Search Charlespost Archives

Friday, January 30, 2009

Aw, Aw, Aw as in Suuuuuuuuper Aw!!!!

FOREWORD: Dahil sa kaburyungan dulot ng sakit ko, isang bagay ang napagsidketahan ko kani-kanina lang. Isang whiteboard marker na gawa sa China. Natuwa ako, 'yung takip niya may magnet na, may eraser pang kasama. Asteeg! Kaso na-disappoint lang ako sa nakasulat sa gilid nito. Ang sabi:

This product the adoption import the environmental protection the ink, and have not poisonous, easily wipe. The color and luater is flarnboyant and be applicable to the white plank of white plank, teaching of electronics.

Sa Tagalog, ummmm.... Ano daw???

* * *

Isa lang yan sa mga pinagdisketahan ko nang pagdisketahan ako ng chickenpox nitong linggong 'to. Saktong sakto 'yon, Martes ng umaga, contest namin 'yon sa reading comprehension nang tumubo iyon. Nadagdagan pa problema ko nang malamang 14 na naman ang registration number ko (may mas malala pa roon, di ko na lang sasabihin rito). Buti na lang, natapos ko, and luckily according to my coach 5th daw ako sa individual ranks among seniors.

Tama sinabi ko sa mga colleagues ko nung umagang iyon. Sabi sa inyo eh, 'di maaapektuhan ng chickenpox ang utak, katawan lang.
* * *

Dahil ilang araw akong absent, nahati ang oras ko sa pagsu-surf ng telebisyon, pakikinig ng radyo at walang kamatayang tulog. Medyo nangagapa ako sa pagta-tayp sa computer ngayon. Nahihirapan akong sumulat dahil apektado writing hand ko. 'Di ko tuloy magawa 'yung gusto kong gawin.

Hirap rin akong umupo't humiga, masakit.

Baka next week makapasok na ako. Wala na'kong lagnat. Kaso ang problema lang, how 'bout my face?

-car_pal-

Wednesday, January 21, 2009

Tuluy-tuloy lang

First of all nais kong pasalamatan ang taong nasa likod ng pagkakaroon ng back issues ng TIME Magazine on our school. Salamat kasi, for the first time, naranasan kong makabasa ng mga gayong magasin sa iskul. Tenk yu po talaga.

* * *

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil talagang nilalayo Niya ako sa tukso.

Napatunayan ko na naman iyon, kanina. Kanina ko lamang napagtanto na nilalayo Niya ako sa mga masasama. Naalala ko, isang taon na ang nakakaraan ngayon, ginawa ko ang isang desisyong akala ko'y pagsisisihan ko. Natiis kong pigilan ang sarili, salamat naman. Kung kailan lumabas ang kanilang tunay na kulay ay saka ko na lang nalaman na tama ang nagawa ko. Walang nasayang na efforts, dre. Kaya, ang ending, masaya ako. =)

Doon ko napatunayan na hindi dapat talagang magpaapi o magpasakop sa nararamdaman ng damdamin kaagad. Darating sa'yo 'yan. Lagi ngang naikukuwento sa akin nina Mama na marami raw ang babae. Ngunit ngayon, di hamak namang mas maraming malandi. Aw.

car_pal

Tuesday, January 20, 2009

Sapul!


FOOD FOR THOUGHT: "Let your plans be dark and impenetrable as night and when you move, fall like a thunderbolt." --The Art of War, Sun Tzu

Aw. Looks like everything's not in the right place.

Mahirap talagang makipagsapalaran dito sa Internet. Marami kang makakabasag-ulo nang hindi mo alam. Marami kang damdaming nawawasak nang hindi mo napapansin. Maraming magtatangkang saksakin ka sa mga chatrooms, social networking sites, at iba pa. Tulad nitong nalaman ko kani-kanina lang.

Mayroon palang ilang taong nais dungisan ang aking pangalan. Sa isang social networking site. Akala ko noon kaibigan (ka-ibigan rin siguro) ko sila ngunit sa isang iglap lang ay bina-backstab na pala ako. Integridad ko ang nakataya rito't kaya kailangan kong ipagtanggol ang aking sarili.

