Search Charlespost Archives

Tuesday, March 31, 2009

Alone! =)

Slumdog Millionaire. By Vikas Swarup. 2008, Simon and Schuster.

Photo Credit: about.com

Grabe. Kakapagod 'yung post-graduation adventure ko. Dapat talaga mag-a-addict ako sa arcade, but as it turned out, hindi iyon natuloy.

Instead, hinanap ko sa bawat bookstore 'yung librong "Slumdog Millionaire." Dahil sa kagustuhang makakuha nun, nagpursigi akong hanapin iyon at kung saan-saan makarating.

Tinanong ko sa Customer Service section ng isang kilalang bookstore sa Maynila kung mayroon ba silang stock ng nasabing aklat. Out of stock na naman raw, at hindi nila alam kung kailan ulit magkakaroon ng delivery.

Hanggang sa tinamad na lang ako't nagbasa na lang ng bukas na kopya ng Pugad Baboy at ilang libro ni Bob Ong, mistulang unaware sa oras. Nung mga panahong iyon undecided pa rin ako kung itutuloy ko ba ang pakikibaka sa paghahanap ng Slumdog o 'yung 20th Anniversary issue na lang ng Pugad Baboy ang bibilhin ko. Hanggang sa nangati ang paa ko't dinala ako kung saan-saan.

Mag-a-alas sais na nang makarating ako sa Mall of Asia. Biglang takbo ako sa loob ng bookstore doon nang makitang naka-display sa istante 'yung hinahanap ko. Nung una, hindi ko mahanap. Hanggang sa nakita ko ito sa ilalim ng mga libro ni Sophie Kinsella (I hope I spelled it correctly). Ayun, tuwang-tuwa akong bilhin iyon.

Although I have seen the movie version of the novel, iba pa rin kung makikita mo 'yung talagang pinanggalingan nung pelikula. Maraming movie versions dyan na hindi naman nag-click dahil sa binagong plot.

Ngayon, I'm starting to read the pages of the novel. I felt na parang ang sarap niyang basahin. Sobra. Salamat kay Vikas Swarup na gumawa ng novel na ito.

car_pal

POSTSCRIPT: Is there anyone who knows kung saan makakahanap ng "Dare to Fail" book ni Billi P. S. Lim? Maganda raw iyon, sabi nila, and I'm looking for it for years.


Super Thank You!

CELEBRATION. Isang grupo ng mag-aaral ang nagdiwang matapos ang kanilang graduation ceremony sa Villamor High School, March 31.

Photo Credit: Carlo Palmes

Ang saya pala ng graduation, ano? Noong una kakaba-kaba ako't nakakangatog tumayo sa harap ng maraming tao upang mag-lead ng dasal. Inaamin ko, nanginginig pa ako hanggang pagbaba ng stage matapos ang prayer. Hindi lang halata.

Tapos dumating 'yung oras para sa speeches ng salutatorian, valedictorian, at maging ang guest speaker. Ang dami kong natutunan doon sa aming guest speaker. Masaya.

Medyo matagal lang 'yung pagbibigay ng diplomas dahil six hundred seventy four graduates ang isa-isang tinawag. Kakaantok tuloy.

Mas masaya 'yung part ng pagbibigay ng special awards. I am the recipient of the Vice President Noli de Castro Leadership Award sa batch namin. Nakakatuwa kasi't bonus na rin para sa akin 'yon. Mas nakakatuwa 'yung time na kinamayan ako nung mga teachers ko. Kakaiyak. Buti't napigilan ko. ('Di ko talaga trip umiyak sa harap ng madla.)

Pagkatapos ng ceremony, ayun. Tawanan. Iyakan. Picture-picture-an. Tapos nun tiyak, kainan naman.

I will take this opportunity to thank na rin ang mga kabarkada ko sa IV-Locke, my colleagues, teachers, kina Itay, Inay, Ma at Pa, sa aso naming si John Jay, mga kapatid, mga kasamang boarders, sa mapagmahal naming lola, mga kamag-anak, sa mga kapitbahay, mga naging ka-text, mga naging crush (at--sige na nga--mga naging gf) at higit sa lahat, kay Lord. Super thank you sa inyo.

car_pal

Monday, March 30, 2009

The Final Set

Bukas na pala 'yung pinakahinihintay nating araw. This will be the day.

