Search Charlespost Archives

Friday, July 24, 2009

Try Again or Go Home



May problema na naman yata ang Twitter at Facebook. Nung pinupunta ko sa Twitter app page ng Facebook ko eh ang sabi'y may ipinaplantsa raw silang gusot. Nagtanong pa. Try again or go home raw. Naman.

* * *

Kahapon napanood ko sa internet TV 'yung laban ng Team Pilipinas at South Korea sa Jones Cup. Oo, talo na naman ang mga Pinoy. 83-80. Sabi sa news hindi pa raw inilalabas ni National Team coach Yeng Guiao ang lahat ng kanyang mga alas--ire-reserba raw iyon sa nalalapit na FIBA-Asia Championship ngayong Agosto. (Kagrupo ng Pilipinas sa nasabing laro ang Japan, South Korea at Sri Lanka.)

Sana nga'y maging maganda ang finish ng Pilipinas sa FIBA-Asia, bagamat medyo hindi ganoon ka-okey ang ipinapakita nila ngayon sa Jones Cup.

* * *

Talo na nga tayo ng mga Koreano sa basketbol, talo pa rin tayo maging sa mga pauso.

Ang sinasabi ko'y ang nauusong palabas sa TV na hook na hook ang mga kabataan ngayon. Ang Korean version ng Boys Over Flowers. Matindi ang impact ng palabas na ito sa mga bata. Ginagawa rin itong paraan ng mga naluluging tindahan upang kumita. Sales pitch. Iba-ibang merchandise ang binebenta. Asar.

Oo, mas maganda nga ang Korean version kesa sa Taiwanese at Japanese. (Hmmm, medyo ok pa ata 'yung Japanese. Sorry po, mga manga fans.) Pero hindi ba't medyo nakakasawa na 'yung istorya? Paulit-ulit lang 'yung plot: apat na magkakabarkadang mayayamang lalaki sa isang unibersidad. Tapos dalawa roon mai-in love sa isang pobreng babae.

Bakit ba hindi magkandasawa sa mga ganyang klaseng plot ang mga Pinoy? Dahil ba sa mga poging miyembro ng F4 o kung ano mang grupo? Hindi ba alam ng mga kapwa nating Pilipino na dahil sa mga ganyang palabas ay lumalabas ang ating colonial mentality? Bakit imbes na mga Tinagalog na dayuhang palabas ang panoorin natin ay 'yung mga talagang gawang atin ang unahin?

Diyos ko po.

* * *

ADVERTISEMENT: Available for download na po ang Buod ng Prologue ng Exes' Club via PDF file version. Sinubukan ko lang kasing gumawa ng isang eBook kasi nai-elib ako sa mga taong nakakagawa noon. Kaya I find it better kung gumawa ako ng sariling eBook tapos gawa ko rin 'yung naroroon.

Nasa Scribd.com site siya. Pero may link rin sa itaas kung saan ninyo makikita iyon.

Salamat nga rin pala sa mga patuloy na bumibisita ng GalunggongExpress. Kakatuwa't marami pa rin ang mga nagsasayang ng oras nila para lang doon. Super thank you! ;)


JC

Monday, July 20, 2009

Paalam na Red Balloon at Iba Pang Alaala



Kanina ay nagkaroon ng opening ceremonies para sa aming college week. Ganda nung theme ng aming linggo, inspired siya ng mga Hollywood films. (Kaya hindi kasama roon ang Enteng Kabisote.)We got the 'Pirates' theme. Ayos rin 'yung ibang themes. Mayroong Harry Potter, Twilight, and even LOTR.

So much more of that, I got a red balloon kanina from the festivities. Sa sobrang tuwa ko, doon ko na rin in-advertise 'yung GalunggongExpress site ko. [OK na 'yun, kesa sa iba na ang tindi ng trip. Happy Valentine's Day raw.] Nilagyan ko siya ng "Help I'm Lost" tagline para lang makaagaw ng pansin. (Ewan ko lang kung ganoon nga ang nangyari.)

Lakas rin ng trip ko. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga "alaala", mga bagay na noon ko pa nakalimutan. I was driven with my mind kaya gumawa ako ng isang mala-"suicide note" na nagpapaalam sa mga alaalang iyon. Trip ko sanang itali iyon sa lobo, then paliliparin ko. Pero 'di ko rin itinuloy dahil, um... ang korni.

A friend of mine told me na kalimutan ko na dapat iyon. Anong magagawa ko kung balik ng balik ang mga alaalang wala na dapat sa isipan ko?

Hay naku. Confused na naman ako.


JC

Friday, July 17, 2009

Bahana Mama

Biyernes ng umaga. Sa isang distrito ng Maynila. Abalang-abala ang isang college student sa kanyang pagpasok sa isang pampublikong unibersidad. Batid niyang malakas ang ulan sa labas kaya minabuti niyang manood ng TV morning show upang malaman kung may pasok ba o wala.


5:15 a.m. Tahimik na nanonood ang ating bida habang ibinabalita na preschool, elemntary at high schools sa Metro Manila ang walang pasok sa araw na iyon. Ayon sa weather bureau, kasalukuyang binabayo ng isang bagyo ang Northern Luzon. Kaya lamang raw malakas ang pag-ulan sa Kamaynilaan ay dahil sa hanging Habagat.


Napansin ng ating bida ang malakas na bugso ng hangin at matitindi pang pag-ulan. Nagdalawang-isip tuloy ito na huwag nang tumuloy sa pagpasok at bagkus ay manood na lang siya ng morning show dahil naroroon ang isa sa mga paborito niyang banda.


Halos dalawampung minuto ang lumipas, wala pa ring update tungkol sa suspensyon ng klase sa kolehiyo. Dahil dito ay pinatay na niya muna ang TV at nagluto ng kanyang aalmusalin. Pagkatapos niyang kumain ay siya'y naligo. Mabilis ang takbo ng pangyayari dahil sa pagmamadali at sa sobrang lamig ng tubig.


Paglabas ng ating bida'y nagulat ito sa kanyang nabalitaan sa TV. At breaking news pa iyon. Ibinalita ng isang sikat na brodkaster na isa ang kanyang mga pinapasukang paaralan ang nag-isyu ng suspensyon ng klase. Kaya si Utol, sobrang bad trip nang mabalitaan niya iyon.


Ngunit nagagawa pa rin niyang ngumiti dahil at least hindi niya kinailangang lumusong sa baha para lang makapasok.



JC


Nasa larawan: Tinutulungan ng isang ale na makausad sa baha ang isang pedicab sa Maynila, Jul. 16.
Photo Credit: Erik de Castro--Reuters. No copyright infringement intended.

Monday, July 13, 2009

Rat-a-Tat-Atat

Tuloy pa rin ako ngayon sa pagpapausok ng computer sa "Aling Baby's" Computer Shop (real name withheld for some security reasons). Kahit na umuulan ng malakas ngayon sa labas, sige fire!

Wala kasi akong magawa sa bahay. Tapos niyaya ako ng ate ko na mag-computer (pero hindi niya ako nilibre). Puro social networking through the Net lang tuloy ang ginagawa ko. Salamat sa mga colleagues ko from BSA I-4D na patuloy na nag-a-add sa sites ko.

I was wondering kung may Friendster layout na may nakalagay na "torpe" sa background pero walang lumabas when I Googled it. Kaya in-apply ko na lang ang isa pang layout na ewan ko kung 'yun ba ang the best na makakapag-describe sa akin. Suplado.

* * *

Sobrang miss na kasi namin (ng mga high school tropa ko) ang isa't-isa kaya wala kaming sawa sa pakikipagkita sa isa't-isa. [Oo, nag-e-effort talaga kaming magkita-kita. Ayos, 'di ba?] Kaya pati sa Net talagang ayaw naming mahiwalay sa barkada.

Naisip ko (bilang isang nagpapanggap na technology expert) na magkaroon ng isang sariling social networking account ang aming section. Ang kinalabasan: isang cute na cute na site. Complete with pictures.

Actually hindi pa talaga siya 100% finished. Siguro mga 60% pa lang. Siguro after next two weeks eh ayos na iyon.

* * *

Ang tindi ng ulan ngayon. Sobra.

Akala ko pa nama'y 'yung jeepney strike ang magpapasira ng araw ko. Eh 'yung bagyo pala ang nagdudulot ng uber-lakas na ulan. Dahil malayo ang sakayan sa bahay, no choice ako kundi lumusong sa baha. Badtrip.

JC

Sunday, July 12, 2009

Going, Going, Gone

Kahapon ay nagpaalam na ako sa aking mahabang buhok. First time kong magpagupit ngayong school year dahil kailangan sa aming Reserved Officers Training Corps. 'Di ko na rin kasi trip ang magpagupit. Na-trauma na ako sa gunting nang ukaan ako a day before the graduation (ang kulit-kulit kasi). Mas trip ko rin 'yung style ng buhok ko kapag hindi naka-two by three. One side. Na medyo parang kaunting haba na lang eh matutulad na kay Emilio Jacinto ang dating. Ang kulit.

Tapos 'yun pa. Medyo nadadagdagan na ng unti-unti ang timbang ko (siguro dahil sa impluwensya ng Milo sa katawan ko--ikaw ba naman araw-araw kang uminom nu'n eh?). Para tuloy akong si Emilio Aguinaldo na lumunok ng isang buong litson kagabi. So, nai-imagine mo na ba ang look ko ngayon?

* * *

Nabanggit ko na noon dito rin sa blog kong ito na isang napakahirap na trabaho ang maging isang class president (see Hard For CP to be the C.P.). At ngayon ganoong puwesto na naman ang hawak ko.

Mas marami (as in, soooooooobra!!!!!!) ang responsibilities ng isang class president, college edition. Kasama na roon 'yung paninita ng mga maiingay sa corridor ('di ko ginagawa noong high school 'yon), pagsi-xerox ng mga handouts (usually secretary o treasurer ang gumagawa noon), pati na rin ang pangungulekta ng pambili ng kung anu-ano. Grabe.

Ganun raw talaga, sabi ng isa naming prof.

* * *

Kanina habang naghihintay ng instructor para sa aming klase, may ginagawa akong tula.

Tungkol iyon sa isang tambay. Ewan ko ba kung bakit 'yun pa ang napagdisketahan ko.

Basta, abangan n'yo na lang iyon sa sister site kong GalunggongExpress. Ngunit habang wala pa, basa-basa lang muna kayo roon. Marami kayong matututunan. Promise.

JC

Thursday, July 9, 2009

Shortnotes (Uwian Time Edition)

Sa kasalukuyan ay gumagawa ako ng homework para sa aming Studying and Thinking Skills in English na subject (ENGL 1013). Medyo mahirap itong task na ito, kahit na kinakailangan ang mga skills mo sa Net at pagre-research in one. Heto, kaya't kahit na pagod na pagod na, kumakayod pa rin--para iwas na sa iba pang mga gagawin at malibre ako kahit na papaano sa off ko.

Hindi katulad nung last off ko nitong Wednesday, niyaya ako ng klasmeyt ko nung high school na manggulo sa mga colleagues namin dati. Ang lakas ng trip niya, inabot na ako ng gabi dahil sa mga kalokohan namin. [Literal po kaming nanggulo sa mga klasmeyt namin dati.]

Dahil roon, hindi ko na tuloy nabigyan pa ng kaukulang pansin 'yung pinapabasa sa amin sa Philippine Literature. Kamote tuloy ako.

Nga pala, pinapa-check-an pala sa akin 'yung mga seatwork namin sa Fundamentals of Accounting. Nakalimutan ko. Dapat bago ako matulog tapos na 'yun.

* * *

'Kapagod 'yung Physical Education namin kanina. Badminton. Tibay kasi ng mga colleagues ko eh, makailang round ba naman ng laro. Ayun, kailangang mag-participate. Kainis lang dahil hindi ako nakapag-baon ng extrang labakara at rasyong tubig (umaasa lang kasi ako sa mga drinking fountain).

Ilang rounds rin ng pasahan ng shuttlecock 'yun. Talagang naligo ako eh. Ng pawis.

