Search Charlespost Archives

Friday, February 27, 2009

Credit is good, but I need you

No, this is not a corny post. Hindi ako maglalagay ng ganoon.

Wala lang kasi akong maisip na pamagat ng post na ito e. Iyang nasa taas e bunga ng pag-iisip kong kinalikot habang nag-iisa sa likuran ng klasrum namin. Naisip ko lang, anong pamatay na linya ang sasambitin ng tindero sakaling may umutang sa kanyang magandang binibini? Korni ko rin ano?

Anyway, ramdam na talaga ang graduation. Ilang araw na lang halos bago namin ilisan ang aming alma mater. Ayun, pakapalan tuloy ng certificates. Parang mga Pinoy na pumipila sa lotto outlet tuloy kami. Wala kaming baul, kaya madaling hanapin.

Ayos na sana ang pagtatapos ng class namin e. Puro nga lang problema. Puro sabit. Asar.

Diyos ko, sana walang mangyaring ala-Tayong Dalawa* sa reunion namin kung sakali. Kayo na po ang bahala.


car_pal

*-'yun bang sampalan, basaan ng wine at eskandalo sa isang kasiyahan.

Thursday, February 26, 2009

A Beatles Breakfast

I was tuning on the radio earlier this morning and was fantasized with a radio program. A radio station is playing hits from The Beatles the whole hour. Ang saya tuloy ng breakfast ko.

Sa RJ fm 100.3 pala iyon, and they were playing "Help!" and "Here Comes the Sun". Ayos na sana e. Kasi kumakain pa ako ng sardines habang sumasayaw-sayaw.

Problema lang, one hour show lang 'yun. Sayang kasi sana ginawa na lang two to three hours e. Although walang ad interruptions 'yung radio show, bitin pa rin ako.

Pero 'di bale, araw-araw ko na lang aantabayanan 'yun, to start my day right.

car_pal

Wednesday, February 25, 2009

Odd One Out

I felt the exams were a dud. 'Di pala. Nag-enjoy pa ako lalo.

Naalala kong sa aming klase e forty-nine lang kami lahat. (Just imagine, pa'no kung kinalaban nun e isang teacher lang?) At dahil by three's ang order, siyempre may isang matitirang sikat--nasa likod, nag-iisa, at lalapit sa proctor tuwing palitan na ng questionnaires kasi nga walang kapareha. Trip to Jerusalem nga ang kalakaran, hanapan pa ng puwesto. May nahanap na ako e, kaso nga lang napag-utusan pa (isa sa mga trabaho ng class president ang maghanap ng dustpan, walis, etc., etc., na puwedeng makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa). Hayun, odd one out na naman.

Maalikabok sa likod. (Allergic talaga ako sa dust mites, at dati may kaso ako ng hika.)Pero at least 'di mainit. Buti na lang parang ako si Tsar Nicholas II sa likod, at ini-imagine na puro kawal ko ang mga nasa harapan. Ligtas rin ako sa mga potential attacks ng mga teroristang 'Harry Potter' sa harapan. Wala akong katabi eh.

Mahirap nga lang, para kang may alagang imaginary friends sa likod. Minsan, natitig pa sa maalikabok na ceiling fan ng kuwarto. Sightseeing kuno sa labas ng bintana. At hindi maiwasang makamasid at makaiwas-tingin sa crush. (Kung akala ninyo'y lalagyan ko ng smiley ang dulo ng talatang ito, puwes, nagkakamali kayo.)

Mas ayos makapag-concentrate. Para akong nagyo-yoga sa harap ng Ayala Avenue. Astig. Sarap ng feeling. Para raw emo. Bukas ulit 'yon na naman ang gagawin ko.

car_pal

Monday, February 23, 2009

Si Rebound

Lagi kong naaalala 'yung panahong sobrang sadlak ako sa sobrang kahirapan. Mentally, medyo mahirap mag-catch up sa mga aralin. Financially medyo sumasadsad ang economic status namin. Emotionally, mas matinding lungkot, poot at sakit ang nararamdaman ko.

Doon ko naisip na maghanap ng makakaramay. Ewan ko ba kung ano ang naisip ko nung mga panahong iyon, I guess masyado na akong nalulong sa depresyon.