Ilang araw na rehearsals din 'yon, sana magbunga ng maganda. Kundi patay tayo.

Matagal-tagal rin tayong hindi magkikita, mga kaibigan. Mami-miss ko kayo ng sobra-sobra. Text-text na lang siguro.

Marami na ring napagdaanan ang IV-Locke. Good luck sa susunod nating paglalakbay. Salamat sa inyo.

car_pal

Sunday, March 29, 2009

Earth Hour


LIGHTS OFF. A combination picture shows a view of Metro Manila's skyline before (top) and during Earth Hour March 28, 2009. More than 80 countries have signed up for Earth Hour on Saturday in which homes, office towers and landmarks will turn off their lights from 8.30 pm local time to raise awareness about climate change and the threat from rising greenhouse gas emissions.


Photo Credit: John Javellana--Reuters


Nakiisa ang Pilipinas sa naganap na Earth Hour kagabi kung saan 647 siyudad at bayan sa buong bansa ang nagpatay ng kanilang ilaw sa loob ng isang oras.

Sa Maynila, ang ceremonial switch-off ay pinangunahan ni Energy Secretary Angelo Reyes. Nagkaroon rin ng isang programa habang dinaraos ang nasabing event.

Ayon sa tagapagsalita ng World Wildlife Fund sa bansa na si Yeb Sano, ang Pilipinas ang
bansang may pinakamaraming towns at cities na nakisama sa Earth Hour, na sinusundan ng Greece na may kabuuang 484, Australia na may 389, Canada na may 273, at Estados Unidos na may 270.

Ipinakita lamang rito ang sama-samang kooperasyon ng mga Filipino sa pagsagip sa ating minamahal na planeta. Nawa'y magsilbing paalala ang Earth Hour sa bawat isa sa atin upang pangalagaan ang mundo.

car_pal

Friday, March 20, 2009

You're on Your Own, Carlo

Alright. Masayang-masaya ako kanina (ecstatic) nung nakuha ng school namin 'yung top prize sa isang quiz bee contest sa isang mall. What's at stake? Scholarship plus cash and medal. And at least, nag-iwan ako ng pangalan for our school. Kumbaga sa E-heads, "final set" na namin 'yon. And the trio of the best studes of our school made it happen. At dahil doon may pambili na ako ng libro. =D

* * *

Inaamin ko, book lover talaga ako. Since kinder ako talagang nakahiligan ko nang magbasa. (Naalala ko noon na binaboy ko 'yung zoology book ng Tito ko.) Gustung-gusto ko basahin noon 'yung mga encyclopedias, books tungkol sa flags at geography. Mas gusto ko pa ngang basahin ang mga 'yun kesa sa mga textbooks namin sa school (sssshhhh, wag lang kayong maingay ha).

High school, nahumaling na ako sa history books at literary works. Among my favorites were Around the World in 80 Days at Pompeii. Kaya siguro talagang matindi na ang pagkahumaling ko sa Social Studies dahil sa pagkaadik sa kasaysayan, heograpiya at kultura.

* * *

Minsan may nag-suggest sa akin na kamag-anak (nakalimutan ko na kung sino) na maging diplomat raw ako. Sabi nung taong iyon, may kinalaman raw iyon sa lenggwahe, kultura at kasaysayan ng isang bansa. Parang nagkaroon tuloy ng liwanag galing sa itaas ng kisame namin--kahit na hindi iyon butas. Cute.

Napakagat ako ng daliri dahil doon. At pinag-isipan. Na lalo lang nagpagulo sa isipan ko sapagkat napakahaba na ng listahan ko ng aking mga "Gusto Ko Maging Paglaki Ko" tulad ng businessman, novelist, writer, doktor, astronaut at NASCAR driver. Nyak.

Kaya't hanggang ngayon undecided pa rin ako kung ano ang gusto kong maging. Aw. Pulitiko na lang kaya? Nako, patay.

* * *

Kanina sa contest ramdam ko na kailangang ko nang mamuhay ng mag-isa. Nandoon na 'yung tinatawag na independence, transition, at transformation. Laging tandaan na sarilinan na sa kolehiyo, sabi sa akin ng nanay ko, kaya't kailangan mo nang matuto kung paano gawin iyon. Kaya ko eh, alam ko. Ako lang ang nagpupumilit sa sarili ko na hindi ko kaya.