* * *

Ang dami kong natutunan sa mga profs namin. Ilalagay ko rito 'yung mga quotes nilang kung paminsan-minsan ay tagos sa laman. Weeee.

Sabi sa amin ng isa naming guro:
"'Wag kang makikinig ng mga sentimental na kanta kapag nalulungkot ka. Baka mamaya eh tumalon ka na lang diyan."


Tungkol naman sa giyera noong 1940's:

"Walang karapatang manirahan sa mundo ang mga traydor."


At kanina, narinig ko, dahil tinutukso ang aming klasmeyt sa colleague pa:

"Love is an island of romance surrounded by exprenses."


Mukhang ganoon ang fragment nun, pero, 1, 2, 3.... awts!!!!!!!!!


JC

Tuesday, July 7, 2009

At Kung Anu-Ano Pang Ka-Weirdohan


Astig 'yung panaginip ko nung isang gabi. Talagang naglaway ako sa unan dahil sa mga nakikita ko sa panaginip kong iyon.

Nakikitira raw kami roon sa bahay ng Sultan ng Brunei [si Sultan Haji Hassanal Bolkiah--ang hindi ko malilimutang pangalan dahil sa kontes namin noong Marso]. Istana Nurul Iman ang tawag sa palasyong iyon.

Ayun, masaya raw ang buhay namin. Naka-kotseng itim na hatid-sundo galing iskul. Tapos may mga kanya-kanyang butler (butler nga ba tawag dun???) na nagsu-supervise sa mga hinubad naming damit. Galing! Problema nga lang, very messy raw 'yung kwarto. Nakakalat 'yung mga pinaghubaran, tapos naroroon 'yung mga pinagkainang box ng pizza, at kung anu-ano pang kaweirdohan. Hindi ko man raw inisip na ang kalat ng house, este, palasyo pala. Tapos nagawa ko pang mag-XBox 360. Haynako.

* * *

Sa ngayon eh I'm a bit suffering from cough at sakit ng lalamunan. Ewan ko ba, parang ang kati ng lalamunan ko. Parang may nakabarang something na hindi maalis ng ubo.

Buti nga't hindi pa dumarating 'yung point na nilalagnat ako. Patay-patayan tayo riyan. Alam na siguro nating lahat kung ano ang sakit ko. Wa.

Sana nga'y hindi ako lagnatin bukas. Marami pa akong gagawin.


JC

[Nasa larawan: Ang Istana Nurul Iman Palace sa Brunei. Larawan mula sa http://www.friendlypalnet.com/]

Friday, July 3, 2009

Wala Akong Maisip na Title sa Post na Ito, Kaya Pasensya na Kung Ganito ang Pamagat ng Post na Ito

Pasensya na sa pamagat, wala na talaga akong maisip.

* * *

First time ko kaninang sumakay sa jeep na saktong-sakto sa height ko. Biyaheng Guadalupe 'yun galing ng Agoncillo St sa Malate.

Ayos na rin iyon, para makaiwas sa kahihiyan sa mga 'bansot' na jeepney kapag nauuntog ako. Haynako.

Ilang beses na rin kasi akong nabubukulan sa mga pagkakataong bababa/sasakay ako ng jeep. Plus the fact na may mga pasaherong palihim na natatawa each time na nangyayari sa iyo 'yon. May narinig pa nga ako noon na nagsabing, "Ayan, ang tangkad-tangkad kasi eh."

Kasalanan ba ang maging matangkad?

* * *

Ayos rin 'yung GFO namin kanina. [Ewan ko ba kung bakit GFO ang tawag dun. Kamag-anak ba 'yun ng UFO???? (Sabay sigaw ng mga classmates ni theheartbreakkid ng "Weeeeeeeeeehhhhhhhhhhh????????!!!!!!!!??????" Saklap naman n'un.)] Marami ang na-bad trip, sa totoo lang.

Napansin ko ang kunot sa noo ng mga kamag-aral ko. May narinig pa akong ilang nag-u-hmmm hmmm habang nalabas ng Assembly Place. Isa doon 'yung klasmeyt ko.

Tanong niya sa akin, "GFO bang maitatawag iyon???" (Sinabi na kasing kamag-anak ng UFO 'yon. Ayaw n'yong maniwala. 1, 2, 3.... "Weeeeeeeehhhhhhhhhhh????????!!!!!!??????")

Basta ako, may kalayaan tayo kung sino'ng dapat nating paburan o hindi.

* * *

Matagal-tagal na rin nang huli akong gumawa ng aking sariling tula. Mga ilang araw na rin. Hindi na kasi masyadong pumapasok sa akin ang ilang ideas dahil busy na sa paglalagay ng journal st ledger entries.

Buti na lang kahapon, ang daming pumasok na bagong ideas, at sa awa ng Diyos nakaraos at nakagawa ako ng dalawa. 'Yung isa ay naka-post na sa GalunggongExpress.

* * *

Calling the attention of Manila Mayor Alfredo Lim, and other officials concerned especially sa DSWD at pulisya. Marami kasing mga taong nanghihingi ng limos (especially mga bata) sa mga jeep at iba pang pampublikong sasakyan sa may Malate. May mga sobre pa silang dala. Minsan mga bata pa 'yung mga nakiki-ride sa jeep at hihingi ng kaunting barya, pambili ng pagkain.

Medyo delikado kasi ang kanilang ginagawa. Nakokompromiso 'yung kaligtasan nila, dahil minsan may mga sasakyang humaharurot sa kalsada.

Sana'y magawan ng aksyon ang mga ganito.

JC

Thursday, July 2, 2009

Shortnotes (Breaktime Edition)

Naririto kami ngayon sa isang computer shop na malapit sa aming campus. Napagtripan lang naming mag-surf ng kung anu-ano para naman kahit papaano ay hindi kami mabato habang breaktime. Kaya heto, habang nag-i-stream sa aking sariling playlist sa Playlist.com, napag-isip-isipan ko na munang maghanap ng kung anu-ano.

Heto, nakaka-miss palang kumain ng tapsilog. Huli akong nakakain n'un, siguro last school year pa, nung kasama ko pa 'yung mga high school colleagues ko. Today it was a little bit different.

Ayos rin magsagot ng kung anu-anong trivias sa Facebook. Anything under the sun. Ayos rin pala ang pakiramdam kapag nagiging master of none or Jack of all trades ka rin kung minsan. (Badtrip din, talagang center of attraction ka tuloy kung paminsan-minsan.)[Hanapin nyo na rin 'yung Facebook badge ko sa may bandang kanan ng blog na ito. Paki-add na ako kung sino'ng mayroon.]

Napansin kong hindi na matao 'yung booth ng thermal scanner sa amin. Super. Ewan ko kung wala ba talagang may H1N1 ang mga tao rito o talagang ayaw nilang maging box ng cereals. Cute.

At siyempre, hindi mawawala 'yung mga napapansin ng mga mata ni SuperCharles and friends na mga "uniformed people" (read=mga cute na chicks in their school unifroms). Grabe. As in. In different colors, in different shades. Hay, ang sarap ng pakiramdam ng ma-in love. [Haynako Carlo, papansin ka na naman.]

Sige, next time na lang ulit. 'Pag may napansin na naman akong kapansin-pansin at dapat lang na i-post rito. Ingat. =)

JC

[PS: Urgently needed pala sa isang newsletter office sa aming campus ang mga writers. Permanent ang hinahanap nila eh. Willing sana ako, kaso medyo baka maka-confuse sa oras ko. Hihintayin ko na lang na may sumali na colleague ko. Para tandem.]

Monday, June 29, 2009

Ang Alamat ng Thermal Scanner

Haynako. Astig 'yung mga naranasan ko nitong mga nakaraang araw.

Unang-una, kahapon. Dahil nga kami ay mga mag-aaral na pinili ang Reserved Officers Training Corps subjects sa NSTP, required kaming tumungo sa campus every Sundays. Ayun, puro training at drills [what more could you expect?]. Medyo ngarag pa dahil ako 'yung guide ng first platoon (ngayon ko napatunayang kasalanan ang maging pinakamatangkad sa grupo).

Pero nawala ang aming kaba nang magkaroon ng Opening Ceremonies (parang Olympics lang) kinatanghalian.

May mga inspirational talk (bukod sa pag-eenjoy ng aircon na bulwagan). At naroroon si Defense Sec. Teodoro sa aming seremonya bilang Guest of Honor.

At hindi pa natatapos roon 'yun ha. Dahil mayroon pang boodle fight matapos ng program. Asteeeeeeeeg. Pagpapakita raw iyon ng brotherhood, na pinatutunayan naman ng sama-samang pagkain.

* * *

Kinabukasan pagpasok, nagulat ako sa haba ng pila sa labas ng aming iskul (pila raw iyon para sa palabas na Wowowee, sabi ng klasmeyt ko). 'Yun pala'y pinatatala kaming mga freshmen [sa pagkakaalam ko para raw iyon sa issuance of IDs].

Hindi pa iyon natatapos roon. Pagkatapos ng nakakabilad na pagpila, may isa pang pila. This time sa thermal scanner naman. Ang cute ng scanner ng mga docs. Grabe.

Pakiramdam ko para akong isang box ng cereal, na binibili't isina-swap sa scanner. Ganun.

Bukas 'di na naman kami ligtas doon.

JC

Nasa larawan: Photo Credit: Pat Roque--AP

Saturday, June 27, 2009

Ibang Usapan Naman


Okay, nabalitaan natin ilang araw lang ang nakakaraan ang ilang sunud-sunod na tragic moments sa daigdig. Andun 'yung Iranian elections (na hanggang ngayon ay may gulo pa rin), ang pagbabanta ng North Korea na maglulunsad ng nuclear test, pati na rin 'yung pag-amin ni South Carolina Gov. Mark Sanford na may binisita siyang kabit sa Argentina kamakailan. Siyempre hindi mawawala diyan 'yung pagpanaw nina Michael Jackson at Farrah Fawcett (ikakasal sana sila ni Ryan O' Neal bago siya mamatay, kaso hindi na natuloy). Well, idagdag ninyo na ito sa mga bad news. [Ewan ko kung good news ba ito o hindi.]




Ayon sa isang balitang nabasa ko sa The Philippine Star kahapon, lumiit raw ang bilang ng mga milyonaryo sa buong mundo kung titingnan ang mga datos noong nakaraang taon. 'Yan ay hango sa report ng Merill Lynch Wealth Management at ng Capgemini, isang consulting firm. Ayon doon, iyong mga mayayamang tao (vocabulary=mga may assets from $1 to $30 million lang naman) e nag-decline ng 14.9 percent. Or 8.6 million na tao. Ang laki nun.



* * *


Ramdam na naman natin 'yung epekto ng global financial crisis sa atin. We see a lot of layoffs. Ang daming nakapila ngayon sa mga recruitment agencies. Idagdag mo pa ang weekly na pagtaas ng presyo ng langis (kelan ba hindi nagtaas 'yang mga 'yan?). Pero hindi ba kayo nagtataka, marami pa rin 'yung mga taong wala nang ibang ginawa kundi lustayin ang kanilang pera?

May mga panay ang pagbili ng load (para saan? Para sa mga partner nila? Kahibangan!). Mayroon naman eh mga ang tindi kung mag-promote sa TV via ads. Halata naman ang intensyon nilang tumakbo sa eleksyon.

Naaawa lang kasi ako sa mga taong mahihirap--'yung mga taong nawalan na ng pag-asa dulot ng kahirapan. Kahapon may namataan akong batang nag-aabot ng sobre sa mga pasahero ng jeep at humihingi ng limos.

Naiipit pa sa peligro ang kanilang buhay. Nakakawa talaga.

JC

Nasa larawan: Si Mexican billionaire Carlos Slim Helu.


Thursday, June 25, 2009

Badtrip. Tapos ang cheesy pa.



FOREWORD: Ito ay inaalay sa mga mag-aaral ng BSA I-4D.

"Badtrip" ang naging word of the day ko ngayong araw. Naiwan ko kasi 'yung hiniram kong badminton racquet sa ex-classmate ko dahil sa kamamadali kaninang umaga. Test kasi namin sa isa naming major subject kaya mahirap nang ma-late. Ayun, isa ako sa dadalawang walang dalang badminton racquet. O 'di ba, sikat???