Wala akong ginawang masama sa Kanya, sa Kanila, o sa Kung Sino. Ni minsan sa buhay ko hindi ako nanira ng pangalan ng iba. Siguro kung minsan nakasasakit ako ng damdamin ng iba, ngunit ang totoo'y hindi ko sinasadya iyon. Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan kung bakit niya--0 nila--ginagawa iyon. Paghihiganti siguro.

May isang katoto ang lumapit sa akin kahapon at itinanong kung sa buong buhay ko ba ay nanloko ako ng sinisinta. Hindi ang tugon ko. Saka niya sinegway na may kumausap raw sa kanyang "niloko ko".

Hindi ko maintindihan kung bakit niya nasabi iyon, sa kabila ng katotohanang mali ang aming ginagawa, na naging dahilan ng pagpiglas ko. Marahil ay hindi niya alam ang kanyang ginagawa, dahil kung ikaw ay isang nerdy student na nag-aaral sa Harvard at ang iyong magulang ay respetado sa kani-kanilang larangan, iisipin nilang hindi tama ang pakikipagrelasyon ng kanilang anak. Nangyari na rin iyon sa kasaysayan (ex.: si Sarah Palin at ang kanyang anak na si Bristol).

Sabi nga ng isa pang katoto, right love at the wrong time is wrong love. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit patuloy Siya sa pang-aakit ng iba. That's dangerous!

Monday, January 19, 2009

When there's smoke, there's fire

Nabasa ko 'yung balita tungkol sa Quezon City Science High School, na kunsaan ilang mag-aaral ang sinuspinde ng kanilang principal dahil sa pagpo-post sa blog ng mga masasamang mensahe laban sa kanilang principal. (The Philippine Star, Jan. 16)

Nabasa ko 'yung laman ng blog na tinutukoy doon. (Nasa http://scientiaetvirtus.multiply.com siya.) At first medyo nailang ako sa mga messages ng mga Scientians kasi masyadong harsh 'yung ilan sa mga comments nila, parang it makes me think na it's too early for them to be an activist. No offense for them, pero masyado na 'atang degrading ang mga sinasabi nila. Masyadong nade-degrade ang principal nilang si Mrs. Sadsad.

But siguro, what made them think upang gawin nila ang mga remarks na iyon is they find their principal strict, baka they don't like the way she spearheads the school. Kaya siguro ganoon.

The students could have learned a lesson from this experience.

car_pal

Sunday, January 18, 2009

Nasa Huli ang Pagsisisi

(Muli, I'm here again to give you this another short story I wrote. Matagal-tagal na rin akong hindi nakasulat nito since Elehiya. Kailangan kasi ito for a project, kaya napagawa ako. At heto ang Nasa Huli ang Pagsisisi, made in just 56 minutes.)


“Don’t worry ma, I’ll be fine.”


Masaya akong umalis ng bahay nang mag-isa upang pumasok sa paaralan. Medyo pagod pa ako noon dahil napuyat ako kakagawa ng proyekto sa Filipino. Ngunit natanggal ang lahat ng aking pag-aalala nang ibigay ni Mama ang sa akin ang baon kong pagkain na may kalakip ng ngiti. Hindi ko alam, pero para bang may kakaiba akong nararamdaman nagayong araw na sa tingin ko’y magbibigay ng suwerte sa akin.


Umalis ako dala ang pag-asang mag-aahon sa aking pamilya. Oo, instrumento at inspirasyon ko sila upang mag punyagi sa pag-aaral. Hindi man lumilitaw sa kung paano ako mag-alala sa kanila, pero sobra ang pag-aalala ko sakaling may mangyari mang hindi kanais-nais.


Lunes pala ngayon, naalala ko. Isa akong tipikal na mag-aaral na, dala ang asula na bag at clear book, handing magtagal sa paaralan nang walong oras upang matututo at magligtas ng buhay. Makailang ulit ko nang sinabi sa harap ng klase na nais kong maging doktor, ngunit ang totoo’y hindi pa buo ang aking desisyon tungkol doon. Matagal pa naman akong papasok sa kolehiyo, nasabi ko sa isipan ko. Siguro’y hindi ko na lang muna iisipin iyon. Natatawa nga ako kung minsan dahil sa patuloy na panunukso sa akin ng mga kaklase. Wala raw akong pangarap, sabi nila. Ngunit ang hindi nila alam, pangarap kong iahon ang aking pamilya.