Mas masaya sa contest. Doon marami akong natutunan. Tulad nito: "What is the diameter of tridachna gigas?" Nakaka-nosebleed. One point five meters lang pala ang sagot. Cute.


car_pal

Thursday, March 19, 2009

Motivation + Memories + Inspiration = Happiness

Naman. Just like what I've said earlier isa ako sa mga 1,571,881 high school graduates ngayong taon, medyo kalungkot lang kasi nga I fell short of my goal (OK lang 'yun Carlo). Talagang mahirap kasi medyo expected ng karamihan iyon. But that's OK. Although maraming nagsasabing "some are smarter than others", ayoko nang makipag-away sa mga 'yon. (Ngisi) Ayos lang sa akin 'yun, tulad nga ng sabi ng Officer-in-Charge ng school namin sa English, "maybe it's just that God has some other plans for you." Naniniwala ako doon. Sana nga.

* * *

Speaking of motivation, napakaraming mga tao--mapa colleague man, mapa teacher, or parent--ang nagpakita ng suporta't motibasyon sa akin. Sa haba ng listahan kong iyon e malamang kasinhaba na ng Saligang Batas 1987 'yon. Salamat sa inyo. Hinding-hindi ko iyon malilimutan. (Kakaiyak pero mahirap umiyak dito sa computer shop. Para akong natalo sa pustahan kasi talo hero ko sa DOTA.)

Masaya rin e. Dahil sa nangyari e puro halakhakan sessions kami ng ilan sa mga colleagues ko. Kanina nga e alaskahan pa't gayahan ng boses ni Gus Abelgas at sasabihing: "sino ang pumatay sa biktimang ito????" Cute.

Dahil sa mga colleagues ko, at ilan sa mga guro, nawala 'yung kalungkutan ko. Ayos na, hindi na ako iyaking bata ngayon. Cute.

* * *

Siempre, kailangang tuloy pa rin ang buhay. Isa rin sa mga dahilan e 'yung "inspirasyon". Marami tayong inspirasyon sa buhay, at isa na roon ay ang crush. Oo, inaamin ko, kaya rin ako masaya e dahil sa crush ko. Sayang nga lang, dahil matapos ang apat na taon ko sa high school e ngayon lang kami nagkakilala. Hay.

Kung may tulay lang kami sa communication, why not? Ayos! Ang saya ko talaga, sobra.

car_pal

Saturday, March 14, 2009

Si Star

Na-discover ko sa YouTube ang kaka-upload pa lamang na mga videos ng isa sa mga favorite kong cartoons. 'Yun 'yung Tagalog dubbed version ng Crayon Shin Chan kung saan si Andrew E. ang nagbigay-boses kay Shin Chan.

Nawala sa ere 'yung palabas na yon noon kasi maraming mga magulang ang nagrereklamo sa mga tema ng cartoon na iyon. Buti na lamang at may mga patuloy na bumubuhay sa palabas na iyon.

* * *

Kagabi. Isa ako sa mga nag-present ng Senakulo sa isang simbahan malapit sa aming komunidad. First time kong mag-perform ng gayon, hindi talaga ako sumasama sa mga drama-drama performances but upon hearing na isasadula 'yung mga paghihirap ni Hesus, sumama ako.

Salamat nga pala sa mga nanood ng aming handog. Super thank you.

* * *

Kagabi rin. Habang nag-aabang ng turn sa eksena, napansin ko ang mga bituin sa langit. Dahil doon nabuo sa aking isipan ang isang tanong na naging shoutout ko na rin sa Friendster (TM): "Kung bawat isang star sa langit ay isang taong nakikilala mo araw-araw, paano mo makikita ang "star" na para sa'yo?" Parang napaisip akong bigla. E di siyempre, 'yung pinaka-bright star 'yung sa akin.