Dahil sa ayaw kong maisama sa "Wall of Shame", pinilit kong maghabol. Ipinadala ko 'yung pambadminton ko sa tatay ko... only to find out na wala pala 'yung titser namin sa Physical Ed. Badtrip talaga.

Kaya ayun, upang hindi masayang ang pinadalang badminton set ay naglaro na lang kami at inokupa ang buong open grounds ng campus.

Ayos din 'yun, at least nakawala siya ng calories. Lalo na ngayon.

* * *

Ayos rin 'yung mga classmeyts ko a. Muntik nang maipakalat 'yung next kong ipo-post sa GalunggongExpress. Hay. Buti na lang hindi pa naisapubliko 'yun. Kundi, patay na.

Sobrang cheesy pa naman 'yun. Buti na lang talaga.

* * *

Word has it na ite-trade sa Cleveland si Shaq.

Ayon doon sa Yahoo! Sports eh ililipat si O' Neal para kay Ben Wallace at Sasha Pavlovic at 'yung pang-46th draft pick ng Cavs sa Phoenix Suns.

Ayos rin ano? Makakasama na ni King James si Kazaam. Powerful.


JC

Tuesday, June 23, 2009

The Difference

Astig 'yung Recto encounter ko nitong last week lang. Talagang mapapa-haggardness to the max ka. Lalo na kapag 'currently unavailable' 'yung hinahanap mong libro. Badtrip.

Naghahanap kami ng Panitikan ng Pilipinas (Panganiban, et al) doon at medyo mahirap makakuha ng kopya--lalo na noong unang linggo ng pasukan. Sold-out pa.



Sa isang istante kami nakahanap ng isang kopya. For PHP 330. Aw. At mukha pang secondhand na 'yung libro. Kaya dahil medyo nagko-cost cutting, ayun, napilitan akong maghanap muna sa ibang istante--with matching quote sa tindera na "Babalikan na lang namin 'yan, ha?"

At naghanap pa rin ang bida sa mas maganda--at mas murang--Panitikan ng Pilipinas. After fifteen minutes ng masusing paggalugad sa C.M. Recto [well kabilang na doon ang "sightseeing"], wala nang nahanap ang ating superhero ng mas cute na kopya ng aklat. Kaya bumalik ako sa istanteng una kong pinuntahan.

Pero potek--said ang lahat ng kopya nila ng librong hinahanap ko. 'Yung tatlong natitirang kopya. Bad trip talaga. Napilitan tuloy akong maghanap sa ibang lugar since pati mga legal na bookstores doon naubusan na rin ng istak.

Buti na lang at si Lady Luck ay kasama ko. Sa isang bookstore sa Avenida ko nakita ang hinahanap ko. At hindi lang basta-basta hanap 'yun ah. As in mura na, bago pa. Nabili ko iyon sa halagang PHP 286.50. Ayos!

Doon ko nalamang huwag na huwag kang mawawalan ng pag-asa. Huwag na huwag. At kung talagang pursigido kang magkaroon ng isang bagay theheartbreakkid, sipagan mo. Cute.


JC

Friday, June 19, 2009

Oplan Delta Force

Ayos rin 'yung first week ko ah. Dami kong natutunan, hindi lang sa academics kundi pati na rin sa mga lessons ng buhay. Met a lot of new friends, and medyo namulat sa realidad ng buhay.

Kanina, nagulat ako nang malamang sa Delta company ako napunta. Ayos rin ano? Talagang itinama.

Anyway, share ko lang 'yung mga lessons na nalaman ko nitong linggong ito. Sa lahat ng mag-aaral ng BSA I-4D, para sa inyo ito:



  • Huwag na huwag kang aalis ng leyt kapag naulan. Kahit hindi mo inaasahan, for sure traffic ang aabutin mo. Lalo na 'pag nakarating ka sa bottleneck area ng kalsada. Stuck ka doon for fifteen minutes.
  • Mag-ingat sa bibilhing pagkain. Tulad ng burger. Tingnan maigi kung mas marami ba ang gulay o mas maliit ang patty. Dahil sa huli ay magsisisi ka kung nalaman mong walang lasa 'yung karne.
  • 'Pag ROTC ka, make sure na hindi hapit 'yung shirt mo (lalo na kung hmmmm..... awts).
  • Huwag pilitin ang ayaw.
  • Huwag nang matigas pa ang ulo.
  • Magka-relate ang mga huli kong sinabi. Dahil kapag lampas fifteen minutes na at wala pa si sitser, dapat nang pababain 'yung mga colleagues mo. At 'pag 'di mo magawa iyon, tiyak tepok ang buong section ninyo.
Marami pa 'yan. Next ko namang ipo-post eh 'yung mga Adventures ko sa Recto. Hehehe.

Bye for now,

JC

Monday, June 15, 2009

Adventures to Nowhere



O me, what eyes hath Love put in my head,
Which have no correspondence with true sight!
Or, if they have, where is my judgment fled,
That censures falsely what they see aright?
If that be fair whereon my false eyes dote,
What means the world to say it is not so?
If it be not, then love doth well denote
Love's eye is not so true as all men's 'No.'
How can it? O, how can Love's eye be true,
That is so vex'd with watching and with tears?
No marvel then, though I mistake my view;
The sun itself sees not till heaven clears.
O cunning Love! with tears thou keep'st me blind,
Lest eyes well-seeing thy foul faults should find.


--Sonnet 148, William Shakespeare




Okay, so first day of schooling nga. At kanina'y very festive ang mood sa pinapasukan ko, welcoming freshmen like me. Kewl. Kakainggit nga eh.


Medyo natanggal lumbay--at kaba--ko nang makita ko ang isang dating klasmeyt, na nagkataong schoolmate ko rin ngayon. Badtrip naman sa loob nung room nung una, dahil wala pa 'kong masyadong kakilala. Pero eventually naging okay na ang lahat.


Things just went suddenly wrong nang ako ang i-elect [actually hindi siya elect eh, kusa lang] bilang class president (malay ko ba?!). Ayun, haynako... Laking responsibility na naman neto.


Shocks.


* * *


Congrats nga pala kina Kobe Bryant and the rest of the Lakers team for winning the 2009 NBA Finals. Si coach Phil Jackson naman, naungusan na si Red Auderbach sa all-time highest number of championships sa NBA.



* * *





Astig. Nabalitaan ko 'yung pagkakapanalo ni Mark Martin sa Michigan Speedway para sa Lifelock 400 race kanina. Look, this guy's got three wins this year. And he's not yet done.


Before the Southern 500 sa Darlington Raceway, inanunsyo ng Hendrick Motorsports ang isa pang full time year para sa driver ng #5 Kellog's/CarQuest Chevrolet next year.


This proves na kapag talagang devoted ka sa passion mo, 'di ka talaga mapipigilan sa gusto mo.





JC



[http://galunggongexpress.blogspot.com/]



Nasa larawan: Nagdidiwang si Mark Martin sa winner's circle matapos mapanalunan ang Lifelock 400 race sa Michigan Speedway kahapon.



Photo Credit: Carlos Osorio/Associated Press

Sunday, June 14, 2009

Making Magic in the Moonlight

May last song syndrome pa rin ako ng kanta ni Keith Urban na Kiss A Girl na nakilala ko lang nung American Idol finals. (Ang tagal na nun ah.) Doon kasi i-pinerform nina Keith at Kris Allen 'yon. Medyo catchy 'yung tune tapos okey pa 'yung lyrics. Astig.

* * *

Medyo parang unti-unti ko na ring nagugustuhan ang country music. Mula noong napakinggan ko ang ilang John Denver songs (noon kasi'y inimpluwensyahahan ako ng kaklase ko) eh parang I find it good na.

Nagugustuhan ko rin 'yung kanta ng Rascal Flatts na What Hurts the Most, na naging dahilan rin ng LSS ko dati.

Ang cute kasi ng message eh. Tagos.



JC

Saturday, June 13, 2009

Haynako



Wa. Hinayang na hinayang ako doon sa nakuha kong libreng pa-tuition na bigay ng isang college na prize namin sa isang pa-contest. Hindi ko rin kasi 'yon ma-avail. Dahil raw nakapag-enroll na ako sa ibang school at kailangan raw iyong magamit within this school year. Kakainis nga eh.

Sayang naman 'yung hard work naming tatlo (may kasama pa akong dalawa. Classmates ko pareho). Badtrip rin. Pero buti na lang may cash na kalakip 'yon. 'Yun 'yung pinambili ko ng player ko. Hehehe.

Pero sayang pa rin 'yon.

* * *

Dahil sa medyo nainis ako, ginawan ko na lang ng tula 'yung nangyari sa akin. Naroroon iyon sa http://galunggongexpress.blogspot.com/ (ako rin ang administrator n'yan). At nasa bandang itaas ng post ko ngayon 'yung logo ng GE. Salamat sa LogoMaker sa web.

Naroroon rin 'yung ilan sa mga tulang ginawa ko noong high school. T'yak mag-eenjoy kayo 'pag nakita n'yo 'yon. Hehehe.


JC

Friday, June 12, 2009

Disappearing Magic


Boom Boom Pau. Isa na lang panalo ang kailangang makuha ng LA Lakers para makamit ang 2009 NBA Championships. Naging mainit ang pagtatapos ng laro na umabot pa sa overtime, salamat sa 3-pointer ni Derek Fisher ilang segundo bago matapos ang regulation.

May pagkakataon sanang masungkit ng Orlando ang panalo kaso hindi naisalpak ni Dwight Howard ang dalawang free throws 11.1 segundo bago matapos ang 4th quarter.

Ngunit pagpasok ng overtime ay naging mainit pa ang LA, kasama na roon ang isang play kung saan natapik ni Lamar Odom ang bola papalayo at nakuha naman ni Pau Gasol, na nagtapos sa isang libreng dunk.

Natapos ang laro sa isang dunk pa ni Gasol at may kasama pang foul ni Mickael Pietrus, na nauwi sa isang technical foul.
(Ayon sa ESPN site, flagrant foul penalty one ang itinawag kay Pietrus.)

Game 5 sa Orlando sa Lunes.

* * *

Personal: Salamat po sa mga patuloy na nag-vi-view ng aking GalunggongExpress site. Asahan ninyong mas magiging maganda pa ang mga posts doon. Salamat po.

http://galunggongexpress.blogspot.com


JC


Photo Credit: Courtesy of Jeff Haynes--Reuters.
Orlando Magic guard Mickael Pietrus (L) fouls Los Angeles Lakers center Pau Gasol in the final seconds of overtime during Game 4 of their NBA Finals basketball game in Orlando, Florida, June 11, 2009.

Monday, June 1, 2009

Cause/Effect

CAVITE--Noong minsan e naikuwento ko 'yung kakaibang kaadikang nadadala sa akin ng isang blueberry-flavored cream na hinahalo ko sa kape (kaya't naging insomniac ako). Salamat na lang at last week eh naubos na 'yon.

Pero parang hindi pa rin nawawala 'yung pagka-insomniac ko. Ewan ko ba. Ang tindi ng adverse effect sa akin nitong ininom ko. Aw.

* * *

Tulad nga ng sabi nila, kung may aalis raw e saka ay darating. Ayun nga, kung naubos na 'yung kinaadikan ko e saka naman nagkaroon ng bagong kine-crave. Pinagtripan ko kasing ipalaman sa tinapay 'yung strawberry jam sa bahay. Ayun, medyo naubos ko 'yung laman nung bote in just one sitting. Para nga akong lasing matapos papakin 'yung napakatamis na strawberry preserves. Wow.

* * *

Ang tindi ng excitement kapag nakakapanood ako ng NBA Playoffs. Lalo na ngayong season.

Hindi mo pa malalaman kung sinong mananaig bago mag-last two minutes. As usual, naroon ang mga residents ng playoffs like San Antonio, Chicago, Los Angeles, Detroit, Boston at Miami. Nakapasok rin ang Atlanta Hawks matapos matalo ang Heat in seven tight, physical games.

