Search Charlespost Archives

Wednesday, December 31, 2008

New Year's Resolu.... what?!?

Pagbabago. 'Yan ang hinihingi natin palagi tuwing sasapit ang bagong taon. At siyempre hindi mawawala ang paglilista ng mga nais mong baguhin next year. Isa ako sa mga patuloy na nagiging biktima ng di-pagtupad ng New Year's Resolution.

Buti na lang, naitabi ko pa ang notebook kung saan ko nailagay 'yung mga new year's resolutions ko. And I was surprised doon sa mga naging outcome.

(Note: Resolutions MADE are in BLUE fonts, while FAILED resolutions are in RED.)

1. LESS FOOD CONSUMPTION. Medyo ang takaw ko 'ata nitong 2008. Oh well, ganun talaga ang buhay eh. I hate my figure! Hehehe.

2. BEING THRIFTY. As always, hindi ko pa rin mapigilan ang maging congressman (read: gastador). Ayayay. Lahat naman 'ata tayo ganun, 'di ba?

3. LESS TEXTING. Eto lang siguro 'yung natupad ko buong taon. No one to care about, kaya 'di masyadong kailangang mag-send ng SMS. Ayos.

4. BE NOT PRONE TO "ACCIDENTS". Lahat tayo nagkakamali, at alam kong walang taong perpekto. Lahat tayo nadadapa rin. At inaamin ko nagkamali ako. Natisod lang. Hindi na po ako uulit.

5. I-50-50 ANG SARILI. Siguro isa rin ito sa mga nagawa ko so far. I'm doing great at school, and I'm proud of it. Siguro, kung walang distractions, much better.

6. OBSERVE CURFEW HOURS. I remember one time noong lumayas ako ng bahay and instead nakipaglaro ng basketball para lang matakasan ang isang napakababaw na problema. 'Yung number four.

7. LOVE HER MORE. Naku, patay. Yup, sinama ko ito sa list ko last year. Pero wala rin namang nangyari. Worthless. In the first place, sino 'yung "her"??!?

8. BE POSITIVE. Ito 'yung hindi kailanman mawawala sa listahan ko. Hindi ako kailanman mawawalan ng positive energy sa katawan (Ano to, Dragon Ball Z?). Fight!!!

9. AVOID MAGING MAPAGHINALA. Hindi mawawala sa akin 'yung palaging nagsu-suspect ng mga bagay kaya siguro next year dapat ko na itong i-scrap sa listahan ko.

Marami akong nais gawin taun-taon. Kaso, kung wala mang oras, nababaon na lang sa limot. Next year, gusto kng maalala ang lahat ng gusto kong gawin. Wow. Ambitious.

-cip-

Wednesday, December 24, 2008

"Dumping" Those Good Memories

"Pakawalan mo 'yung mga bagay na nakakasakit sa'yo kahit pinapasaya ka nito. Huwag mong hintayin 'yung araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."--Bob Ong



December 14th was the date. We decided to clean up our messed-up basement. Malaki na rin ang pinagbago ng bodega naming iyon. Inaagiw na 'yung mga dingding, at 'yung mga libro--kung di man nginatngat ng daga--e inihian naman nila.

Doon naming nadatnang nakahandusay 'yung dalawang dagang-bukid. Duguan. Patay. Inuuod. At more grossing pa, 'yung fur nila e dumikit na doon sa cemented flooring namin. Eeeeewwwww.

Nilinis namin iyon after the rainy season. Matindi na 'yung aroma e. Ang masama pa, dahil sa ako (lang siguro) ang matapang sa amin, ako na lang ang pinaglinis ng "crime scene". Sooooooooper eeeeewwwww.

That was then, buti na lang this time no more grossy rats. Kaya ayos na.

Sa gitna ng paglilipat, pagtatanggal-alikabok, at paglilinis ng kanal, napansin ko yung mga "naiwang alaala" ng nakaran. Mga bagay na may sentimental value (kuno), mga love letters (mayroong iba-ibang klase: rejection letters, resignation letters, acceptance letters, promissory notes at disconnection notices), mga sweet nothings (daw) tulad ng candy wrappers, tiket ng bus--sentimental sa akin kasi chicks 'yung nakatabi ko noon. Mga bolpen na wala nang tinta--mayroon rin 'yung binali ko--at mga Yu-gi-oh cards (sentimental 'yun kasi nagpapakitanggilas ako noon doon sa crush ko sa school). Kakaiba nga, naisip ko. Natatawa na lang ako sa sarili ko. Para kasing ang korni. Kaya 'yung iba pinagdesisyunan ko nang itapon. Well, not being bitter with my past, it made me feel na it occupies a lot of space doon sa basement namin. Aanhin ko pa ba ang mga iyon, I thought, kung wala na rin lang naman itong gamit maliban sa pagpapaalala ng mga alaalang di na dapat alalahanin.

Sa mga iyon isa lang ang itinira ko: 'yung set ng mga cards ko. Bakit? Kasi alam kong maibebenta pa ang ilan sa mga iyon. Alam kong mayroon pang puwedeng gumamit noon. Alam kong usong-uso ang internet auction ngayon. Oo nga naman, sino nga ba ang bibili sa eBay ng mga baduy na love letters mula kay (please insert name here)? 'Di bale sana kung galing kay Megan Fox 'yon. In other words, useless at walang value.

Mabuti na rin siguro kung itatapon ko ang mga iyon, sayang ang pera. Junkshop.

-cp-

Sunday, December 21, 2008

Pamasko

Isa na yata ako sa mga taong hindi pa ramdam ang Krismas spirit. Ewan ko ba. Napakaraming tao ang abala sa pagsa-shopping ng pang regalo ngayong Pasko. Napakaraming bata ang nagkakaroling upang magkapera. Napakaraming college studes ang nakikipagpustahan sa Defense of the Ancients para magkaron ng pambili ng Krismas gift sa kanilang nobya. Ako? 'Dito lang sa bahay. Nakatambay.

T'wing gabi na-attend ako ng anticipated mass sa simbahang napakalayo sa bahay. Doon ko lang kasi ramdam ang ambience ng Pasko. May mga choir na nakanta ng Krismas songs, at lahat ng tao ay nakaabang sa pagdating ng ating Tagapagligtas. Bukod sa malamig tuwing nine pm (buti na lang nasa Maynila lang kami, kundi magyeyelo ang badoodles ko sa Baguio), naaamoy ko rin ang aroma ng sunog na niyog na ginagawang gatong para sa bibingka.

Siguro ang tanging dahilan kung bakit 'di ko masyadong 'feel' ang Pasko e dahil sa global financial crisis. Minsan nga naisip ko, dahil sa lintek na global crisis na yan, dumami tuloy 'yung mga batang nangangaroling t'wing gabi--at marami rin ang nasigaw ng "Patawad!" Doon nga sa nadaanan namin may isang bahay na naglagay ng sound system sa harapan nila, siguro pangontra nila sa mga carols--with the tune of Pare Ko ng Spongecola.

Gusto nga sana naming mangaroling ngunit nakakahiya na. Only those desperate people could do that. 'Di pa naman ganun kakapal ang mukha ko.

-cp-

Sunday, December 14, 2008

On Top of the World--I Think So

Kahapon sumama ako sa bandwagon of my classmates as we joined a thousand more students all over Manila para sa Science Day Camp, which held at the Antonio J. Villegas HS, Tondo.

Well, I was surprised nung ibalita sa amin na aakyatin namin ang isa sa mga pinakasikat ng bundok sa Pilipinas--na naging pangalan pa ng grupo nina Geneva Cruz--ang Smokey Mountain.

Isa ako sa mahigit 1,000 na naka-conquer ng bundok na iyon sa isang oras lamang. Muntik na nga akong mapadausdos pababa. Buti na lang at naka-all purpse workboots ako kung hindi eh diretso na ang downfall ko.

What moved me into emotions was when a kid from the slums of North Harbor approached me and begging for money to buy food. Walang-wala naman ako noon, kaya doon ko siya sa mga kasama ko tinuro. Ngunit walang nakapagbigay ng maitutulong sa kanila, kaya minabuti nang umalis noong bata. Nakakaawa. Katunayan nakailang balik siya sa pila namin.

Doon ko naisip na napakasuwerte pa rin ng pamilya ko dahil for at least kumakain pa kami ng dalawang beses sa isang araw. The face of reality isn't seen by others, pretending to be ignorant. Nakakaasar lang dahil walang may gustong tulungan sila.

-cp-