Kaya kagabi, si "Star" ko lang ang inisip ko throughout the perf. Salamat sa iyo, star ko!

car_pal

Thursday, March 12, 2009

To My Dearest Woman

Can I leave you alone--in the dark?
In the pitch-black shadows of destiny
No I can't--I can't do it
On my own without your inspiring face of beauty

I can have my own fame easily
Fortune is just a thing that cannot last
Forever with you is like a lifetime fortune
That changes my doomed life and erases my past

You can have another man if you want
And he can preserve your unmeasurable divinity
But how can I, in this time, still wait for you?
Never won't last a day without your insanity

Your memories are so much dear to me, girl
There's nothing more in my life I can compare
To your angelic face everyone will surely love
To let you go? No! I am not prepared.


-- Carlo Palmes
March 10, 2009, Manila


PS: Muli, dedicated to someone ito.

Wednesday, March 11, 2009

Ice Ice Baby

Hay salamat! Meron na sa National Bookstore ng Warner Books version ng Slumdog Millionaire. Q & A ang original title ng librong iyon ni Vikas Swarup, na isinapelikula nitong nakaraang taon. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa ipinapalabas sa Pilipinas ang critically-acclaimed movie na iyon kaya ang iba ay umaasa lang sa Pirates of the Carriedo at Internet. PHP 299 ang presyo nung paperback. Ipon-ipon muna ako para makabili nun. Hay.

* * *

Question lang: Why do girls fall in love with the wrong person? Bigla na lang pumasok sa isip ko ang tanong na ito kani-kanina, habang nasa jeep. Medyo may nakita kasi akong gal na parang sinasampal 'yung kasama niya (malamang BF nya yun) dahil niloloko lang siya nito. Malamang dahil sa may hitsura 'yung babae, mayroon pang ibang nanligaw doon noong single pa ito--problema nga lang, baka pihikan sa guy. Oo nga naman, bakit ka pipili ng hindi mo trip?

Recently kasi I have heard the breakup of one of my neighbor's closest classmates. Ayun, third party ang dahilan. May plano na ngang magpatiwakal 'tong si Bok, kaso napigilan because of words of encouragement. Buti na lang.

Ang hirap kasi noon eh, 'yung tao naloloko lang. Puwedeng si lalake ang naloloko, o kaya naman ay si babae ang naloloko. Mahirap 'yon, lalo na kung naloko si guy. 'Yung mga tulad pa naman ng 'Adre ko e sincere kung magmahal. Aw, sakit nun panigurado.

Ang magagawa na lang ng mga tulad ng 'Adre ko at ng mga katulad naming sincere, kalimutan 'yung nangyari. Kawawa lang kasi siya kung hindi niya ititigil na isipin 'yung girlfriend niya. Of course, hindi mawawala 'yung pag-iisip na 'yan pero dapat minimal or moderate lang.

Think of the positive things that will help you recover. Basta, do your best, and God will do the rest.

car_pal

Tuesday, March 10, 2009

First Love

Ngayon ko sana ipo-post 'yung tula kong ginawa kani-kanina lang after akong ma-inspire sa tulang ginawa ni Jose Rizal na "To Consuelo Ortega y Rey" noong August 1883 ata. Medyo napahanga ako ng ating pambansang bayani pagdating sa poetry, parang pinakain niya lang ako ng alikabo sa mga talinghaga niya. Kakabilib.

* * *

Nakakahanga rin 'yung lumabas na survey ng Social Weather Stations last February na 55% ng mga Filipinong kanilang tinanong e naniniwala sa first love never dies na kasabihan. Angas nga e, pati pala ang mga mas nakatatandang Filipino kesa sa akin e naniniwala doon.

Which reminds me of someone na talagang nanirahan na yata sa isipan ko for years. Inaamin ko ring first love ko siya, but as it turned out, hindi ko nagawa 'yung dapat kong ginawa as a "special friend" para sa kanya. Ayun, medyo nagi-guilty ako kasi nga parang pinabayaan ko na lang siya.

Hindi ko man lamang nai-prove sa kanya (for me a) 'yung pinangako ko sa kanyang iingatan siya. Wala. Pero throughout days and years, I realize na there's time for everything. At kung bumalik man iyon, e di masaya. Well, 72% ng mga Filipinos ang naniniwalang "kapag mahal mo nag isang tao, pakawalan mo; pero kung bumalik siya sa iyo, tinadhana kayo."

car_pal


Sunday, March 8, 2009

Can't Get Enough of You

Ay. Naalala kong International Women's Day pala ngayon. March 8. Kaya po doon sa mga gals, extended greetings na lang po.