At hayun nga, uncontrolled ako. Hindi ko naisip na dapat hindi ko ginawa iyon. Pero kahit papaano naman e sumaya ako, salamat doon. Ngunit talaga lang yatang wala ako sa tamang pag-iisip nung mga panahong iyon.

Buti na lang, hindi umabot sa puntong sobrang masokista na ako't gumawa ng mas matinding peligro. Alam ko'ng limitasyon ko, kaya't minabuti kong itigil iyon. Dumating na rin ang puntong na-realize ko ang mga mali ko. (Oo nga naman, papaano ako mabubuhay nang mag-isa kung may patuloy na mangungulit sa akin gabi-gabi?) Ang totoo'y sawang-sawa na ako. Kaya't talagang napagdesisyunan ko nang tapusin ang lahat.

Ang problema ko lang ay parang hindi na yata ako makaligtas sa butas na pinasukan ko. Kung tutuusin hindi dapat ako narito, ang totoo'y napilitan lamang ako.

Tulad nga ng sabi ni JR doon sa paborito kong palabas sa TV, "'wag kang umarteng ikaw ang biktima." 'Yun lang.

car_pal

Sunday, February 22, 2009

Cry Cry Cry

IMUS, CAVITE--Tindi ah. Umabot pala ng higit sa Php 347 million ang jackpot sa Superlotto 6/49 bago ito napanalunan ng dalawang taga-Luzon. Hay. Ano kaya ang pakiramdam ng isang milyonaryong kapapanalo pa lang ng lotto? Sarap.

* * *

Matindi ang naging kumpetisyon sa in-attend-an kong Sportsfest nung Sabado. Bilang isang mag-aaral--and at the same time the officer of the club--kailangang mag-participate. Ang nangyari? Ayun. Sakit ng katawan. Buong araw. Pawis. Pilay. Sugat. Poot. At feeling ng nai-in love.

Medyo mahirap 'yung sinalihan naming event (hulaan n'yo). Pang-kargador ng pier. At dahil hanggang pagsulat lang ako, hindi suitable sa akin 'yon. Although medyo mayroon tayong weight at height advantage (ano 'to, boxing??) mahirap pa rin kapag walang strategy. Sobra.

At mas lalong mahirap 'yung pakiramdam na kani-kanina lang e masaya ka tapos ngayon e nagmumukmok ka na lang sa isang tabi. Mixed emotions. Paka-emo. Andun sa may azotea, nagpapahangin. Nakatingin sa ulap. At naghahangad ng rebolusyon. Hay.

* * *

First time ko ulit na bumalik ng hometown ko. Kinakailangan ko ring magpahinga kahit kaunti. Masaya kahit papaano. Kasi kahit ilang araw lang ang stay ko (ang totoo'y 30 hours lang ang state visit ko) nakakapanibago ang ambience kasi medyo far from the madding crowd ang aura dito. Malayo sa mga bangaan ng mga goons. Malayo sa ingay ng paulit-ulit na rhythm ng mga hip hop na kanta. At higit sa lahat, respite sa mga araw na sobrang 'confusing'.

Kaya kahit malapit na akong mapakanta ng "bra-ba-li-bin-ta-wan" jingle e nakaranas ako ng sarap. Salamat sa aircon bus.

car_pal

Monday, February 16, 2009

EBooked

Hay. Walang magawa.

Ang daming napakagandang libro ang naipa-publish sa kasalukuyan. May ilang dapat ring batuhin ng kamatis. Ngunit hindi natin dapat itong gawin, sa pagkat they have their own right to say what they want to. Parang ako.

Gusto ko 'yung much-publicized books nina Vikas Swarup at Chetan Bhagat. Swarup's Q&A became the inspiration for the critically-acclaimed movie Slumdog Millionaire, starring Dev Patel and Freida Pinto. It's about a guy na hindi man lang nakapag-aral but wins a top prize in a game show. It's destined. The movie version won a lot of awards including in the Golden Globes and the BAFTA Awards. Marami rin ang nagsasabing it remains a threat sa Oscars.

