FOOD FOR THOUGHT: "Kung may lapis, kaya kong isulat ang pangarap. Kung may crayola kaya kong iguhit ang bukas."
* * *
Angas ah. Kanina super addict kami ng tropa ko sa jingle na ang pamagat ay "Handog Edukasyon". Maganda kasi 'yung lyrics. Nakakadala. Nakaka-addict. Kung iba-ibang versions ng kanta ang ginawa namin. May rock, hip-hop, pang-Christmas, at pambirit. Asteeg.Nabigla na lamang ako't usap-usapan na pala sa buong barrio ang balita tungkol kay sikat na composer na si Gary Granada at ang jingle na iyon. Ayon sa composer, kanyang isinalin sa kanta ang lyrics na ibinigay sa kanya ng mga taga-GMA Kapuso Foundation na siyang gagamitin sa kanilang ad campaign na bumili ng ilang selected na produkto bilang tulong sa mga kabataan upang makaaral.
Ngunit, sa ibang tao napunta ang kredito sa kantang kanyang isinalin. Hindi rin ibinigay sa kanya ang claim ng kanta. Bagkus, sinabihan pang "collective" ang kanyang gawa.
Masyadong matindi, ayon sa ilang kapitbahay, ang ginawang pagmamaltrato kay Ginoong Granada, isa siyang respetadong composer at mang-aawit. Kung ganito lang ang gagawin ng nasabing grupo sa kanya, nararapat lamang na ibigay kay Ginoong Granada kung anong nararapat sa kanya. At sa nasabing grupo, huwag sana nilang takasan ang gusot na ito.
Baka bukas 'di ko na kantahin 'to.
-car_pal-
No comments:
Post a Comment