Photo Credit: Carlo Palmes
Ang saya pala ng graduation, ano? Noong una kakaba-kaba ako't nakakangatog tumayo sa harap ng maraming tao upang mag-lead ng dasal. Inaamin ko, nanginginig pa ako hanggang pagbaba ng stage matapos ang prayer. Hindi lang halata.
Tapos dumating 'yung oras para sa speeches ng salutatorian, valedictorian, at maging ang guest speaker. Ang dami kong natutunan doon sa aming guest speaker. Masaya.
Medyo matagal lang 'yung pagbibigay ng diplomas dahil six hundred seventy four graduates ang isa-isang tinawag. Kakaantok tuloy.
Mas masaya 'yung part ng pagbibigay ng special awards. I am the recipient of the Vice President Noli de Castro Leadership Award sa batch namin. Nakakatuwa kasi't bonus na rin para sa akin 'yon. Mas nakakatuwa 'yung time na kinamayan ako nung mga teachers ko. Kakaiyak. Buti't napigilan ko. ('Di ko talaga trip umiyak sa harap ng madla.)
Pagkatapos ng ceremony, ayun. Tawanan. Iyakan. Picture-picture-an. Tapos nun tiyak, kainan naman.
I will take this opportunity to thank na rin ang mga kabarkada ko sa IV-Locke, my colleagues, teachers, kina Itay, Inay, Ma at Pa, sa aso naming si John Jay, mga kapatid, mga kasamang boarders, sa mapagmahal naming lola, mga kamag-anak, sa mga kapitbahay, mga naging ka-text, mga naging crush (at--sige na nga--mga naging gf) at higit sa lahat, kay Lord. Super thank you sa inyo.
car_pal
No comments:
Post a Comment