I felt the exams were a dud. 'Di pala. Nag-enjoy pa ako lalo.
Naalala kong sa aming klase e forty-nine lang kami lahat. (Just imagine, pa'no kung kinalaban nun e isang teacher lang?) At dahil by three's ang order, siyempre may isang matitirang sikat--nasa likod, nag-iisa, at lalapit sa proctor tuwing palitan na ng questionnaires kasi nga walang kapareha. Trip to Jerusalem nga ang kalakaran, hanapan pa ng puwesto. May nahanap na ako e, kaso nga lang napag-utusan pa (isa sa mga trabaho ng class president ang maghanap ng dustpan, walis, etc., etc., na puwedeng makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa). Hayun, odd one out na naman.
Maalikabok sa likod. (Allergic talaga ako sa dust mites, at dati may kaso ako ng hika.)Pero at least 'di mainit. Buti na lang parang ako si Tsar Nicholas II sa likod, at ini-imagine na puro kawal ko ang mga nasa harapan. Ligtas rin ako sa mga potential attacks ng mga teroristang 'Harry Potter' sa harapan. Wala akong katabi eh.
Mahirap nga lang, para kang may alagang imaginary friends sa likod. Minsan, natitig pa sa maalikabok na ceiling fan ng kuwarto. Sightseeing kuno sa labas ng bintana. At hindi maiwasang makamasid at makaiwas-tingin sa crush. (Kung akala ninyo'y lalagyan ko ng smiley ang dulo ng talatang ito, puwes, nagkakamali kayo.)
Mas ayos makapag-concentrate. Para akong nagyo-yoga sa harap ng Ayala Avenue. Astig. Sarap ng feeling. Para raw emo. Bukas ulit 'yon na naman ang gagawin ko.
car_pal
No comments:
Post a Comment