Bhagat's Five Point Someone-What not to do at IIT talks about three studes of Indian Institute of Technology known for their failing grades. Because of its popularity among the Indian youth, gagawin rin siyang pelikula, entitled 3 Idiots coming December 25th.

Na-research ko 'yan sa Internet, kaya medyo talagang lagari ako sa paghahanap ng eBooks ng mga akdang gaya niyan. Lalo na't walang available na ganyan sa Pilipinas. Kapag nag-eBay ka naman mapapamahal pa ako. Kung sino man ang may alam ng mga magagandang eBooks at 'yung site nila, please comment me.

Sunday, February 15, 2009

Ang Di Ko Naikuwentong Kuwento Nitong V-Day

"Si alquna la vida te maltrata
acuerdate de mi
que no puede cansarse desperar
aquel que no se cansa de mirarte."

--Luis Garcia Montero (1961)


Naks. Ayos na sana 'yung celebration ko ng V-Day kahapon eh. Kaso nga lang nagkaroon ng aberya nung umaga (see Lovesick). Dahil medyo na-depress ako sa mga nangyari, hindi ko na naikuwento 'yung mga nangyari kinahapunan.


Medyo nakapag-observe ako ng kaunti sa society natin ngayon. Napansin kong mas kaunti ang couples ngayon na nasa labas kesa noong nakaraang taon. Karamihan ng mga namamasyal sa malls nag-iisa (kasama ako doon). Ito ba ang dulot ng global financial crisis? 'Di ko alam. Itanong mo na lang sa mga magkasintahan. Dahil kapag ako ang nakasama n'yo tuwing V-Day, laging global financial crisis ang aura.
Na-discover ko rin ang pinaka the best na gawin kapag V-Day pero nag-iisa ka lang. Arcade.
Na-addict ako doon sa Initial D-like racing simulator. Astig e. I loved to drive. Pero kapag depressed laging nagiging reckless. But this time, nag-concentrate na lang ako kung pa'no matatapos ang race na first ako. Sarap pala ng feeling. Ayos.
Next year nga ganun ulit gawin ko. Masaya na'ko, dagdag pogi points pa. Doon sa mga nanonood.
car_pal

Saturday, February 14, 2009

Lovesick

Valentine's Day pala ngayon. Hindi ko naalala.

Kaninang 5:00 a.m. (1900 GMT) nagsimula araw ko. Sumama ako sa mga colleagues ko para maka-attend ng "Walk for Love" na nagsimula sa Km. Zero (Luneta Park). Siyempre dahil ang blog na ito ay tungkol sa love, life, and everything in between, sumama ako. Grabe, ang daming tao. At ang daming nagdi-date sa Baywalk ah.

Okey na sana ang lahat--walkathon, jamming, barkada, sightseeing--halos lahat andun na. Problema nga lang, ito.

Nung nasa gitna kami ng timeout, may nakita ako. Ang red balloon. Na naman. Makilang ulit ko nang nakita 'yon, wala namang nangyari. Hanggang friendster lang.

Gusto n'yo pa ng mas hardcore? Eto. Habang nag-ii-stroll-istrolling sa Baywalk strip ('di yung binobomba ng Israelis a), may nakita na naman ako. This time hindi lobo. Tao. Ang mas masaklap, babae iyon. At kamukha pa nung pinag-aalayan nung pulang lobo ko.

Doon ako na-curious. Siya ba iyon? Ano'ng ginagawa niya rito? Hindi siya 'yon, naisip ko. Imposible.

Kakaasar. Andun na 'yung groove ko. Medyo sumablay lang ng konti dahil kay Miss Gamma-look alike. Hay.

car_pal

Friday, February 13, 2009

Suwerte, Malas

Maraming nagsasabing ang Friday the 13th raw ay malas. Na-expose na rin kasi tayo sa sobrang paniniwala sa mga pamahiin. Ewan ko rin ngunit ayon sa ilang historians atin itong nakagawian mula sa ga Hindu, 'yung iba sa mga Kastila.

Paano ba 'yan, Friday the 13th ngayon? Tapos contest pa.

Luckily, kahit na hindi namin nai-defend 'yung title namin, still we went on for a stellar finish. Sayang nga lang. Pero it's my first time to join the team. A swap made me fill the job for the contest. Buti naging productive 'yung result despite the problems met by the team.

