Search Charlespost Archives

Friday, May 22, 2009

And They Called It Puppy Love...

CAVITE--Bad trip. Sira na kasi 'yung charger ng MP3 Player ko. Nagkataon pa namang ilang araw na siyang low-batt. Buti na lang at mayroon pa akong ibang puedeng source for playing music.

Na-discover ko 'yung cassette-corder na Sony 'yung brand sa baul ng tito ko. Ayun, ilang bagong batteries lang ang kailangan ko, presto!, may entertainment na uli ako.

Buti na lang talaga at may collection ng cassette tapes sa bahay, tulad ng MTB ni Michael V, Emotions at Daydream ni Mariah Carey (naroon 'yung Always Be My Baby na kanta), mga greatest hits nina Matt Monro, ballads ni Richard Marx (I'm a fan na), at 'yung soundtrack ng Voltes V na usong-uso noon.

Pero ang pinaka-favorite ko na tape (bukod sa compilation ng Voltes V songs... "Boretesu faibu ni") ay 'yung Lonely Boy ni Paul Anka. Astig 'yon. Grabe.

Andun 'yung Put Your Head On My Shoulder, Osmond hit rin na Puppy Love, ang makasaysayang Diana, at ang walang kamatayang You Are My Destiny. Aw.

Ngunit sa lahat ng tapes na napakinggan ko ay pinakapaborito ko na rin 'yung (It Looks Like) I'll Never Fall in Love Again ni Richard Marx (sabi na sa inyo e). Bukod sa nakaka-relax s'ya, parang natatamaan rin kasi ako. Whoa.

Bye for now,

jc

Saturday, May 16, 2009

Happy Birthday Kina Pierce Brosnan, Megan Fox, at CarPal

CAVITE--Siguro isa na ito sa mga pinaka-memorable na birthdays ng buhay ko.

Although hindi siya tulad ng mga birthdays ko na puro lavish gifts at napakaraming bisita, mas masaya ako ngayon. Unang-una, may mga bumati sa akin (kailangan pa bang sabihin kung sinu-sino sila?). Thank you sa inyo. Pangalawa nairaos naman ang birthday ko nang hindi umuulan. At pangatlo, napakarami naming sposors.

May mga astig na kapitbahay na sumagot ng spaghetti at ilan pang pagkain. Meron pa ngang nagbigay ng isang pack ng siniguelas. Salamat po sa inyo.

Salamat rin sa mga kaibigan at colleagues na binusog ako sa bati (aw, grabe). Pati na rin kina Ate't Kuya na hindi ako kinalimutan bagaman nasa Cavite ako.

Dapat sana'y ipo-post ko dito sa Charlespost ang bago kong mga ginawang tula, napag-isip-isipan kong gumawa na lang ng sariling blogsite para sa mga akda ko. Makikita ninyo iyon sa mga link na nasa gawing kanan ng blogsite na ito. Doon ko ipinost ang ilan sa aking mga freshly-brewed poems.

Sobra-sobra na 'to para sa akin. Grabe, super thank you talaga.

Kung inyong tatanungin kung ano ang pinakagusto kong birthday gift na nais kong matanggap, it would be pambili na lang ng mga bagong books. May nagugustuhan na kasi akong bilhin. Kursunada. Ayos na sa akin iyon.

Birthday wish? Siguro real happiness na lang. Yeah, masaya ako last year. Pero may mga kulang pa rin eh. Sana mapunan iyon this year.

Bye for now,

CarPal

Thursday, May 14, 2009

Phe-No-Me-Nal


CAVITE--For sure ay sobrang taas ng ratings ngayon ng ilang palabas sa GMA 7 dahil sa paglabas ni David Archuleta kanina ng live.

Doon pa lang sa mga studios kung saan nakita ng mga Filipino ng live si David A eh kitang-kita na ang excitement ng napakarami niyang fans. Ang mga nasa TV lang nanonood, tuloy ang nasabi, "Hay, sana nandoon ako't nakita ko si Archie!"

Bukas ay mapapanood naman si David Cook sa Eat! Bulaga, sa GMA 7 din.

* * *

Para ka lang sumama sa motorcade ni Manny Pacquiao, ganoon karami ang mga taong nanood at nag-abang kina David Archuleta (at malamang kay David Cook rin).

Ganoon ka-phenomenal ang dalawa. Their songs are topping the charts on the country, tapos nagda-download rin sila ng hits ng dalawa't ilalagay sa iPod. Wow.

Sayang nga lang at hindi ko sila makikita sa kanilang concert.

* * *

By the way, nakita ko na si Manny ng live noong Lunes sa kanyang victory motorcade.

Pauwi na ako noon dito sa Cavite nang sumalubong sa akin ang mga hagad ng MMDA at ibinalita sa buong barangay ang pagdating ni PacMan.

At, as usual, ang daming tao.

Sayang nga lang at "hindi na raw nagpamigay ng T-shirt."


Bye for now,

CarPal

(PS: Follow me on Twitter. It's at: http://www.twitter.com/CarloPalmes.

Sunday, May 10, 2009

Perfect Wedding Theme Song

MANILA--Nitong bakasyon natikman ko 'yung imported na creamer na binigay ng tita ko. Blueberry cobbler ang flavor nun, at walang ganoong flavor sa Pilipinas (hazelnut lang 'ata ang meron). Nakakaadik ang amoy niya, pati ang lasa.

Kaya nung matikman ko't inihalo sa kape, ayun, ang sarap-sarap.
Hindi ko napapansin, naaadik na pala ako sa amoy nito--pati ang lasa. Hindi ko na mapigilan ang craving sa pag-inom ng kapeng may blueberry-flavored creamer. Nakakaadik talaga, sobra.
Ang nangyari, insomniac na ako gabi-gabi. Dilat ang mata ko hanggang alas dos ng umaga. Nagigising ako ng alas nuebe. Aw. Para tuloy akong security guard na nakahiga. With firearms.
Para tuloy ayoko nang matikman ang bawal na creamer sa susunod.
* * *
Kahapon isa ako sa mga sumamang sumaksi sa isang kasalan sa Gen. Trias, Cavite. Kamag-anak namin ang groom.
Ayos ang setting ng kasal: sa isang resort. Perfect for summer. Mabuti na lamang at nakisama ang panahon (lokong Chan-hom 'yon).
Pinanood namin ang isang audio-video presentation ukol sa newlyweds sa pamamagitan ng isang projector. Wow. Ipinakita doon ang kasaysayan ng kanilang lovestory. At may ilang tracks na pinatutugtog.
At isa na nga doon ang isang hindi malilimutang kanta para sa akin. Minsan na rin kasing narinig ko iyon sa kasal ng isa ko pang pinsan.
Hmmm, iyon ay theme song ko noon sa isa sa mga dati kong "special friend". That was an 80's song ng isang pelikula (hindi ko na matandaan, Mannequin 'ata 'yon.) Bagamat mahaba ang pamagat noon ay ramdam naman ang mensahe ng kanta sa lyrics noon.
Mukhang iyon ay theme song ng mga couples na nagtatagal. Hay, hay, at isa pang hay. Hay talaga.
Bye for now,
CarPal