* * *

I'm working on a book report right now and I still haven't finished it yet. The novel's a classic Filipino one, and it's title is "Nang Bata Pa Kami" by Pura Medrano. Talagang classic siya--it was made in Tondo in September 1931. I saw it on Project Gutenberg when I was scanning some books para gawan ng review. Medyo naintriga ako sa title, kaya iyon kaagad ang pinili ko.

Ayos nga eh, ewan ko ba kung sakto lang talaga 'yung paksa niya sa mga pangyayari sa buhay ko ngayon. Tungkol iyon sa pag-iibigang Manuel at Edeng, kung saan sa libro ay nagamit ang flashback. Binalikan nila ang mga alaala nila noong bata pa sila, mga memories ni Manuel sa unang bahagi ng kuwento, at ang mga alaala ni Edeng sa bandang huli. Hindi ko pa talaga siya tapos basahin, but ngayon pa lamang ay inirerekomenda ko na ito sa lahat ng mga taong ang pastime ay pagbabasa ng libro.

* * *

Nakakaasar, malapit na pala ang pagtatapos ng School Year 2008-2009. Sa blog ng grupo namin sa school, binalikan sa isang post 'yung mga memories namin from first year to fourth year. Grabe, ang bilis pala talaga lumipas ng panahon. Hay, sabi nga, kung maibabalik lang ang mga oras na nawala, sana hindi na namin sinayang.

* * *

Aaminin ko, natuwa ako doon sa nalaman ko recently.

Hindi ko na iko-collaborate dito 'yung nangyari kamakailan lamang, ngunit alam iyon ng lahat ng mga kasama ko. Ang tanong ko lang, bakit kaya niya ginawa iyon? Ewan ko lang ha, hindi ko rin alam. Ayaw ko namang bigyang-kahulugan ang lahat ng ginagawa ng bawat tao. Ayoko rin namang mag-expect na lang ng kung ano't baka umasa lang ako sa wala. Hay.

Bukod doon sa nalaman ko e wala na akong ibang alam tungkol doon. Mahirap mag-i-speculate. Mahirap umasa.

Pero kung totoo man iyon hanggang ngayon, bakit hindi?

car_pal

Friday, March 6, 2009

From Twelve to Five

Ang cute talaga. Tuluy-tuloy ang laban ni Superhero. Would you believe wala pa akong tulog? Yup, hindi nga lang halata. From 12 to 5 a.m. 'yon. Tulog ko lang e from nine forty-five hanggang twelve--may interruptions pa. Sa'n ka pa? Cute.

Pinagkakaabalahan ko lang noon e makinig ng favorite love songs sa radyo (take note: hindi ko sinasadyang marinig 'yon, nasa playlist ng DJs 'yon), maglaba ng uniform for today, at naadik sa three-in-one coffee mix (anong gagawin ko? Hindi na nga ako makatulog. Eh di tuluyan ko na!)

Kaasar kaya, para kasing there's something that bugs me the whole night. Ayun, 'di ako pinatulog. Parang may nagpe-premonition pa. Ay, ang cute.

Buti na lang hindi ako nakatulog sa klase. Hay.

car_pal

Wednesday, March 4, 2009

Late Nga Ako

"Boy I've missed your kisses all the time but this is
twenty-five minutes too late
Though you traveled so far boy I'm sorry your are
twenty-five minutes too late"

Siguro nga late ako noon kaya noong madatnan ko, wala na.

Ngayon lamang ulit ako magpo-post ng tungkol sa akin at sa larangang hindi ko masyadong inaatupag nitong mga nakaraang araw dahil sa busy ako at kung aatupagin ko naman e baka masaktan lang ako. Mahirap na, mabuti na 'yung sigurado.

Alam kong sa tuwing natatapos na ang, uh, well, ehem, kapag natapos na ang shelf life ng buhay ninyong dalawa bilang magkasintahan e minsan e may mga guilt, hard feelings, etc. etc. Siyempre dumaan rin ako doon. At talagang hindi na nawala ang focus ko doon. Aw. Ang cute.

