Search Charlespost Archives

Friday, July 11, 2008

Sukdulan Na!

Nagpahayag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na kanilang ipatutupad ang fare increase sa pampublikong transportasyon anytime this week. Hindi na kasi makayanan ng mga drayber ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis.

Kung ang bawat drayber, hindi makayanan ang lingguhang pagtaas ng presyo ng gasolina, mas lalo na ang ordinaryong manggagawang Pilipino. Sa katunayan, lahat ng Pilipino--mapa-mayaman o mahirap man--ay umaaray na rin sa nangyayaring ito sa bansa. Lalo na't karamihan ng mga empleyado ay bumibiyahe pa ng pagkalayu-layo para lang igugol ang walong oras sa trabaho. Ang hirap nang kumita ng pera ngayon na kailangan mo pang dumayo.

Kung aalisin lang sana ng pamahalaan ang mataas na buwis sa langis at itaas pa ang umento sa sahod, hindi na maghihirap ang bansa ni Juan.


--cp

Wednesday, July 2, 2008

Ang Mahiwagang Duyan

Mayroon kaming lesson sa Art yesterday tungkol sa Art therapy. Then pinagawa kami ng artwork na something na sentimental to you or kilala ka dahil sa bagay na iyon. What I drew was a swing, found at the rooftop nung apartelle na tinitirhan namin (we made that swing). And I wrote this as explanation:

"Gusto ko laging mag-isa. Lagi akong nakapg-iisip, minsan nag-aalala ng mga
sandali. Ang pinaklapaborito kong parte ng aming bahay ay ang swing. Doon ay
nagiging masaya ako kahit sa pansamantalang panahon lang. Nakakadagdag pa sa
pagkawala ng aking problema ay ang aming aso na talagang napakabibo."

With love,

cp