At this week nga e magsisimula na ang NBA Finals with L.A Lakers and Orlando. Game one e ang homecourt sa Lakers.

My take? L. A. fan ako eh.



Bye for now,

JC

Friday, May 22, 2009

And They Called It Puppy Love...

CAVITE--Bad trip. Sira na kasi 'yung charger ng MP3 Player ko. Nagkataon pa namang ilang araw na siyang low-batt. Buti na lang at mayroon pa akong ibang puedeng source for playing music.

Na-discover ko 'yung cassette-corder na Sony 'yung brand sa baul ng tito ko. Ayun, ilang bagong batteries lang ang kailangan ko, presto!, may entertainment na uli ako.

Buti na lang talaga at may collection ng cassette tapes sa bahay, tulad ng MTB ni Michael V, Emotions at Daydream ni Mariah Carey (naroon 'yung Always Be My Baby na kanta), mga greatest hits nina Matt Monro, ballads ni Richard Marx (I'm a fan na), at 'yung soundtrack ng Voltes V na usong-uso noon.

Pero ang pinaka-favorite ko na tape (bukod sa compilation ng Voltes V songs... "Boretesu faibu ni") ay 'yung Lonely Boy ni Paul Anka. Astig 'yon. Grabe.

Andun 'yung Put Your Head On My Shoulder, Osmond hit rin na Puppy Love, ang makasaysayang Diana, at ang walang kamatayang You Are My Destiny. Aw.

Ngunit sa lahat ng tapes na napakinggan ko ay pinakapaborito ko na rin 'yung (It Looks Like) I'll Never Fall in Love Again ni Richard Marx (sabi na sa inyo e). Bukod sa nakaka-relax s'ya, parang natatamaan rin kasi ako. Whoa.

Bye for now,

jc

Saturday, May 16, 2009

Happy Birthday Kina Pierce Brosnan, Megan Fox, at CarPal

CAVITE--Siguro isa na ito sa mga pinaka-memorable na birthdays ng buhay ko.

Although hindi siya tulad ng mga birthdays ko na puro lavish gifts at napakaraming bisita, mas masaya ako ngayon. Unang-una, may mga bumati sa akin (kailangan pa bang sabihin kung sinu-sino sila?). Thank you sa inyo. Pangalawa nairaos naman ang birthday ko nang hindi umuulan. At pangatlo, napakarami naming sposors.

May mga astig na kapitbahay na sumagot ng spaghetti at ilan pang pagkain. Meron pa ngang nagbigay ng isang pack ng siniguelas. Salamat po sa inyo.

Salamat rin sa mga kaibigan at colleagues na binusog ako sa bati (aw, grabe). Pati na rin kina Ate't Kuya na hindi ako kinalimutan bagaman nasa Cavite ako.

Dapat sana'y ipo-post ko dito sa Charlespost ang bago kong mga ginawang tula, napag-isip-isipan kong gumawa na lang ng sariling blogsite para sa mga akda ko. Makikita ninyo iyon sa mga link na nasa gawing kanan ng blogsite na ito. Doon ko ipinost ang ilan sa aking mga freshly-brewed poems.

Sobra-sobra na 'to para sa akin. Grabe, super thank you talaga.

Kung inyong tatanungin kung ano ang pinakagusto kong birthday gift na nais kong matanggap, it would be pambili na lang ng mga bagong books. May nagugustuhan na kasi akong bilhin. Kursunada. Ayos na sa akin iyon.

Birthday wish? Siguro real happiness na lang. Yeah, masaya ako last year. Pero may mga kulang pa rin eh. Sana mapunan iyon this year.

Bye for now,

CarPal

Thursday, May 14, 2009

Phe-No-Me-Nal


CAVITE--For sure ay sobrang taas ng ratings ngayon ng ilang palabas sa GMA 7 dahil sa paglabas ni David Archuleta kanina ng live.

Doon pa lang sa mga studios kung saan nakita ng mga Filipino ng live si David A eh kitang-kita na ang excitement ng napakarami niyang fans. Ang mga nasa TV lang nanonood, tuloy ang nasabi, "Hay, sana nandoon ako't nakita ko si Archie!"

Bukas ay mapapanood naman si David Cook sa Eat! Bulaga, sa GMA 7 din.

* * *

Para ka lang sumama sa motorcade ni Manny Pacquiao, ganoon karami ang mga taong nanood at nag-abang kina David Archuleta (at malamang kay David Cook rin).

Ganoon ka-phenomenal ang dalawa. Their songs are topping the charts on the country, tapos nagda-download rin sila ng hits ng dalawa't ilalagay sa iPod. Wow.

Sayang nga lang at hindi ko sila makikita sa kanilang concert.

* * *

By the way, nakita ko na si Manny ng live noong Lunes sa kanyang victory motorcade.

Pauwi na ako noon dito sa Cavite nang sumalubong sa akin ang mga hagad ng MMDA at ibinalita sa buong barangay ang pagdating ni PacMan.

At, as usual, ang daming tao.

Sayang nga lang at "hindi na raw nagpamigay ng T-shirt."


Bye for now,

CarPal

(PS: Follow me on Twitter. It's at: http://www.twitter.com/CarloPalmes.

Sunday, May 10, 2009

Perfect Wedding Theme Song

MANILA--Nitong bakasyon natikman ko 'yung imported na creamer na binigay ng tita ko. Blueberry cobbler ang flavor nun, at walang ganoong flavor sa Pilipinas (hazelnut lang 'ata ang meron). Nakakaadik ang amoy niya, pati ang lasa.

Kaya nung matikman ko't inihalo sa kape, ayun, ang sarap-sarap.
Hindi ko napapansin, naaadik na pala ako sa amoy nito--pati ang lasa. Hindi ko na mapigilan ang craving sa pag-inom ng kapeng may blueberry-flavored creamer. Nakakaadik talaga, sobra.
Ang nangyari, insomniac na ako gabi-gabi. Dilat ang mata ko hanggang alas dos ng umaga. Nagigising ako ng alas nuebe. Aw. Para tuloy akong security guard na nakahiga. With firearms.
Para tuloy ayoko nang matikman ang bawal na creamer sa susunod.
* * *
Kahapon isa ako sa mga sumamang sumaksi sa isang kasalan sa Gen. Trias, Cavite. Kamag-anak namin ang groom.
Ayos ang setting ng kasal: sa isang resort. Perfect for summer. Mabuti na lamang at nakisama ang panahon (lokong Chan-hom 'yon).
Pinanood namin ang isang audio-video presentation ukol sa newlyweds sa pamamagitan ng isang projector. Wow. Ipinakita doon ang kasaysayan ng kanilang lovestory. At may ilang tracks na pinatutugtog.
At isa na nga doon ang isang hindi malilimutang kanta para sa akin. Minsan na rin kasing narinig ko iyon sa kasal ng isa ko pang pinsan.
Hmmm, iyon ay theme song ko noon sa isa sa mga dati kong "special friend". That was an 80's song ng isang pelikula (hindi ko na matandaan, Mannequin 'ata 'yon.) Bagamat mahaba ang pamagat noon ay ramdam naman ang mensahe ng kanta sa lyrics noon.
Mukhang iyon ay theme song ng mga couples na nagtatagal. Hay, hay, at isa pang hay. Hay talaga.
Bye for now,
CarPal

Monday, April 27, 2009

Weirdong Panahon, Nakamamatay na Sakit

CAVITE--Nitong weekend ko lang nabalitaan ang outbreak ng swine flu sa mga bansa sa North America, partikular na sa Mexico at Estados Unidos.

Sa Mexico pa lamang, mayroon nang 103 buhay ang kinitil ng nasabing sakit, na kung saan ayon sa kanilang health ministry ay umabot na sa mahigit isanlibo ang kaso nito. Nabakante ang mga upuan sa dating blockbuster na soccer games sa Aztec Stadium. Pati sa mga Catholic masses ay wala ring mga nanood, taliwas sa mga karaniwang nangyayari. Sumadsad rin laban sa mga Asian currencies ang Mexican peso ayon sa mga ulat.

Sa Pilipinas naman, iginiit ng Health Department na wala pang naitatalang kaso ng swine flu sa bansa. Iniutos rin ang pagpapakalat ng mga checkpoints upang mai-monitor ang pagpasok ng mga karneng galing ng ibang bansa.

Ayon sa MedicineNet.com site, ang mga symptoms ng swine flu ay ang mga sumusunod:

  • mga influenza-like illnesses (ubo, lagnat, o sore throat)
  • mild respiratory diseases (nasal congestion, rhinorrhea) ngunit walang lagnat
  • pagsusuka
  • diarrhea
  • sakit ng ulo
  • fatigue
  • dsypnea
Minsan naitatala rin ang conjunctivitis bilang isa sa mga sintomas nito.

Kung kumpirmado ngang mayroong swine flu ang isang tao:

  • i-isolate sa isang kuwarto ang maysakit
  • ugaliing magsuot ng mask upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon
  • ugaliin ang paghuhugas ng kamay
  • hugasan ng maayos ang mga ginamit na kubyertos ng pasyente.
* * *

Nitong nagdaang linggo rin (magmula noong Earth Day noong Abril 22), dumadalas ang pag-ulan ng malakas sa Kamaynilaan at karatig-probinsya. Ayon sa ating weather bureau ay dahil ito sa buntot ng cold front at ang intertropical convergence zone na nararanasan sa Visayas at Mindanao. Kagabi lamang ay may namataang low pressure area sa may bandang Kanlurang Luzon.

Naaalala ko ang ilan sa mga terminong isinulat ko sa itaas ngunit hindi ko maalala kung ano'ng ibig sabihin ng mga iyon. (Sorry po sa teacher ko noong elementary. 'di ko na talaga matandaan.)

Ang napakalakas na ulan na iyon buhat noong Earth Day (na definitely ay summertime pa) ay nagpapakita lamang ng kung gaano na kasira ang ating tinitirhang planeta. Hindi pa gaanong huli ang lahat, ngunit mukhang nagbabadya na ang pagganti ng Kalikasan.

Bye for now,

CarPal

Monday, April 20, 2009

914

MANILA--Hay. Hindi pala nagwo-work sa Friendster 'yung mga widgets ng Widgetbox. Sayang, may ginawa pa naman akong widget doon ng Charlespost. Kung gusto ninyong i-post sa website ninyo ang Charlespost widget (maganda 'yon, pero it won't work sa Friendster), get it here.

Anyway, kanina ay galing ako sa isang labanan. At in full battlegear ako. Astig nga eh, ang dami naming mga Crusaders na may iisang hangarin: ang makapasok ng kolehiyo. Ang dami talaga namin, siguro isang klase ng IV-Locke times mga sixty nun. Ganun kami karami.

Matarik na laban itong aking tatahakin, ngunit dito nakasalalay ang aking kinabukasan. Tulad nga ng sabi sa isang sinaunang jingle, kung may lapis, kaya kong isulat ang pangarap. Kung may crayola, kaya kong iguhit ang bukas. At kung may inspirasyon, kaya kong maging masaya. =)

Bye for now,

CarPal

Saturday, April 18, 2009

Retold

MANILA--Naririto muli ako sa Maynila upang ayusin ang aking application sa pagpasok sa kolehiyo. Medyo 'katamad nga lang. Kasi minsan mababagot ka talaga.

Kaya ang solusyon: basketball, internet, at poetry.

Dito kasi sa rooftop ng bahay namin eh mayroong makeshift basketball court kung saan ang bolang gamit namin eh 'yung bigay ng isang energy drink. 'Yung ring naman siguro eh nasa seven feet. Stress ball ko sa buhay ngayon 'yon. Kapag mainit o kaya naman eh walang magawa, malamang makita mo ako roon, nagsu-shoot-shoot lang doon.

In the past few days tambay na rin ako ng mga internet shops. Ayun, kung hindi naglalaro ng kung ano, inaayos naman ang Friendster account. O kaya eh nagpapasa ng emails sa mga kaibigan. O kaya naman eh nagda-download ng MP3s.

Hindi na ako masyadong nakakapagsulat ng mga tula o sanaysay nitong mga nakaraang araw. Medyo wala ako sa groove ngayon. At wala ring maisip na puwedeng pagdisketahan.