Masaya doon. Buti na ang talaga alam namin ang mga sagot sa karamihan ng mga questions. Siguro dahil na rin iyon sa sobrang exposure sa pahayagan.

Isa na rin siguro sa mga nagpapanalo sa amin e 'yung "Kung May Lapis" campaign namin kung saan pauit-ulit naming kinakanta 'yung Handog Edukasyon jingle. Ayos. Cute.

Valentine's gift ko na rin ito para sa sarili ko, isang araw sa kalendaryong para sa amin ay non-existent.

Malas lang siguro e 'yung hindi ako nakapag-soul search. Naman.

car_pal

Thursday, February 12, 2009

Shorts

Oh please, please please.

Pwede bang pakisama ninyo ako sa mga prayers n'yo tonight? Pray for our successful campaign sa contest namin bukas.

Super thank you sa lahat ng wellwishers namin. We'll do our best to have a stellar finish.

car_pal

The Sprint Cup 2009

Here's the list of confirmed teams running for a full-time season at the 2009 NASCAR Sprint Cup together with their drivers and primary sponsors:


00- David Reutimann (Michael Waltrip Racing)- Aaron's Toyota
07- Casey Mears (Richard Childress Racing)- Jack Daniel's Chevrolet
1- Matin Truex Jr. (Earnhardt Ganassi Racing)- Bass Pro Shops/Tracker Boats Chevrolet
2- Kurt Busch (Penske Championship Racing)- Miller Lite Dodge
5- Mark Matin (Hendrick Motorsports)- Kellog's/CARQUEST Chevrolet
6- David Ragan (Roush Fenway Racing)- UPS Ford
7- Robby Gordon (Robby Gordon Motorsports)- Jim Beam Toyota
8- Aric Almirola (EGR)- Guitar Hero World Tour Chevrolet
9- Kasey Kahne- (Richard Petty Motorsports)- Budweiser Dodge
11- Denny Hamlin- (Joe Gibbs Racing)- FedEx/Farm Bureau Insurance Chevrolet
12- David Stremme- (Penske)- Penske Dodge
14- Tony Stewart- (Stewart Haas Racing)- Old Spice/Office Depot/Burger King Chevrolet
16- Greg Biffle- (Roush Fenway)- 3M Ford
17- Matt Kenseth- (Roush Fenway)- DeWalt Tools Ford
18- Kyle Busch- (JGR)- M&M's/Snickers/Interstate Batteries Toyota
19- Elliott Sadler- (Petty)- Best Buy/Stanley Tools Dodge
20- Joey Logano- (JGR)- Home Depot/Farm Bureau Insurance Toyota
24- Jeff Gordon- (Hendrick)- DuPont/Pepsi/National Guard Chevrolet
26- Jamie Mcmurray- (Roush Fenway)- Crown Royal/IRWIN Tools Ford
27- Kirk Shelmerdine- (Kirk Shelmerdine Racing)- TBA Toyota
29- Kevin Harvick- (RCR)- Shell/Pennzoil Chevrolet
31- Jeff Burton- (RCR)- Caterpillar Chevrolet
33- Clint Bowyer- (RCR)- Cheerios/BB&T Chevrolet
34- John Andretti- (Earnhardt Ganassi/Furniture Row Motorsports)-Window World Chevrolet
36- Scott Riggs- (Tommy Baldwin Racing)- Toyota
39- Ryan Newman- (Stewart Haas)- U.S. Army Chevrolet
41- Jeremy Mayfield- (Mayfield Racing Enterprises)- All Sport Toyota
42- Juan Pablo Montoya- (Earnhardt Ganassi)- Target/Wrigley's Chevrolet
43- Reed Sorenson- (Petty)- McDonald's/US Air Force Dodge
47- Marcos Ambrose- (JTG Daugherty Racing)- Little Debbie/Kingsford/Clorox Toyota
48- Jimmie Johnson- (Hendrick)- Lowe's/Kobalt Tools Chevrolet
55- Michael Waltrip- (MWR)- NAPA Auto Parts Toyota
66- Terry Labonte/Dave Blaney- (Prism Motorsports)- Window World Toyota
77- Sam Hornish Jr.- (Penske)- AAA/Mobil 1 Dodge
82- Scott Speed- (Red Bull Racing Team)- Red Bull Toyota
83- Brian Vickers- (Red Bull)- Red Bull Toyota
87- Joe Nemechek- (NEMCO Motorsports)- TBA Toyota
88- Dale Earnhardt Jr.- (Hendrick)- AMP Energy/National Guard/Mountain Dew Chevrolet
96- Bobby Labonte- (Yates Racing/Hall of Fame Racing)- Ask.com Ford
98- Paul Menard- (Yates)- Menards Ford
99- Carl Edwards- (Roush Fenway)- Aflac/Subway Ford