Ang sa akin, kapag ako e, you know, nagkaroon o pumasok sa mga ganyan, hindi ko itinuturing na 'closed chapter' sa buhay ko ang pagtatapos ng lahat sa akin. Lalo na kapag serious ako sa kanya, talagang mayroong parte sa akin na talagang iniisip ko siya, eventhough tapos na ang lahat sa amin or whatsoever. Hindi mawawala sa akin 'yon. Sobra.

Kaya hanggang ngayon... Ganun na nga.


* * *

Na-late nga talaga ako noon. Tulad ng kanta ng Michael Learns to Rock (na ang chorus ay nasa itaas), 25 minutes late ako. Hay.


* * *

Para doon po sa mga nagtatanong kung ano ang Filipino translation ng tulang ito ni Luis Garcia Montero na nauna niyo nang nakita sa Ang Di Ko Naikuwentong Kuwento Nitong V-Day, ito po:

Original quote:
"Si alquna la vida te maltrata
acuerdate de mi
que no puede cansarse desperar
aquel que no se cansa de mirarte."


Translation:
"Kung sakaling malupit sa iyo ang kapalaran,
Alalahanin mo ako
Dahil hindi mapapagod sa paghihintay
Itong walang sawang tumitingin sa iyo."

car_pal

C-U-T-E (Kiiiiiiiiyuuuuuuuutttt!!!!!!!)

Ay. Ang cute. Ang saya. Kanina na-meet ko na (finally) 'yung sponsor ko sa scholarship program na kung saan kabilang ako. Kaya po sa sponsor ko, if you're reading this, maraming maraming salamat po sa tulong na ibinibigay ninyo sa akin--pati na rin sa mga colleagues ko. Super thank you talaga.

* * *

Nahawa na rin ako doon sa pinapakinggan kong radio show tuwing gabi. Lagi ko na lang nasasabi yung salitang "cute" bilang expression--kapag natatawa, naaasar, o nakokornihan. Halimbawa: kapag may parang out of the blue na nagbigay sa akin ng kendi, kahit na wala naman akong ginawa sa kanyang mabuti, sasabihin ko na lang bigla "Ay ang cute."

Ewan ko, nakahiligan ko na 'yon the past few days. Siguro na-blew away na rin ako nung radio show na 'yon. 'Alangya, addicted na nga yata ako sa palabas na 'yon. Cute.


* * *

Speaking of addicted, nasabi ko doon sa huli kong post (Dedicated to Someone) na parang "sira" na naman ako kasi in-love ako. The first thing I thought was, "Carlo, ang korni mo! Burahin mo na nga 'yan." But still parang--as usual--sira pa rin ako. Ewan ko ba. Wala na nga yata akong maisip sa buhay ko't nagkakaganoon ako. Cute ko 'no?


* * *

Ay, hindi ko pa pala naipa-publish 'yung results ng Race # 3 sa NASCAR Sprint Cup Series. Maybe in the next few postings e mailagay ko na siya.


car_pal

Monday, March 2, 2009

Dedicated to Someone

In love na naman yata ako. Ewan ko ba. Para akong sira. Sabi ko sa sarili ko na hindi na muna ako mag-iisip ng kung ano pero, heto ako. Naku, sana nga e mabasa niya itong post ko. Ang korni ko ano?

Heto ang kanta ko para sa'yo, kung sino ka man.

car_pal

Change Your Mind
Boyce Avenue

There you are with your perfect way
You’ve got that little shine in your eyes
To hear one word would make my day
But there’s no room for me in your life

Oh you’ve got me down on my knees
Oh and in my mind I can see
How perfect everything could be
But you won’t give us a try

If I could change your mind
How would you want me
Would you say you need me
Cause I need you now

I try to move on but your perfect way
Has got this little child asking why
But this world keeps spinning
As my heart stops beating
Is there still no room inside

Oh you’ve got me down on my knees
Oh and in my mind I can see
How perfect everything could be
But you won’t give us a try

If I could change your mind
How would you want me
Would you say you need me
Cause I need you now

If I could change your mind
(Please tell me I’m not the only one)
(Please help me believe I’m not the only one)
If I could change your mind

If I could change your mind
How would you want me
Would you say you need me
Cause I need you now
If I could change your mind
How would you hold me
Would you stay forever
Or just leave me here to drown

If I could change your mind
(Change your mind)
If I could change your mind
(Change your mïnd)