Okay, nitong isang araw naisip ko lang na gumawa ng kakaibang trip: magsulat ng maiksing nobela. (Patay ka sa Filipino teacher mo, CarPal, ang nobela ay isang mahabang kuwento, hindi maiksi.)

I'm currently working on that novel, about girls and a guy na naging ex nila. Title? Hindi ko pa sasabihin 'yon rito pero may idea na ako. Siguro after June tapos na 'yun--kung hindi ako mabuburyong sa ginagawa ko.

Bye for now,

CarPal

Tuesday, April 14, 2009

Ang Aking Inaalikabukang Porsche, BMW, Chedeng at iba pa

DREAM CARS. Clockwise from top right: Ford F-150, Mini Cooper S, Ford Focus 5-dr Hatchback, Porsche Carrera 997 4S, BMW X5, Volkswagen New Beetle.


I love cars. Sobra. Noong nasa elementary pa ako (todo pa-sosyal pa noon) eh avid fan ako ng mga car magazines. I see a lot of pics of new models, pati na rin 'yung mga lumang sasakyang tinu-tune up para magmukhang bago.

Ngayon nagha-hunt na lang ako ng mga back issues ng mga NASCAR magazines. Medyo fan na rin ako ng sport, lalo na ngayon.

I also love collecting diecasts. Lagi kasi akong nagkakaroon nun nung bata pa ako--noong elementary. Bribe kasi sa akin 'yon everytime na nasa top 10 ako. Class, di ba? Cute.

Dati ang dami-dami ko talagang diecasts. Higit pa 'yon noon sa bilang ng lahat ng sasakyan sa village namin sa Cavite (ang yabang). Dahil sobrang bata pa ako noon at hindi pa marunong mag-value ng mga bagay-bagay, ayun, 'yung iba nasira. 'Yung iba, ipinamigay sa charity. At 'yung iba, 'di ko na nakita. Ewan ko ba.

Hilig ko rin 'yung mga sets nung mga miniature malls, toll gates, parking lots, etc. para sa mga sasakyan ko. Natatandaan ko noon na meron akong Hot Wheels McDonald's take-out counter set na parang maliit na version ng McDonald's. Anong nangyari? Binaboy ng kapatid ko. Nawalan ng value tuloy once na ibenta ko 'yun in the future. Meron rin akong superlaking parking area na may tatlong palapag, car wash at car elevator. Lahat nang iyon hindi ko na alam kung asan.

Ngayon, ang tanging mga naka-survive ay 'yung mga diecasts ko. Para lumaki ang pamilya nila, bumili ako ng ilan pa, 'yung mga sources ng pinambili ko noon e mga Pamasko, Pam-Bagong Taon at Pam-birthday sa akin. Wala pa naman akong ibang pinagkakagastahan noon nung bata pa ako (linsyak na load yan e). Nitong huli nga e naging pihikan na ako sa mga bibilhing 1/64 model cars. Talagang puro pang-luxury cars 'yung mga binili ko.

Tulad ng Porsche Carrera 4S, Chrysler GT Cruiser (ito yata 'yung kotse ni Pacman sa Las Vegas eh), Mini Cooper, Ford Focus WRC (Driven by racing great Colin McRae), BMW X5, Ford F-150, Volkswagen New Beetle, Mercedes-Benz CLK Coupe, at marami pang iba. Andun nga, sa istante namin, inaalikabukan na.

Kung totoong mga kotse lang sana 'yung mga 'yon. Hay.

Bye for now,
car_pal

Saturday, April 4, 2009

Bulilyaso (99+)

CAVITE--Last day namin sa school kahapon. Although noong Tuesday pa 'yung graduation ceremonies namin, kailangan pa rin naming pumasok sa mga natitirang araw. May ilang pumasok pa, may ilang tinatamad na. 'Yung iba, pa-picture picture 'yung inaatupag, 'yung iba tinatapos 'yung tinatawag nilang clearance--isang kalatas na kapag hindi mo nabasa ang nilalaman at napapirmahan sa mga nakatataas, hindi ka makakapagatapos ng tuluyan sa minamahal mong paaralan. At isa ako doon sa mga gumawa ng pinakahuling option. Mahirap nang mabulilyaso ang pagtatapos, at baka hindi ako makapagkolehiyo ng tuluyan.

Bigayan ng envelopes noon. Isa-isa kaming binigyan ng "graduation package" kung saan naglalaman ng mga mahahalagang bagay tulad ng Form 138, ang aming diploma, Certificate of Good Moral Character, at ang resulta ng aming National Career Assessment Examinations. (In a closed door meeting ng father ko at ng aming adviser, sinabing isa ako sa may pinakamataas na Total Verbal Ability Average--with 99. At, ang mas masaya pa, naka-99+ ako sa Reading Comprehension. Cute.) Muntik nang mabulilyaso ang pag-alis ko patungo rito nang i-announce noong umaga na sa April 4 pa ibibigay ang graduation package sa amin. Hay, buti na lang at hindi natuloy ang plano.

Isa lang ang nasa isip ko nang makita ko 'yung NCAE form ko. Para siyang bill ng Meralco.

car_pal

Thursday, April 2, 2009

Of Olympic Bids



Nakita ko 'yung isang YouTube video tungkol sa bid ng Pilipinas sa 2024 Olympic Games. Pati rin pala ang 2018 Asian Games eh gustong i-host ng bansa.

Marami ring forums at comments ang lumabas ukol sa move na ito. Marami ang nagsasabing hindi pa kaya ng isang maliit na bansa tulad ng Pilipinas na mag-host ng isang napakalaking international sports competition tulad ng Olympiad.

May mga balita ring lumalabas na mayroong itatayong bagong sports complex bago mag-2024 sa Pasay. Ibig sabihin ay talagang pinaghahandaan ng pamahalaan ang pagho-host dito.

Napatunayan na naman nating kaya nating mag-organisa ng mga malalaking international events, di ba? Tulad na lamang nitong 2005, kung saan tayo ang host country ng 23rd SEA Games. Isa iyon sa mga pinakamalaki sa kasaysayan ng SEA Games. Nai-promote rin nito ang turismo dahil sa iba't-ibang lugar sa bansa ang pinagdausan nito.

Malaking ambisyon para sa atin ang makapag-host ng events tulad ng Olympics. Suntok sa buwan, sabi nga nila. Pero nasa bidding pa lamang tayo, hindi ba? At kung matalo man, eh di ayos lang. Ang importante eh sinubukan natin.

car_pal

Tuesday, March 31, 2009

Alone! =)

Slumdog Millionaire. By Vikas Swarup. 2008, Simon and Schuster.

Photo Credit: about.com

Grabe. Kakapagod 'yung post-graduation adventure ko. Dapat talaga mag-a-addict ako sa arcade, but as it turned out, hindi iyon natuloy.

Instead, hinanap ko sa bawat bookstore 'yung librong "Slumdog Millionaire." Dahil sa kagustuhang makakuha nun, nagpursigi akong hanapin iyon at kung saan-saan makarating.

Tinanong ko sa Customer Service section ng isang kilalang bookstore sa Maynila kung mayroon ba silang stock ng nasabing aklat. Out of stock na naman raw, at hindi nila alam kung kailan ulit magkakaroon ng delivery.

Hanggang sa tinamad na lang ako't nagbasa na lang ng bukas na kopya ng Pugad Baboy at ilang libro ni Bob Ong, mistulang unaware sa oras. Nung mga panahong iyon undecided pa rin ako kung itutuloy ko ba ang pakikibaka sa paghahanap ng Slumdog o 'yung 20th Anniversary issue na lang ng Pugad Baboy ang bibilhin ko. Hanggang sa nangati ang paa ko't dinala ako kung saan-saan.

Mag-a-alas sais na nang makarating ako sa Mall of Asia. Biglang takbo ako sa loob ng bookstore doon nang makitang naka-display sa istante 'yung hinahanap ko. Nung una, hindi ko mahanap. Hanggang sa nakita ko ito sa ilalim ng mga libro ni Sophie Kinsella (I hope I spelled it correctly). Ayun, tuwang-tuwa akong bilhin iyon.

Although I have seen the movie version of the novel, iba pa rin kung makikita mo 'yung talagang pinanggalingan nung pelikula. Maraming movie versions dyan na hindi naman nag-click dahil sa binagong plot.

Ngayon, I'm starting to read the pages of the novel. I felt na parang ang sarap niyang basahin. Sobra. Salamat kay Vikas Swarup na gumawa ng novel na ito.

car_pal

POSTSCRIPT: Is there anyone who knows kung saan makakahanap ng "Dare to Fail" book ni Billi P. S. Lim? Maganda raw iyon, sabi nila, and I'm looking for it for years.


Super Thank You!

CELEBRATION. Isang grupo ng mag-aaral ang nagdiwang matapos ang kanilang graduation ceremony sa Villamor High School, March 31.

Photo Credit: Carlo Palmes

Ang saya pala ng graduation, ano? Noong una kakaba-kaba ako't nakakangatog tumayo sa harap ng maraming tao upang mag-lead ng dasal. Inaamin ko, nanginginig pa ako hanggang pagbaba ng stage matapos ang prayer. Hindi lang halata.

Tapos dumating 'yung oras para sa speeches ng salutatorian, valedictorian, at maging ang guest speaker. Ang dami kong natutunan doon sa aming guest speaker. Masaya.

Medyo matagal lang 'yung pagbibigay ng diplomas dahil six hundred seventy four graduates ang isa-isang tinawag. Kakaantok tuloy.

Mas masaya 'yung part ng pagbibigay ng special awards. I am the recipient of the Vice President Noli de Castro Leadership Award sa batch namin. Nakakatuwa kasi't bonus na rin para sa akin 'yon. Mas nakakatuwa 'yung time na kinamayan ako nung mga teachers ko. Kakaiyak. Buti't napigilan ko. ('Di ko talaga trip umiyak sa harap ng madla.)

Pagkatapos ng ceremony, ayun. Tawanan. Iyakan. Picture-picture-an. Tapos nun tiyak, kainan naman.

I will take this opportunity to thank na rin ang mga kabarkada ko sa IV-Locke, my colleagues, teachers, kina Itay, Inay, Ma at Pa, sa aso naming si John Jay, mga kapatid, mga kasamang boarders, sa mapagmahal naming lola, mga kamag-anak, sa mga kapitbahay, mga naging ka-text, mga naging crush (at--sige na nga--mga naging gf) at higit sa lahat, kay Lord. Super thank you sa inyo.

car_pal

Monday, March 30, 2009

The Final Set

Bukas na pala 'yung pinakahinihintay nating araw. This will be the day.

Ilang araw na rehearsals din 'yon, sana magbunga ng maganda. Kundi patay tayo.

Matagal-tagal rin tayong hindi magkikita, mga kaibigan. Mami-miss ko kayo ng sobra-sobra. Text-text na lang siguro.

Marami na ring napagdaanan ang IV-Locke. Good luck sa susunod nating paglalakbay. Salamat sa inyo.

car_pal

Sunday, March 29, 2009

Earth Hour


LIGHTS OFF. A combination picture shows a view of Metro Manila's skyline before (top) and during Earth Hour March 28, 2009. More than 80 countries have signed up for Earth Hour on Saturday in which homes, office towers and landmarks will turn off their lights from 8.30 pm local time to raise awareness about climate change and the threat from rising greenhouse gas emissions.


Photo Credit: John Javellana--Reuters


Nakiisa ang Pilipinas sa naganap na Earth Hour kagabi kung saan 647 siyudad at bayan sa buong bansa ang nagpatay ng kanilang ilaw sa loob ng isang oras.

Sa Maynila, ang ceremonial switch-off ay pinangunahan ni Energy Secretary Angelo Reyes. Nagkaroon rin ng isang programa habang dinaraos ang nasabing event.

Ayon sa tagapagsalita ng World Wildlife Fund sa bansa na si Yeb Sano, ang Pilipinas ang
bansang may pinakamaraming towns at cities na nakisama sa Earth Hour, na sinusundan ng Greece na may kabuuang 484, Australia na may 389, Canada na may 273, at Estados Unidos na may 270.

