Search Charlespost Archives

Sunday, September 28, 2008

Ayos! Nahanap ko rin!

Muntik nang mawala 'yung notebook ko na may draft nung gawa kong "Elehiya." Buti na lang nakita ko na rin siya.

Nung mawa 'yung notebook kong iyon, talagang nagwala ako. I almost turned my house upside down para lang hanapin 'yon. Eh 'di ko talaga siya mahanap. So I have to make another one.

Kanina ko lang siya nakita. Doon sa hindi ko aakalaing nandoon. Kasi nung hinanap ko 'to dun, wala eh. Pa'nong nagkaganoon? 'Di ko rin alam.

Basta, baka i-post ko na siya dito next week.

-cp-

Saturday, September 13, 2008

Crazy Feet

Nitong mga nagdaang araw uber-busy ako. Kung saan saan ako pumupunta, whether pina-assign sa amin or whatsoever, basya wala yatang araw sa isang week e out of the house ako. Itong weekend na ito na yata ang pinaka-busy sa buong buhay ko. Wala ako sa bahay from sun up to sun down, even the day after.

Kagabi I'm trying to apply for a college entrance examination with my tita kaso down 'yung system nila. Eh medyo ginabi na ako, and natatakot din akong masapit ang bangis ng curfew so I have to be with my tita and go home to Cavite. It was a one hour trip, kaya ayos lang. Pagdating, tulog ka'gad. 'Kapagod e.

Kaninang umaga bumalik na ako ng Manila. Tapos noon kailangan naman ako for the Interact Meet at Citimotors. Ang effect ng masyadong pagiging lagalag, lagnat. Sinat. Umuulan kasi the whole night. Tapos uminit. Tapos naulan. Iinit ulit.

Hay, kapagod. Buti't malapit nang matapos ang gabing ito.

-cp-

Thursday, September 11, 2008

Elegy

Oh, I couldn't fight those booooring days. Para di naman ako mabagot, kung anu-ano na lang ang ginagawa ko. Ngayon, I'm addicted to poetry.

I'm doing a work right now, it's called "Elehiya" (Elegy). This is a monologue of o man who cries after he was left by his partner. Ngayon medyo malapit na siya matapos. My inspiration was the story we read last week, "Si Kesa at Si Morito". Nakakaantig ng puso kapag nabasa ninyo yun.

Another work I'm finishing is 'yung "Duplo", it's about a man who falls in love at first sight and eventually realizes na hindi pala siya gusto nung tao.

Ang sarap ng pakiramdam lalo na kapag nai-express mo ang iyong mga saloobin or something sa mga tulad nito.

-cp-

Monday, September 1, 2008

Gimme A Break, Please

Sunud-sunod ang iteneraries ko nitong nakaraang buwan. Nagmistulang working days ko ang Sabado, extension ng Sabado ko ang Linggo. Kadalasan wala sa bahay, kung anu-ano ang nilalakad, ginagawa.

Nitong August 30, my classmates and I were the contingent of the school sa Basic Leadership training ng YWCA of Manila sa Gen. Luna, Ermita. The Saturday before nandoon naman kami sa District Interact Meet for the Rotary Club of Manila-District 3810 sa Citimotors Makati. Dapat talaga I'll attend the MTAP sessions on those days kaso bigla kaming tinawag for those activities.

Kahit ganun, enjoy naman. I met some new friends and I gained a lot of experience. Kaso nga lang dumarating 'yung time na short on budget pero buti na lang there's always a silverlining.

Sana this month 'di na ganito kaabala.

cp

Video: She's the One -- Robbie Williams