Search Charlespost Archives

Saturday, October 13, 2007

Jealousy

MANILA, PHILIPPINES -- Nandito ako ngayon sa Netopia-Robinson's Manila upang aliwin ang aking sarili matapos ang ginanap na Mini-Press Conference kanina sa Lakandula High School, Tondo, Manila. Isa kasi ako sa mga flagbearers ng aming escuela. Medyo kabado at tensyonado pa rin ako sapagkat walang kasiguraduhan ang aking ginawang "ka-eklavuhan." Kaya hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ng aking gawa. Medyo wala kasi ang mindset ko sa contest eh, may mga ilang bagay na bumabagabag sa akin the past few days.
Medyo naiinggit nga ako sa ilan sa mga estudianteng nandoon, kasi nandoon ang kanilang mga partners. Para nga silang nasa Luneta Park eh. Kainis! Wish she was here with me.

* * *
Sa ngayon ay "nagri-research" ako ng mga kung anu-ano. Naiinggit lang ako sa mga taong nakikita ko sa palibot nitong premises ng mall. Parang ang saya-saya nila. I don't belong here. Kainis! Wish she was here with me.
* * *
Ang ganda nitong kantang pinakikinggan ko sa imeem.
Rock revival ito ng bandang The Starting Line. 'Yung eighties hit (ba 'yun?-- O '70s?) 'yun na Nothing's Gonna Stop Us Now. Ganda nung lyrics eh -- plus 'yung rock music that suits our generation. Hehehe =)
Naiinis lang ako kasi hindi niya 'ko nakikitang kinakanta 'yang kantang 'yan. Ayan tuloy. Hehehe
Kainis! Wish she was here with me.

Bye for now,
Charles

(PS: Always remember, KEEP OFF THE GRASS.)