Ipinakita lamang rito ang sama-samang kooperasyon ng mga Filipino sa pagsagip sa ating minamahal na planeta. Nawa'y magsilbing paalala ang Earth Hour sa bawat isa sa atin upang pangalagaan ang mundo.

car_pal

Friday, March 20, 2009

You're on Your Own, Carlo

Alright. Masayang-masaya ako kanina (ecstatic) nung nakuha ng school namin 'yung top prize sa isang quiz bee contest sa isang mall. What's at stake? Scholarship plus cash and medal. And at least, nag-iwan ako ng pangalan for our school. Kumbaga sa E-heads, "final set" na namin 'yon. And the trio of the best studes of our school made it happen. At dahil doon may pambili na ako ng libro. =D

* * *

Inaamin ko, book lover talaga ako. Since kinder ako talagang nakahiligan ko nang magbasa. (Naalala ko noon na binaboy ko 'yung zoology book ng Tito ko.) Gustung-gusto ko basahin noon 'yung mga encyclopedias, books tungkol sa flags at geography. Mas gusto ko pa ngang basahin ang mga 'yun kesa sa mga textbooks namin sa school (sssshhhh, wag lang kayong maingay ha).

High school, nahumaling na ako sa history books at literary works. Among my favorites were Around the World in 80 Days at Pompeii. Kaya siguro talagang matindi na ang pagkahumaling ko sa Social Studies dahil sa pagkaadik sa kasaysayan, heograpiya at kultura.

* * *

Minsan may nag-suggest sa akin na kamag-anak (nakalimutan ko na kung sino) na maging diplomat raw ako. Sabi nung taong iyon, may kinalaman raw iyon sa lenggwahe, kultura at kasaysayan ng isang bansa. Parang nagkaroon tuloy ng liwanag galing sa itaas ng kisame namin--kahit na hindi iyon butas. Cute.

Napakagat ako ng daliri dahil doon. At pinag-isipan. Na lalo lang nagpagulo sa isipan ko sapagkat napakahaba na ng listahan ko ng aking mga "Gusto Ko Maging Paglaki Ko" tulad ng businessman, novelist, writer, doktor, astronaut at NASCAR driver. Nyak.

Kaya't hanggang ngayon undecided pa rin ako kung ano ang gusto kong maging. Aw. Pulitiko na lang kaya? Nako, patay.

* * *

Kanina sa contest ramdam ko na kailangang ko nang mamuhay ng mag-isa. Nandoon na 'yung tinatawag na independence, transition, at transformation. Laging tandaan na sarilinan na sa kolehiyo, sabi sa akin ng nanay ko, kaya't kailangan mo nang matuto kung paano gawin iyon. Kaya ko eh, alam ko. Ako lang ang nagpupumilit sa sarili ko na hindi ko kaya.

Mas masaya sa contest. Doon marami akong natutunan. Tulad nito: "What is the diameter of tridachna gigas?" Nakaka-nosebleed. One point five meters lang pala ang sagot. Cute.


car_pal

Thursday, March 19, 2009

Motivation + Memories + Inspiration = Happiness

Naman. Just like what I've said earlier isa ako sa mga 1,571,881 high school graduates ngayong taon, medyo kalungkot lang kasi nga I fell short of my goal (OK lang 'yun Carlo). Talagang mahirap kasi medyo expected ng karamihan iyon. But that's OK. Although maraming nagsasabing "some are smarter than others", ayoko nang makipag-away sa mga 'yon. (Ngisi) Ayos lang sa akin 'yun, tulad nga ng sabi ng Officer-in-Charge ng school namin sa English, "maybe it's just that God has some other plans for you." Naniniwala ako doon. Sana nga.

* * *

Speaking of motivation, napakaraming mga tao--mapa colleague man, mapa teacher, or parent--ang nagpakita ng suporta't motibasyon sa akin. Sa haba ng listahan kong iyon e malamang kasinhaba na ng Saligang Batas 1987 'yon. Salamat sa inyo. Hinding-hindi ko iyon malilimutan. (Kakaiyak pero mahirap umiyak dito sa computer shop. Para akong natalo sa pustahan kasi talo hero ko sa DOTA.)

Masaya rin e. Dahil sa nangyari e puro halakhakan sessions kami ng ilan sa mga colleagues ko. Kanina nga e alaskahan pa't gayahan ng boses ni Gus Abelgas at sasabihing: "sino ang pumatay sa biktimang ito????" Cute.

Dahil sa mga colleagues ko, at ilan sa mga guro, nawala 'yung kalungkutan ko. Ayos na, hindi na ako iyaking bata ngayon. Cute.

* * *

Siempre, kailangang tuloy pa rin ang buhay. Isa rin sa mga dahilan e 'yung "inspirasyon". Marami tayong inspirasyon sa buhay, at isa na roon ay ang crush. Oo, inaamin ko, kaya rin ako masaya e dahil sa crush ko. Sayang nga lang, dahil matapos ang apat na taon ko sa high school e ngayon lang kami nagkakilala. Hay.

Kung may tulay lang kami sa communication, why not? Ayos! Ang saya ko talaga, sobra.

car_pal

Saturday, March 14, 2009

Si Star

Na-discover ko sa YouTube ang kaka-upload pa lamang na mga videos ng isa sa mga favorite kong cartoons. 'Yun 'yung Tagalog dubbed version ng Crayon Shin Chan kung saan si Andrew E. ang nagbigay-boses kay Shin Chan.

Nawala sa ere 'yung palabas na yon noon kasi maraming mga magulang ang nagrereklamo sa mga tema ng cartoon na iyon. Buti na lamang at may mga patuloy na bumubuhay sa palabas na iyon.

* * *

Kagabi. Isa ako sa mga nag-present ng Senakulo sa isang simbahan malapit sa aming komunidad. First time kong mag-perform ng gayon, hindi talaga ako sumasama sa mga drama-drama performances but upon hearing na isasadula 'yung mga paghihirap ni Hesus, sumama ako.

Salamat nga pala sa mga nanood ng aming handog. Super thank you.

* * *

Kagabi rin. Habang nag-aabang ng turn sa eksena, napansin ko ang mga bituin sa langit. Dahil doon nabuo sa aking isipan ang isang tanong na naging shoutout ko na rin sa Friendster (TM): "Kung bawat isang star sa langit ay isang taong nakikilala mo araw-araw, paano mo makikita ang "star" na para sa'yo?" Parang napaisip akong bigla. E di siyempre, 'yung pinaka-bright star 'yung sa akin.

Kaya kagabi, si "Star" ko lang ang inisip ko throughout the perf. Salamat sa iyo, star ko!

car_pal

Thursday, March 12, 2009

To My Dearest Woman

Can I leave you alone--in the dark?
In the pitch-black shadows of destiny
No I can't--I can't do it
On my own without your inspiring face of beauty

I can have my own fame easily
Fortune is just a thing that cannot last
Forever with you is like a lifetime fortune
That changes my doomed life and erases my past

You can have another man if you want
And he can preserve your unmeasurable divinity
But how can I, in this time, still wait for you?
Never won't last a day without your insanity

Your memories are so much dear to me, girl
There's nothing more in my life I can compare
To your angelic face everyone will surely love
To let you go? No! I am not prepared.


-- Carlo Palmes
March 10, 2009, Manila


PS: Muli, dedicated to someone ito.

Wednesday, March 11, 2009

Ice Ice Baby

Hay salamat! Meron na sa National Bookstore ng Warner Books version ng Slumdog Millionaire. Q & A ang original title ng librong iyon ni Vikas Swarup, na isinapelikula nitong nakaraang taon. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa ipinapalabas sa Pilipinas ang critically-acclaimed movie na iyon kaya ang iba ay umaasa lang sa Pirates of the Carriedo at Internet. PHP 299 ang presyo nung paperback. Ipon-ipon muna ako para makabili nun. Hay.

* * *

Question lang: Why do girls fall in love with the wrong person? Bigla na lang pumasok sa isip ko ang tanong na ito kani-kanina, habang nasa jeep. Medyo may nakita kasi akong gal na parang sinasampal 'yung kasama niya (malamang BF nya yun) dahil niloloko lang siya nito. Malamang dahil sa may hitsura 'yung babae, mayroon pang ibang nanligaw doon noong single pa ito--problema nga lang, baka pihikan sa guy. Oo nga naman, bakit ka pipili ng hindi mo trip?

Recently kasi I have heard the breakup of one of my neighbor's closest classmates. Ayun, third party ang dahilan. May plano na ngang magpatiwakal 'tong si Bok, kaso napigilan because of words of encouragement. Buti na lang.

Ang hirap kasi noon eh, 'yung tao naloloko lang. Puwedeng si lalake ang naloloko, o kaya naman ay si babae ang naloloko. Mahirap 'yon, lalo na kung naloko si guy. 'Yung mga tulad pa naman ng 'Adre ko e sincere kung magmahal. Aw, sakit nun panigurado.

Ang magagawa na lang ng mga tulad ng 'Adre ko at ng mga katulad naming sincere, kalimutan 'yung nangyari. Kawawa lang kasi siya kung hindi niya ititigil na isipin 'yung girlfriend niya. Of course, hindi mawawala 'yung pag-iisip na 'yan pero dapat minimal or moderate lang.

Think of the positive things that will help you recover. Basta, do your best, and God will do the rest.

car_pal

Tuesday, March 10, 2009

First Love

Ngayon ko sana ipo-post 'yung tula kong ginawa kani-kanina lang after akong ma-inspire sa tulang ginawa ni Jose Rizal na "To Consuelo Ortega y Rey" noong August 1883 ata. Medyo napahanga ako ng ating pambansang bayani pagdating sa poetry, parang pinakain niya lang ako ng alikabo sa mga talinghaga niya. Kakabilib.

* * *

Nakakahanga rin 'yung lumabas na survey ng Social Weather Stations last February na 55% ng mga Filipinong kanilang tinanong e naniniwala sa first love never dies na kasabihan. Angas nga e, pati pala ang mga mas nakatatandang Filipino kesa sa akin e naniniwala doon.

Which reminds me of someone na talagang nanirahan na yata sa isipan ko for years. Inaamin ko ring first love ko siya, but as it turned out, hindi ko nagawa 'yung dapat kong ginawa as a "special friend" para sa kanya. Ayun, medyo nagi-guilty ako kasi nga parang pinabayaan ko na lang siya.

Hindi ko man lamang nai-prove sa kanya (for me a) 'yung pinangako ko sa kanyang iingatan siya. Wala. Pero throughout days and years, I realize na there's time for everything. At kung bumalik man iyon, e di masaya. Well, 72% ng mga Filipinos ang naniniwalang "kapag mahal mo nag isang tao, pakawalan mo; pero kung bumalik siya sa iyo, tinadhana kayo."

car_pal


Sunday, March 8, 2009

Can't Get Enough of You

Ay. Naalala kong International Women's Day pala ngayon. March 8. Kaya po doon sa mga gals, extended greetings na lang po.

* * *

I'm working on a book report right now and I still haven't finished it yet. The novel's a classic Filipino one, and it's title is "Nang Bata Pa Kami" by Pura Medrano. Talagang classic siya--it was made in Tondo in September 1931. I saw it on Project Gutenberg when I was scanning some books para gawan ng review. Medyo naintriga ako sa title, kaya iyon kaagad ang pinili ko.

Ayos nga eh, ewan ko ba kung sakto lang talaga 'yung paksa niya sa mga pangyayari sa buhay ko ngayon. Tungkol iyon sa pag-iibigang Manuel at Edeng, kung saan sa libro ay nagamit ang flashback. Binalikan nila ang mga alaala nila noong bata pa sila, mga memories ni Manuel sa unang bahagi ng kuwento, at ang mga alaala ni Edeng sa bandang huli. Hindi ko pa talaga siya tapos basahin, but ngayon pa lamang ay inirerekomenda ko na ito sa lahat ng mga taong ang pastime ay pagbabasa ng libro.

* * *

Nakakaasar, malapit na pala ang pagtatapos ng School Year 2008-2009. Sa blog ng grupo namin sa school, binalikan sa isang post 'yung mga memories namin from first year to fourth year. Grabe, ang bilis pala talaga lumipas ng panahon. Hay, sabi nga, kung maibabalik lang ang mga oras na nawala, sana hindi na namin sinayang.

* * *

Aaminin ko, natuwa ako doon sa nalaman ko recently.

Hindi ko na iko-collaborate dito 'yung nangyari kamakailan lamang, ngunit alam iyon ng lahat ng mga kasama ko. Ang tanong ko lang, bakit kaya niya ginawa iyon? Ewan ko lang ha, hindi ko rin alam. Ayaw ko namang bigyang-kahulugan ang lahat ng ginagawa ng bawat tao. Ayoko rin namang mag-expect na lang ng kung ano't baka umasa lang ako sa wala. Hay.

Bukod doon sa nalaman ko e wala na akong ibang alam tungkol doon. Mahirap mag-i-speculate. Mahirap umasa.

Pero kung totoo man iyon hanggang ngayon, bakit hindi?

car_pal

Friday, March 6, 2009

From Twelve to Five

Ang cute talaga. Tuluy-tuloy ang laban ni Superhero. Would you believe wala pa akong tulog? Yup, hindi nga lang halata. From 12 to 5 a.m. 'yon. Tulog ko lang e from nine forty-five hanggang twelve--may interruptions pa. Sa'n ka pa? Cute.

Pinagkakaabalahan ko lang noon e makinig ng favorite love songs sa radyo (take note: hindi ko sinasadyang marinig 'yon, nasa playlist ng DJs 'yon), maglaba ng uniform for today, at naadik sa three-in-one coffee mix (anong gagawin ko? Hindi na nga ako makatulog. Eh di tuluyan ko na!)

Kaasar kaya, para kasing there's something that bugs me the whole night. Ayun, 'di ako pinatulog. Parang may nagpe-premonition pa. Ay, ang cute.

Buti na lang hindi ako nakatulog sa klase. Hay.

car_pal

Wednesday, March 4, 2009

Late Nga Ako

"Boy I've missed your kisses all the time but this is
twenty-five minutes too late
Though you traveled so far boy I'm sorry your are
twenty-five minutes too late"

Siguro nga late ako noon kaya noong madatnan ko, wala na.

Ngayon lamang ulit ako magpo-post ng tungkol sa akin at sa larangang hindi ko masyadong inaatupag nitong mga nakaraang araw dahil sa busy ako at kung aatupagin ko naman e baka masaktan lang ako. Mahirap na, mabuti na 'yung sigurado.

Alam kong sa tuwing natatapos na ang, uh, well, ehem, kapag natapos na ang shelf life ng buhay ninyong dalawa bilang magkasintahan e minsan e may mga guilt, hard feelings, etc. etc. Siyempre dumaan rin ako doon. At talagang hindi na nawala ang focus ko doon. Aw. Ang cute.

Ang sa akin, kapag ako e, you know, nagkaroon o pumasok sa mga ganyan, hindi ko itinuturing na 'closed chapter' sa buhay ko ang pagtatapos ng lahat sa akin. Lalo na kapag serious ako sa kanya, talagang mayroong parte sa akin na talagang iniisip ko siya, eventhough tapos na ang lahat sa amin or whatsoever. Hindi mawawala sa akin 'yon. Sobra.

Kaya hanggang ngayon... Ganun na nga.


* * *

Na-late nga talaga ako noon. Tulad ng kanta ng Michael Learns to Rock (na ang chorus ay nasa itaas), 25 minutes late ako. Hay.


* * *

Para doon po sa mga nagtatanong kung ano ang Filipino translation ng tulang ito ni Luis Garcia Montero na nauna niyo nang nakita sa Ang Di Ko Naikuwentong Kuwento Nitong V-Day, ito po:

Original quote:
"Si alquna la vida te maltrata
acuerdate de mi
que no puede cansarse desperar
aquel que no se cansa de mirarte."


Translation:
"Kung sakaling malupit sa iyo ang kapalaran,
Alalahanin mo ako
Dahil hindi mapapagod sa paghihintay
Itong walang sawang tumitingin sa iyo."

car_pal

C-U-T-E (Kiiiiiiiiyuuuuuuuutttt!!!!!!!)

Ay. Ang cute. Ang saya. Kanina na-meet ko na (finally) 'yung sponsor ko sa scholarship program na kung saan kabilang ako. Kaya po sa sponsor ko, if you're reading this, maraming maraming salamat po sa tulong na ibinibigay ninyo sa akin--pati na rin sa mga colleagues ko. Super thank you talaga.

* * *

Nahawa na rin ako doon sa pinapakinggan kong radio show tuwing gabi. Lagi ko na lang nasasabi yung salitang "cute" bilang expression--kapag natatawa, naaasar, o nakokornihan. Halimbawa: kapag may parang out of the blue na nagbigay sa akin ng kendi, kahit na wala naman akong ginawa sa kanyang mabuti, sasabihin ko na lang bigla "Ay ang cute."

Ewan ko, nakahiligan ko na 'yon the past few days. Siguro na-blew away na rin ako nung radio show na 'yon. 'Alangya, addicted na nga yata ako sa palabas na 'yon. Cute.


* * *

Speaking of addicted, nasabi ko doon sa huli kong post (Dedicated to Someone) na parang "sira" na naman ako kasi in-love ako. The first thing I thought was, "Carlo, ang korni mo! Burahin mo na nga 'yan." But still parang--as usual--sira pa rin ako. Ewan ko ba. Wala na nga yata akong maisip sa buhay ko't nagkakaganoon ako. Cute ko 'no?


* * *

Ay, hindi ko pa pala naipa-publish 'yung results ng Race # 3 sa NASCAR Sprint Cup Series. Maybe in the next few postings e mailagay ko na siya.


car_pal

Monday, March 2, 2009

Dedicated to Someone

In love na naman yata ako. Ewan ko ba. Para akong sira. Sabi ko sa sarili ko na hindi na muna ako mag-iisip ng kung ano pero, heto ako. Naku, sana nga e mabasa niya itong post ko. Ang korni ko ano?

Heto ang kanta ko para sa'yo, kung sino ka man.

car_pal

Change Your Mind
Boyce Avenue

There you are with your perfect way
You’ve got that little shine in your eyes
To hear one word would make my day
But there’s no room for me in your life

Oh you’ve got me down on my knees
Oh and in my mind I can see
How perfect everything could be
But you won’t give us a try

If I could change your mind
How would you want me
Would you say you need me
Cause I need you now

I try to move on but your perfect way
Has got this little child asking why
But this world keeps spinning
As my heart stops beating
Is there still no room inside

Oh you’ve got me down on my knees
Oh and in my mind I can see
How perfect everything could be
But you won’t give us a try

If I could change your mind
How would you want me
Would you say you need me
Cause I need you now

If I could change your mind
(Please tell me I’m not the only one)
(Please help me believe I’m not the only one)
If I could change your mind

If I could change your mind
How would you want me
Would you say you need me
Cause I need you now
If I could change your mind
How would you hold me
Would you stay forever
Or just leave me here to drown

If I could change your mind
(Change your mind)
If I could change your mind
(Change your mïnd)

Friday, February 27, 2009

Credit is good, but I need you

No, this is not a corny post. Hindi ako maglalagay ng ganoon.

Wala lang kasi akong maisip na pamagat ng post na ito e. Iyang nasa taas e bunga ng pag-iisip kong kinalikot habang nag-iisa sa likuran ng klasrum namin. Naisip ko lang, anong pamatay na linya ang sasambitin ng tindero sakaling may umutang sa kanyang magandang binibini? Korni ko rin ano?

Anyway, ramdam na talaga ang graduation. Ilang araw na lang halos bago namin ilisan ang aming alma mater. Ayun, pakapalan tuloy ng certificates. Parang mga Pinoy na pumipila sa lotto outlet tuloy kami. Wala kaming baul, kaya madaling hanapin.

Ayos na sana ang pagtatapos ng class namin e. Puro nga lang problema. Puro sabit. Asar.

Diyos ko, sana walang mangyaring ala-Tayong Dalawa* sa reunion namin kung sakali. Kayo na po ang bahala.


car_pal

*-'yun bang sampalan, basaan ng wine at eskandalo sa isang kasiyahan.

Thursday, February 26, 2009

A Beatles Breakfast

I was tuning on the radio earlier this morning and was fantasized with a radio program. A radio station is playing hits from The Beatles the whole hour. Ang saya tuloy ng breakfast ko.

Sa RJ fm 100.3 pala iyon, and they were playing "Help!" and "Here Comes the Sun". Ayos na sana e. Kasi kumakain pa ako ng sardines habang sumasayaw-sayaw.

Problema lang, one hour show lang 'yun. Sayang kasi sana ginawa na lang two to three hours e. Although walang ad interruptions 'yung radio show, bitin pa rin ako.

Pero 'di bale, araw-araw ko na lang aantabayanan 'yun, to start my day right.

car_pal

Wednesday, February 25, 2009

Odd One Out

I felt the exams were a dud. 'Di pala. Nag-enjoy pa ako lalo.

Naalala kong sa aming klase e forty-nine lang kami lahat. (Just imagine, pa'no kung kinalaban nun e isang teacher lang?) At dahil by three's ang order, siyempre may isang matitirang sikat--nasa likod, nag-iisa, at lalapit sa proctor tuwing palitan na ng questionnaires kasi nga walang kapareha. Trip to Jerusalem nga ang kalakaran, hanapan pa ng puwesto. May nahanap na ako e, kaso nga lang napag-utusan pa (isa sa mga trabaho ng class president ang maghanap ng dustpan, walis, etc., etc., na puwedeng makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa). Hayun, odd one out na naman.

Maalikabok sa likod. (Allergic talaga ako sa dust mites, at dati may kaso ako ng hika.)Pero at least 'di mainit. Buti na lang parang ako si Tsar Nicholas II sa likod, at ini-imagine na puro kawal ko ang mga nasa harapan. Ligtas rin ako sa mga potential attacks ng mga teroristang 'Harry Potter' sa harapan. Wala akong katabi eh.

Mahirap nga lang, para kang may alagang imaginary friends sa likod. Minsan, natitig pa sa maalikabok na ceiling fan ng kuwarto. Sightseeing kuno sa labas ng bintana. At hindi maiwasang makamasid at makaiwas-tingin sa crush. (Kung akala ninyo'y lalagyan ko ng smiley ang dulo ng talatang ito, puwes, nagkakamali kayo.)

Mas ayos makapag-concentrate. Para akong nagyo-yoga sa harap ng Ayala Avenue. Astig. Sarap ng feeling. Para raw emo. Bukas ulit 'yon na naman ang gagawin ko.

car_pal

Monday, February 23, 2009

Si Rebound

Lagi kong naaalala 'yung panahong sobrang sadlak ako sa sobrang kahirapan. Mentally, medyo mahirap mag-catch up sa mga aralin. Financially medyo sumasadsad ang economic status namin. Emotionally, mas matinding lungkot, poot at sakit ang nararamdaman ko.

Doon ko naisip na maghanap ng makakaramay. Ewan ko ba kung ano ang naisip ko nung mga panahong iyon, I guess masyado na akong nalulong sa depresyon.

At hayun nga, uncontrolled ako. Hindi ko naisip na dapat hindi ko ginawa iyon. Pero kahit papaano naman e sumaya ako, salamat doon. Ngunit talaga lang yatang wala ako sa tamang pag-iisip nung mga panahong iyon.

Buti na lang, hindi umabot sa puntong sobrang masokista na ako't gumawa ng mas matinding peligro. Alam ko'ng limitasyon ko, kaya't minabuti kong itigil iyon. Dumating na rin ang puntong na-realize ko ang mga mali ko. (Oo nga naman, papaano ako mabubuhay nang mag-isa kung may patuloy na mangungulit sa akin gabi-gabi?) Ang totoo'y sawang-sawa na ako. Kaya't talagang napagdesisyunan ko nang tapusin ang lahat.

Ang problema ko lang ay parang hindi na yata ako makaligtas sa butas na pinasukan ko. Kung tutuusin hindi dapat ako narito, ang totoo'y napilitan lamang ako.

