humingi ng tulong. Ngunit huli na ang lahat. Mayroong isang binatilyong humugot ng sumpak hanggang sa nawalan ako ng malay. Ang babaing sinisinta ko, umiiyak sa aking tabi at patuloy na humihingi ng tulong. Hanggang sa madala ako sa ospital.


Hindi na ako nakaabot ng buhay pagdating doon. Subukan man akong iligtas ng mga doktor, wala iyong epekto dahil matindi ang tama sa akin ng bala ng sumpak. Nasa tabi ko pa rin ang aking nobya, umiiyak. Doon ko naramdaman ang kanyang pagmamahal. Kahit wala na ako.

Pinagsisisihan ko ang aking ginawa. Naging matigas ang ulo ko at hindi sinunod ang aking magulang. Ngunit laging nasa huli ang pagsisisi. At hindi na ako nabigyan ng ikalawang pagkakataon.


-cip-

18-Jan-2009

No comments: