Search Charlespost Archives

Tuesday, October 28, 2008

'Di Pa Rin Sila Nagbabago ('Storyang Sembreak #1)

CAVITE--Narito na naman ako sa probinsya upang makapag-relax, makapag-munimuni, at kalimutan ang ilang masasamang bagay na naiwan ko sa kabihasnan.

Bago ako umalis sa Maynila naka-balitaktakan ko ang ilan sa mga dati kong kaklase, lahat sila pawang mga classmates ko noong elementarya. Marami na ang nagbago sa kanila, siguro ganyan din ang masasabi nila sa akin ngayon.

'Yung isang nakausap ko, sabi e tapos na raw 'yung break nila. 'Yung isa naman daw, next week pa. Sayang, hindi kami nagkasabay.

Plano ko nga sanang makita sila, kaso hectic pare-pareho ang schedules namin.

Doon sa huli naming pag-uusap, nadama ko na hindi pa rin pala sila nagbabago kahit na ilang taon na ang lumipas. Naroroon pa rin ang pagiging maasikaso, masigasig at maaalahanin.

With love,

cp

Saturday, October 18, 2008

"In flagrante delicto"

I'm so embarrased with those people na may so-called "extra-curricular activities"--it's not the one na ginagawa out-of-school. Ito 'yung mga taong "nagchi-cheat" sa present partners nila.

Hindi naman sa uber-madaldal ako eh I know someone "showing off" with others kahit committed na. May iba rin siyang "pinaglalaanan ng oras" maski na sobrang busy niya with a lot of officework. Minsan palihim siyang umaatake, minsan lantad at maraming nakakakita.

Normal na sa lipunan natin ang mga ganitong senaryo. Problema lang, dahil sa sobrang acceptance ng tao sa mga ganito, hindi na sila nasisita. Wake-up call ba. Wala. Wala nang pakialam ang mga nakakakita. Kawawa naman 'yung mga walang kamalay-malay sa mga nangyayari.

Hindi dapat pinalalampas ang mga ganito. Masyadong hindi tama. Unfair.

Nakakita na naman ako kanina ng couple na nagpa-PDA sa daan. Sana tunay niyang gelpren 'yun

-cp-

Sunday, October 5, 2008

Past is past. Tuldok.

Well, in the past few days napansin kong iisa ang topic ng mga nasa top 20 ng some music charts. Breakups. There's one sung by Secondhand Serenade (almost all of their song eh ganun 'yung paksa). Then ang dami talaga.

Pansin ko ring at this moment, with people around me--and around them--some couples have their heads hot, feelings cold, and lots more signs that their on the rocks. I made this hypothesis na baka tuwing -Ber months or mga buwan na frequent mag-visit ang mga typhoons, e doon nag-i-spark 'yung split-up.

I remembered one time na mga bandang October ako nagkaroon ng strange feeling na iniiwasan ako nung, alam n'yo na. Malamig kasi nun eh. Ewan ko. Baka siguro nilamig 'yun kaya ganun. Past na 'yon.

Masyado kasing mahirap kapag malamig na ang panahon. Sometimes one feels bored, doon siya hahanap ng makakasama. Nagkataon namang wala ka. D'yahe pa kapag doon siya natutong maghanap ng iba.

Kadalasan kasi kailangan ng isang tao e 'yung atensyon. 'Pag wala ang isang guy/gal nun, definitely tapos kayo. Kung paano namang mag-move forward ang hindi mo alam gawin, madali lang iyon kung gugustuhin mo. Sabi nga sa akin, it's better to let go than to live in a lie. Tapos maluwag pa sa loob mo ang nangyari--no hard feelings ba--magiging okay ka rin.

THOUGHT: 'Pag nalaman mong niloloko ka lang ng syota mo, 'wag kang maniwala. Niloloko ka lang pala eh. =)

-cp-

Friday, October 3, 2008

Reminiscin'

JUST A QUOTE: "Hindi lahat ng batang naka-bag, nag-aaral." --DORA, ang lakwatserang negra.

Well, kanina in our training bago ang contest bukas, I saw a bunch of archives of our school paper na bookbound. Nakatawag-pansin sa akin 'yung mga hitsura ng mga studes noon. Grabe, nasa black and white pa ang pictures nila. Pati hairstyles and fashion kakaiba.

Tapos nakita ko 'yung Valentines month publication nung Ang Mulawin. May tula doon na nakatawag ng atensyon ko. 1987 pa 'yung date nung dyaryo. May tula kasi doon, tungkol sa heartbreak. Maybe about a guy na na-dump din. Grabe, uso na pala 'yon noon.

Doon sa tula, nakita ko 'yung image ko eh. Ewan ko ba. Ayos nga eh, "patama" daw 'yon sa'kin, sabi nila. Ah basta. 'Di naman ako tinatamaan.

--cp