Tulad nga ng sabi ni JR doon sa paborito kong palabas sa TV, "'wag kang umarteng ikaw ang biktima." 'Yun lang.

car_pal

Sunday, February 22, 2009

Cry Cry Cry

IMUS, CAVITE--Tindi ah. Umabot pala ng higit sa Php 347 million ang jackpot sa Superlotto 6/49 bago ito napanalunan ng dalawang taga-Luzon. Hay. Ano kaya ang pakiramdam ng isang milyonaryong kapapanalo pa lang ng lotto? Sarap.

* * *

Matindi ang naging kumpetisyon sa in-attend-an kong Sportsfest nung Sabado. Bilang isang mag-aaral--and at the same time the officer of the club--kailangang mag-participate. Ang nangyari? Ayun. Sakit ng katawan. Buong araw. Pawis. Pilay. Sugat. Poot. At feeling ng nai-in love.

Medyo mahirap 'yung sinalihan naming event (hulaan n'yo). Pang-kargador ng pier. At dahil hanggang pagsulat lang ako, hindi suitable sa akin 'yon. Although medyo mayroon tayong weight at height advantage (ano 'to, boxing??) mahirap pa rin kapag walang strategy. Sobra.

At mas lalong mahirap 'yung pakiramdam na kani-kanina lang e masaya ka tapos ngayon e nagmumukmok ka na lang sa isang tabi. Mixed emotions. Paka-emo. Andun sa may azotea, nagpapahangin. Nakatingin sa ulap. At naghahangad ng rebolusyon. Hay.

* * *

First time ko ulit na bumalik ng hometown ko. Kinakailangan ko ring magpahinga kahit kaunti. Masaya kahit papaano. Kasi kahit ilang araw lang ang stay ko (ang totoo'y 30 hours lang ang state visit ko) nakakapanibago ang ambience kasi medyo far from the madding crowd ang aura dito. Malayo sa mga bangaan ng mga goons. Malayo sa ingay ng paulit-ulit na rhythm ng mga hip hop na kanta. At higit sa lahat, respite sa mga araw na sobrang 'confusing'.

Kaya kahit malapit na akong mapakanta ng "bra-ba-li-bin-ta-wan" jingle e nakaranas ako ng sarap. Salamat sa aircon bus.

car_pal

Monday, February 16, 2009

EBooked

Hay. Walang magawa.

Ang daming napakagandang libro ang naipa-publish sa kasalukuyan. May ilang dapat ring batuhin ng kamatis. Ngunit hindi natin dapat itong gawin, sa pagkat they have their own right to say what they want to. Parang ako.

Gusto ko 'yung much-publicized books nina Vikas Swarup at Chetan Bhagat. Swarup's Q&A became the inspiration for the critically-acclaimed movie Slumdog Millionaire, starring Dev Patel and Freida Pinto. It's about a guy na hindi man lang nakapag-aral but wins a top prize in a game show. It's destined. The movie version won a lot of awards including in the Golden Globes and the BAFTA Awards. Marami rin ang nagsasabing it remains a threat sa Oscars.

Bhagat's Five Point Someone-What not to do at IIT talks about three studes of Indian Institute of Technology known for their failing grades. Because of its popularity among the Indian youth, gagawin rin siyang pelikula, entitled 3 Idiots coming December 25th.

Na-research ko 'yan sa Internet, kaya medyo talagang lagari ako sa paghahanap ng eBooks ng mga akdang gaya niyan. Lalo na't walang available na ganyan sa Pilipinas. Kapag nag-eBay ka naman mapapamahal pa ako. Kung sino man ang may alam ng mga magagandang eBooks at 'yung site nila, please comment me.

Sunday, February 15, 2009

Ang Di Ko Naikuwentong Kuwento Nitong V-Day

"Si alquna la vida te maltrata
acuerdate de mi
que no puede cansarse desperar
aquel que no se cansa de mirarte."

--Luis Garcia Montero (1961)


Naks. Ayos na sana 'yung celebration ko ng V-Day kahapon eh. Kaso nga lang nagkaroon ng aberya nung umaga (see Lovesick). Dahil medyo na-depress ako sa mga nangyari, hindi ko na naikuwento 'yung mga nangyari kinahapunan.


Medyo nakapag-observe ako ng kaunti sa society natin ngayon. Napansin kong mas kaunti ang couples ngayon na nasa labas kesa noong nakaraang taon. Karamihan ng mga namamasyal sa malls nag-iisa (kasama ako doon). Ito ba ang dulot ng global financial crisis? 'Di ko alam. Itanong mo na lang sa mga magkasintahan. Dahil kapag ako ang nakasama n'yo tuwing V-Day, laging global financial crisis ang aura.
Na-discover ko rin ang pinaka the best na gawin kapag V-Day pero nag-iisa ka lang. Arcade.
Na-addict ako doon sa Initial D-like racing simulator. Astig e. I loved to drive. Pero kapag depressed laging nagiging reckless. But this time, nag-concentrate na lang ako kung pa'no matatapos ang race na first ako. Sarap pala ng feeling. Ayos.
Next year nga ganun ulit gawin ko. Masaya na'ko, dagdag pogi points pa. Doon sa mga nanonood.
car_pal

Saturday, February 14, 2009

Lovesick

Valentine's Day pala ngayon. Hindi ko naalala.

Kaninang 5:00 a.m. (1900 GMT) nagsimula araw ko. Sumama ako sa mga colleagues ko para maka-attend ng "Walk for Love" na nagsimula sa Km. Zero (Luneta Park). Siyempre dahil ang blog na ito ay tungkol sa love, life, and everything in between, sumama ako. Grabe, ang daming tao. At ang daming nagdi-date sa Baywalk ah.

Okey na sana ang lahat--walkathon, jamming, barkada, sightseeing--halos lahat andun na. Problema nga lang, ito.

Nung nasa gitna kami ng timeout, may nakita ako. Ang red balloon. Na naman. Makilang ulit ko nang nakita 'yon, wala namang nangyari. Hanggang friendster lang.

Gusto n'yo pa ng mas hardcore? Eto. Habang nag-ii-stroll-istrolling sa Baywalk strip ('di yung binobomba ng Israelis a), may nakita na naman ako. This time hindi lobo. Tao. Ang mas masaklap, babae iyon. At kamukha pa nung pinag-aalayan nung pulang lobo ko.

Doon ako na-curious. Siya ba iyon? Ano'ng ginagawa niya rito? Hindi siya 'yon, naisip ko. Imposible.

Kakaasar. Andun na 'yung groove ko. Medyo sumablay lang ng konti dahil kay Miss Gamma-look alike. Hay.

car_pal

Friday, February 13, 2009

Suwerte, Malas

Maraming nagsasabing ang Friday the 13th raw ay malas. Na-expose na rin kasi tayo sa sobrang paniniwala sa mga pamahiin. Ewan ko rin ngunit ayon sa ilang historians atin itong nakagawian mula sa ga Hindu, 'yung iba sa mga Kastila.

Paano ba 'yan, Friday the 13th ngayon? Tapos contest pa.

Luckily, kahit na hindi namin nai-defend 'yung title namin, still we went on for a stellar finish. Sayang nga lang. Pero it's my first time to join the team. A swap made me fill the job for the contest. Buti naging productive 'yung result despite the problems met by the team.

Masaya doon. Buti na ang talaga alam namin ang mga sagot sa karamihan ng mga questions. Siguro dahil na rin iyon sa sobrang exposure sa pahayagan.

Isa na rin siguro sa mga nagpapanalo sa amin e 'yung "Kung May Lapis" campaign namin kung saan pauit-ulit naming kinakanta 'yung Handog Edukasyon jingle. Ayos. Cute.

Valentine's gift ko na rin ito para sa sarili ko, isang araw sa kalendaryong para sa amin ay non-existent.

Malas lang siguro e 'yung hindi ako nakapag-soul search. Naman.

car_pal

Thursday, February 12, 2009

Shorts

Oh please, please please.

Pwede bang pakisama ninyo ako sa mga prayers n'yo tonight? Pray for our successful campaign sa contest namin bukas.

Super thank you sa lahat ng wellwishers namin. We'll do our best to have a stellar finish.

car_pal

The Sprint Cup 2009

Here's the list of confirmed teams running for a full-time season at the 2009 NASCAR Sprint Cup together with their drivers and primary sponsors:


00- David Reutimann (Michael Waltrip Racing)- Aaron's Toyota
07- Casey Mears (Richard Childress Racing)- Jack Daniel's Chevrolet
1- Matin Truex Jr. (Earnhardt Ganassi Racing)- Bass Pro Shops/Tracker Boats Chevrolet
2- Kurt Busch (Penske Championship Racing)- Miller Lite Dodge
5- Mark Matin (Hendrick Motorsports)- Kellog's/CARQUEST Chevrolet
6- David Ragan (Roush Fenway Racing)- UPS Ford
7- Robby Gordon (Robby Gordon Motorsports)- Jim Beam Toyota
8- Aric Almirola (EGR)- Guitar Hero World Tour Chevrolet
9- Kasey Kahne- (Richard Petty Motorsports)- Budweiser Dodge
11- Denny Hamlin- (Joe Gibbs Racing)- FedEx/Farm Bureau Insurance Chevrolet
12- David Stremme- (Penske)- Penske Dodge
14- Tony Stewart- (Stewart Haas Racing)- Old Spice/Office Depot/Burger King Chevrolet
16- Greg Biffle- (Roush Fenway)- 3M Ford
17- Matt Kenseth- (Roush Fenway)- DeWalt Tools Ford
18- Kyle Busch- (JGR)- M&M's/Snickers/Interstate Batteries Toyota
19- Elliott Sadler- (Petty)- Best Buy/Stanley Tools Dodge
20- Joey Logano- (JGR)- Home Depot/Farm Bureau Insurance Toyota
24- Jeff Gordon- (Hendrick)- DuPont/Pepsi/National Guard Chevrolet
26- Jamie Mcmurray- (Roush Fenway)- Crown Royal/IRWIN Tools Ford
27- Kirk Shelmerdine- (Kirk Shelmerdine Racing)- TBA Toyota
29- Kevin Harvick- (RCR)- Shell/Pennzoil Chevrolet
31- Jeff Burton- (RCR)- Caterpillar Chevrolet
33- Clint Bowyer- (RCR)- Cheerios/BB&T Chevrolet
34- John Andretti- (Earnhardt Ganassi/Furniture Row Motorsports)-Window World Chevrolet
36- Scott Riggs- (Tommy Baldwin Racing)- Toyota
39- Ryan Newman- (Stewart Haas)- U.S. Army Chevrolet
41- Jeremy Mayfield- (Mayfield Racing Enterprises)- All Sport Toyota
42- Juan Pablo Montoya- (Earnhardt Ganassi)- Target/Wrigley's Chevrolet
43- Reed Sorenson- (Petty)- McDonald's/US Air Force Dodge
47- Marcos Ambrose- (JTG Daugherty Racing)- Little Debbie/Kingsford/Clorox Toyota
48- Jimmie Johnson- (Hendrick)- Lowe's/Kobalt Tools Chevrolet
55- Michael Waltrip- (MWR)- NAPA Auto Parts Toyota
66- Terry Labonte/Dave Blaney- (Prism Motorsports)- Window World Toyota
77- Sam Hornish Jr.- (Penske)- AAA/Mobil 1 Dodge
82- Scott Speed- (Red Bull Racing Team)- Red Bull Toyota
83- Brian Vickers- (Red Bull)- Red Bull Toyota
87- Joe Nemechek- (NEMCO Motorsports)- TBA Toyota
88- Dale Earnhardt Jr.- (Hendrick)- AMP Energy/National Guard/Mountain Dew Chevrolet
96- Bobby Labonte- (Yates Racing/Hall of Fame Racing)- Ask.com Ford
98- Paul Menard- (Yates)- Menards Ford
99- Carl Edwards- (Roush Fenway)- Aflac/Subway Ford

We'll see which of these teams will start strong in the Daytona 500, coming Feb. 15th.

car_pal