* * *
Speaking of motivation, napakaraming mga tao--mapa colleague man, mapa teacher, or parent--ang nagpakita ng suporta't motibasyon sa akin. Sa haba ng listahan kong iyon e malamang kasinhaba na ng Saligang Batas 1987 'yon. Salamat sa inyo. Hinding-hindi ko iyon malilimutan. (Kakaiyak pero mahirap umiyak dito sa computer shop. Para akong natalo sa pustahan kasi talo hero ko sa DOTA.)
Masaya rin e. Dahil sa nangyari e puro halakhakan sessions kami ng ilan sa mga colleagues ko. Kanina nga e alaskahan pa't gayahan ng boses ni Gus Abelgas at sasabihing: "sino ang pumatay sa biktimang ito????" Cute.
Dahil sa mga colleagues ko, at ilan sa mga guro, nawala 'yung kalungkutan ko. Ayos na, hindi na ako iyaking bata ngayon. Cute.
* * *
Siempre, kailangang tuloy pa rin ang buhay. Isa rin sa mga dahilan e 'yung "inspirasyon". Marami tayong inspirasyon sa buhay, at isa na roon ay ang crush. Oo, inaamin ko, kaya rin ako masaya e dahil sa crush ko. Sayang nga lang, dahil matapos ang apat na taon ko sa high school e ngayon lang kami nagkakilala. Hay.
Kung may tulay lang kami sa communication, why not? Ayos! Ang saya ko talaga, sobra.
car_pal
No comments:
Post a Comment