Search Charlespost Archives

Thursday, December 6, 2007

Girl From Sta. Ana

Last week, bumili ako ng album ng The Bloomfields. I like that band, reminds me of The Beatles. Eh likes ko pa naman ang oldies. Naimpluwensyahan ako ng tito ko. Hehehe

Anyway, mayroon silang kanta na ni-revive nila from a Brazilian singer. Yung "Girl From Ipanema". Medyo pinatatamaan ako sa kantang iyon, kasi there is a person na mukhang 'di ako vibes, kaasar.

Basta, yun lang. Kaasar talaga eh.

Eto 'yung lyrics.

Love lots,
CIP

But each day, when she walks to the sea
She looks straight ahead, not at me

Tall and tan and young and lovely
The girl from ipanema goes walking
And when she passes, each one she passes goes “ah”

When she walks, she’s like a samba
She swings so cool and sways so gentle
And when she passes, each one she passes goes “ooh”

[chorus](Ooh) But I watch her so sadly
How can I tell her I love her
Yes, I would give my heart gladly
But each day, when she walks to the sea
She looks straight ahead, not at me

Tall and tan and young and lovely
The girl from ipanema goes walking
And when she passes, I smile, but she doesn’t see

[repeat chorus]

Tall and tan and young and lovely
The girl from ipanema goes walking
And when she passes, I smile, but she doesn’t see

But she doesn’t see
No, she doesn’t see

Monday, December 3, 2007

To where the breeze blows

I was assigned as our Mathematics department head kanina for the Boys and Girls Week na magtatagal until Thursday. Ok lang sa'kin 'yun, pero nakakairita rin pala kung puro nakakaasar na estudyante kaharap mo.

Nakakabuwiset lang. Parang walang mga respeto.

Kaasar talaga.
***
Kanina, while in my post as the Head, I saw that girl. That girl with that angelic face. The face I called heaven--that was then.
There are a lot of times na nagkakasalubong kaming dal'wa. I admit, gustung-gusto ko siyang makita. Siyempre. Kakilig. Hehe.
But I can't take the situations we were going through. Kapag nagkakasalubong kami, parang hangin lang akong dumaan sa kanya--at siya rin sa'ken. Parang 'di kami magkakilala. Sino ba ako para pansinin niya, 'di ba?
Kung sa bagay, hindi natin maikakaila na di-kagandahan ang nakaraan. 'Di natin siya masisisi sa ginagawa niya. Ako rin naman may kasalanan nito, 'di ba?
But still, my doors for negotiations are still open.
Slightly enraged,
Charles

Saturday, December 1, 2007

What a week!

CAVITE--Bagyo. Lindol. Tapos hotel siege. And then curfew.

Masyado atang tine-test ng panahon at pagkakataon ang bansang Pilipinas at ang mga Pilipino, sa mga pagsubok na pumasok nitong linggong ito.

Nitong Tuesday (yata), isang intensity 4 na lindol ang yumanig sa Metro Manila, which was yung pinakamalakas was in Baguio and Lingayen, Pangasinan. (Some reports said na 'yung lindol e yumanig din sa ilang parte ng Luzon.

Before the earthquake, dalawang bagyo ang rumagasa halos sa buong RP. Ang bagyong 'Mina' (international name: Mitag) at ang nagbalik na bagyong 'Lando' (international name: Hagibis). Tawag daw dun sa phenomena na 'yun e Fujiwara effect. Ba't di na lang Fuji apple? I wonder why.

Tapos nitong Thursday, isang showstopper ang ginawa ni Sen. Antonio Trillanes IV, yung lider nung 2003 Oakwood mutiny. Bigla siyang nag-walk out (together with Gen. Danilo Lim) sa hearing tungkol dun nga sa coup. Umabot ng ilang oras ang trauma sa Makati, na nag-resulta pa nga sa pagpasok ng tangke ng military sa facade ng Manila Peninsula Hotel. Na nagbigay-daan din sa 12am-5am curfew, na ni-lift rin kinabukasan.

Malapit na ang Pasko, sana maging mapayapa at maligaya ang Xmas ng bawat Pilipino.

Bye for now,
Charles

Saturday, October 13, 2007

Jealousy

MANILA, PHILIPPINES -- Nandito ako ngayon sa Netopia-Robinson's Manila upang aliwin ang aking sarili matapos ang ginanap na Mini-Press Conference kanina sa Lakandula High School, Tondo, Manila. Isa kasi ako sa mga flagbearers ng aming escuela. Medyo kabado at tensyonado pa rin ako sapagkat walang kasiguraduhan ang aking ginawang "ka-eklavuhan." Kaya hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ng aking gawa. Medyo wala kasi ang mindset ko sa contest eh, may mga ilang bagay na bumabagabag sa akin the past few days.
Medyo naiinggit nga ako sa ilan sa mga estudianteng nandoon, kasi nandoon ang kanilang mga partners. Para nga silang nasa Luneta Park eh. Kainis! Wish she was here with me.

* * *
Sa ngayon ay "nagri-research" ako ng mga kung anu-ano. Naiinggit lang ako sa mga taong nakikita ko sa palibot nitong premises ng mall. Parang ang saya-saya nila. I don't belong here. Kainis! Wish she was here with me.
* * *
Ang ganda nitong kantang pinakikinggan ko sa imeem.
Rock revival ito ng bandang The Starting Line. 'Yung eighties hit (ba 'yun?-- O '70s?) 'yun na Nothing's Gonna Stop Us Now. Ganda nung lyrics eh -- plus 'yung rock music that suits our generation. Hehehe =)
Naiinis lang ako kasi hindi niya 'ko nakikitang kinakanta 'yang kantang 'yan. Ayan tuloy. Hehehe
Kainis! Wish she was here with me.

Bye for now,
Charles

(PS: Always remember, KEEP OFF THE GRASS.)

Sunday, September 16, 2007

I'm Begging You To Please Stop Bugging Me

Nakakaasar yung mga taong pang-epal sa buhay natin. It reminds me of those moments na may mga taong nakiki-extra sa'ken.

Naalala ko tuloy yung nangyari sa'kin nito lamang noong elementary ako. There was some group of people who are making "reto" me to a girl -- na hindi ko naman talaga completely gusto. E yung gal naman, masyado atang masaya and super ecstatic kapag nagagawa ng mga alipores nya yung 'mission' na yun. And that was it. She and her alalays scored 1-0 over me.

Nakakaasar yung mga ganung gawain -- and it looks like na dinidiktahan ka nung mga ungas na yun. Para ka tuloy utu-uto. Lalo na pag parang inii-spy ka nung gal. Na hindi mo gusto. Aaaargh!!

Kaya sana, dun sa mga nagtatangka (at magtatangka pa lang) na gals, tama na. Yoko na. I'm tired. Pati nga ngayong high school ako eh meron pa. Kainis kayo.

Bye for now,
Charles