Sa araw ring iyon namataan kong muli ang babaing iniibig ko. Maganda siya. Hindi siya ordinaryo. Nabibilang siya sa mga pinakamaganda at pinakamayaman sa paaralan. Hindi siya tulad ng ibang nakilala ko; siya ang bukod-tanging babaing nakilala ko na mayroong kagandahang-asal. Siguro’y dahil na rin sa galling siya sa isang pribadong paaralan tulad ko. Sinusubukan kong suyuin siya, ngunit mukhang malabo iyong mangyari. Ngunit nasabi niya sa akin na unti-unti na siyang nahuhulog sa akin.


Ilang ulit na ring sinasabi sa akin ni Mama na huwag munang umibig gayong nasa maagang edad pa ako. Mapusok ang pag-ibig, lagi niyang pinapaalala sa akin. At sa panahon ngayon marami ang mga malalanding babae. Oo, naniniwala ako roon. Katunayan, ilang beses ko nang naranasan iyon. Mabuti na lamang at hindi ako nahulog sa kamandag ng kanilang lasong mistulang nmag-aakit sa iyo at hindi ka na tatantanan hanggang sa magsawa sila sa iyo. Kaya ang lagi kong sagot kay Mama: “Don’t worry ma, I’ll be fine.”


Ngunit hindi ganoon ang babaing sinisinta ko ngayon. Sa halos apat na taon kong pagkakakilala sa kanya ni minsan ay hindi siya nang-aakit sa mga lalaking patuloy na umaasa sa kanya, tulad ko. Miyembro man siya ng “stiletto gang” kung ituring ng iba, hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa kanya dahil hindi siya ganoon. Siya’y aking tinitingala; patuloy akong lalaban dahil sa kanya at sa aking pamilya.


Kinahapunan, matapos ang buong araw ng pag-aaral, nilapitan niya ako sa bangkong kinauupuan ko. Kinausap niya ako tungkol sa ilang mga bagay tulad ng group work sa Science, proyekto sa Linggwistika, at ang pag-amin sa aking nararamdaman. Nagtatawanan lang kami sa aming buong pag-uusap, ngunit nagging seryoso siya sa huli kong binmanggit. Natutuwa raw siya at pinahahalagahan ang ginagawa kong pagsusumikap upang mapalapit sa kanya. Kaya gusto niyang magkatuluyan kami. Sabay yakap niya sa akin. Pakiramdam ko noon ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Daig ko pa ang ilang magtangkang lumipad tungong buwan, naisip ko. Napakasaya ko’t sa unang pagkakataon ay nagkaroon ako ng nobya.


Magkasabay kaming umuwi noon. Pumayag akong ihatid muna siya’t ipakilala sa kanyang mga magulang bago umuwi. Kinakabahan ako. Ngunit patuloy niyang inaalis ang nerbyos ko. Sa aming paglalakad ko nalamang ako pala ang una niyang nobyo. Ayos!


Sa gitna ng aking paglalakad, may nakasalubong kaming isang grupo ng kabataan na panay ang tingin sa nobya ko. Hindi pa nakuntento ang isa’t binastos siya. Sa galit, sinuntok ko siya. Ngunit naghiganti ang buong grupo sa akin. Ang nobya ko, sinusubukang humingi ng tulong. Ngunit huli na ang lahat. Mayroong isang binatilyong humugot ng sumpak hanggang sa nawalan ako ng malay. Ang babaing sinisinta ko, umiiyak sa aking tabi at patuloy na humihingi ng tulong. Hanggang sa madala ako sa ospital.


Hindi na ako nakaabot ng buhay pagdating doon. Subukan man akong iligtas ng mga doktor, wala iyong epekto dahil matindi ang tama sa akin ng bala ng sumpak. Nasa tabi ko pa rin ang aking nobya, umiiyak. Doon ko naramdaman ang kanyang pagmamahal. Kahit wala na ako.

Pinagsisisihan ko ang aking ginawa. Naging matigas ang ulo ko at hindi sinunod ang aking magulang. Ngunit laging nasa huli ang pagsisisi. At hindi na ako nabigyan ng ikalawang pagkakataon.


-cip-

18-Jan-2009

Saturday, January 10, 2009

Base Form of the Verb is Singular

I found this very helpful post from an Indian social site and it's about being single. (Sakto!) Now I have here ten reasons why being single is happier. Ano, basa lang, mga kapatid ko ring single. Hehehehe.