We'll see which of these teams will start strong in the Daytona 500, coming Feb. 15th.

car_pal

Monday, February 9, 2009

Ang Istorya sa Likod ng Kanta

FOOD FOR THOUGHT: "Kung may lapis, kaya kong isulat ang pangarap. Kung may crayola kaya kong iguhit ang bukas."
* * *
Angas ah. Kanina super addict kami ng tropa ko sa jingle na ang pamagat ay "Handog Edukasyon". Maganda kasi 'yung lyrics. Nakakadala. Nakaka-addict. Kung iba-ibang versions ng kanta ang ginawa namin. May rock, hip-hop, pang-Christmas, at pambirit. Asteeg.

Nabigla na lamang ako't usap-usapan na pala sa buong barrio ang balita tungkol kay sikat na composer na si Gary Granada at ang jingle na iyon. Ayon sa composer, kanyang isinalin sa kanta ang lyrics na ibinigay sa kanya ng mga taga-GMA Kapuso Foundation na siyang gagamitin sa kanilang ad campaign na bumili ng ilang selected na produkto bilang tulong sa mga kabataan upang makaaral.

Ngunit, sa ibang tao napunta ang kredito sa kantang kanyang isinalin. Hindi rin ibinigay sa kanya ang claim ng kanta. Bagkus, sinabihan pang "collective" ang kanyang gawa.

Masyadong matindi, ayon sa ilang kapitbahay, ang ginawang pagmamaltrato kay Ginoong Granada, isa siyang respetadong composer at mang-aawit. Kung ganito lang ang gagawin ng nasabing grupo sa kanya, nararapat lamang na ibigay kay Ginoong Granada kung anong nararapat sa kanya. At sa nasabing grupo, huwag sana nilang takasan ang gusot na ito.

Baka bukas 'di ko na kantahin 'to.

-car_pal-

Saturday, February 7, 2009

Never, Never on a Saturday

Sa wakas, maayos na ang kalagayan ko. Yahoo. Kaso hindi pa masyadong naghihilom ang mga scars na iniwan sa akin ng sakit ko. (Chickenpox po iyon, at hindi chicken fox.) Maasyadong mahabang panahon ang itinagal ko sa bahay upang i-isolate ang sarili. At ngayon handa na akong sumabak muli sa battlefield.

TV. Lumang dyaryo. PlayStation. Kain. Tulog. 'Yan ang daily routine ko noong nasa isolation stage pa ako. Hindi raw ako pupuwedeng lumabas, kaya talagang kulong to the max ako. Kung minsan nakikinig na lang ako ng radyo all throughout the day. Doon ko nakilala ang ilan sa mga Pilipinong umaasa sa radyo upang makahanap ng mapapangasawa. Aw.

* * *

Speaking of mapapangasawa, kanina ko na-realize na dapat talagang huag muna akong maghanap ngayon. Dumating kasi 'yung coordinator namin sa program. ('Di ko na ise-specify kung anong program 'yun, baka makilala n'yo pa) Marami siyang baong kuwento. First time ko siyang makakuwentuhan. Kung anu-ano. Marami rin siyang naituro sa akin sa isang upuan lang.

Siguro pinaka-memorable doon 'yung naituro n'ya sa'king isa. Sabi niya: "Naku, ______, 'yang mga babae na 'yan itapon mo na lang 'yan sa basaurahan. Kasi itatapon ka rin lang ng mga 'yan eh. Galing sila doon, siyempre isasama ka nila."

Aw. Wala akong masabi doon ah.

car_pal