Lagi kong naaalala 'yung panahong sobrang sadlak ako sa sobrang kahirapan. Mentally, medyo mahirap mag-catch up sa mga aralin. Financially medyo sumasadsad ang economic status namin. Emotionally, mas matinding lungkot, poot at sakit ang nararamdaman ko.
Doon ko naisip na maghanap ng makakaramay. Ewan ko ba kung ano ang naisip ko nung mga panahong iyon, I guess masyado na akong nalulong sa depresyon.
At hayun nga, uncontrolled ako. Hindi ko naisip na dapat hindi ko ginawa iyon. Pero kahit papaano naman e sumaya ako, salamat doon. Ngunit talaga lang yatang wala ako sa tamang pag-iisip nung mga panahong iyon.
Buti na lang, hindi umabot sa puntong sobrang masokista na ako't gumawa ng mas matinding peligro. Alam ko'ng limitasyon ko, kaya't minabuti kong itigil iyon. Dumating na rin ang puntong na-realize ko ang mga mali ko. (Oo nga naman, papaano ako mabubuhay nang mag-isa kung may patuloy na mangungulit sa akin gabi-gabi?) Ang totoo'y sawang-sawa na ako. Kaya't talagang napagdesisyunan ko nang tapusin ang lahat.
Ang problema ko lang ay parang hindi na yata ako makaligtas sa butas na pinasukan ko. Kung tutuusin hindi dapat ako narito, ang totoo'y napilitan lamang ako.
Tulad nga ng sabi ni JR doon sa paborito kong palabas sa TV, "'wag kang umarteng ikaw ang biktima." 'Yun lang.
car_pal
No comments:
Post a Comment