Ten Reasons Why Being Single Is Not So Bad... Really!

by Prem Paul Ninan

Being single is not such a bad thing actually. Especially if all your friends and siblings are happily hitched to the sides of spouses/lovers and all you have to boast of is your dog. This is not to say that having a dog is a bad thing. Dogs are definitely God's greatest creations after women. But that is beside the point.

The truth is, if you do have a girlfriend, well, good for you. Try holding on to her for as long as you can. But if you don't, you might consider yourself not really too unlucky after all. For, being single is not the worst thing in the world. In fact, its benefits rather outweigh its downsides.

Apart from the limitless freedom that it entails (provided, of course, you're not tied down by the apron strings of your loving mom), there are also other such things as an open market and the life of adventure, if you know what I mean (and don't let your imagination run too far for its own good).

But if you want to get into more specifics, here they are:

1. Freedom of movement. There is nothing a single man enjoys more than this. For, what can beat the pleasure of hopping onto your bike at 11 p.m. and going for a long ride into the dark unknown, to dwell on the joys and sorrows of singleness? (okay, it actually gets better than this).

2. Nobody questions your late hours or your disappearances for long intervals of time. Your disappearances might be either due to some inane programme that you wanted to attend (without the danger of expanding your mind) or again to ride off into the night to mull over the cruelties of life. Or you may choose to party late into the night with a few well-chosen friends and get up late the next day only to be forced to take off from work due to the hangover. This is not necessarily a good thing.

3. Your earnings don't have to be split two-ways. So apart from the tax you give the government, you still get to blow up your pay-check on other trivial pursuits, and no questions asked – except, of course, from the magistrate the next morning if you get yourself locked up. But that will be your own fault.

4. You can spend your private moments at home blasting music and singing at the top of your lungs into a hairbrush, with the shutters down and the dog scurrying for cover under the nearest bed.

5. You don't have to be in bed by midnight every day, only to wake up again when you've just dropped off, at 1 a.m. when the baby brings the roof down. Conversely, if you're unmarried and not living-in, you don't have to stay awake till 2 a.m. on the phone just because your girlfriend at the other end can't get sleep and needs to talk about the exciting happenings of the previous day (for some strange reason, they're always most exciting at 2 a.m.).

6. You don't have to spend endless hours shopping for stuff that'll never make a difference to your life (conversely, if you do indulge her, she might indulge you too later on).

7. You don't have to be constantly reminded about things you forgot to do. When you do remember them, however, it might be too late. But that's another matter.

8. You can stay back late at work and not be blamed for it, even if you were actually working.

9. You can pick your nose or eat stuff off the table, and no one will rap your knuckles .

10. You can be yourself... for as long as you want.

All these things notwithstanding, you still might consider wanting to hitch up some day. Because, of all of God's creations, there's no one quite like the woman.

O, ano? Masaya, di ba?

-car_pal-

References: http://www.asylum.in/2008/07/25/ten-reasons-why-being-single-is-not-so-bad-really/

Saturday Night Fever

Bago ang lahat nais kong pasalamatan itong bagong bukas na shop somewhere in San Andres, kasi binigyan nila ako ng libreng snacks. Asteeeg!!!!!

* * *

Anyway, this Saturday was a very stressful day. Well, just a bit.

The whole day akong nagbabasa ng newspapers for a contest. Medyo marami-rami rin akong nalaman tungkol sa current events.

After my encounter with reality, I felt hot. Parang sinat na lagnat na aywan. Hindi ko maintindihan. Asar.

Pero heto ako ngayon, "nakikipagsuntukan" sa computer. Ramdam pa rin ang init ng katawan at sakit sa lalamunan.

-car_pal-

Monday, January 5, 2009

5, 6, 7, 8 ....

Aw. Back to reality na naman. Masaya ang pagbabalik-eskuwela ko kanina. Pa-sayaw sayaw pa sa kantang "Takin' Care of Business" ng Bachman Turner Overdrive. Ayos na sana eh.

Kaso dumating ang tunay na dahilan ng pasukan. Ang nangyari, nagkalabuan na. Marahil na rin sa Kapaskuhan, nagkalimutan na ng mga lessons. Sa ibang salita, nangamote.

Magandang salubong 'yun sa bagong taon. 'Di bale, may 349 days pa.

-cip-