Search Charlespost Archives

Friday, July 24, 2009

Try Again or Go Home



May problema na naman yata ang Twitter at Facebook. Nung pinupunta ko sa Twitter app page ng Facebook ko eh ang sabi'y may ipinaplantsa raw silang gusot. Nagtanong pa. Try again or go home raw. Naman.

* * *

Kahapon napanood ko sa internet TV 'yung laban ng Team Pilipinas at South Korea sa Jones Cup. Oo, talo na naman ang mga Pinoy. 83-80. Sabi sa news hindi pa raw inilalabas ni National Team coach Yeng Guiao ang lahat ng kanyang mga alas--ire-reserba raw iyon sa nalalapit na FIBA-Asia Championship ngayong Agosto. (Kagrupo ng Pilipinas sa nasabing laro ang Japan, South Korea at Sri Lanka.)

Sana nga'y maging maganda ang finish ng Pilipinas sa FIBA-Asia, bagamat medyo hindi ganoon ka-okey ang ipinapakita nila ngayon sa Jones Cup.

* * *

Talo na nga tayo ng mga Koreano sa basketbol, talo pa rin tayo maging sa mga pauso.

Ang sinasabi ko'y ang nauusong palabas sa TV na hook na hook ang mga kabataan ngayon. Ang Korean version ng Boys Over Flowers. Matindi ang impact ng palabas na ito sa mga bata. Ginagawa rin itong paraan ng mga naluluging tindahan upang kumita. Sales pitch. Iba-ibang merchandise ang binebenta. Asar.

Oo, mas maganda nga ang Korean version kesa sa Taiwanese at Japanese. (Hmmm, medyo ok pa ata 'yung Japanese. Sorry po, mga manga fans.) Pero hindi ba't medyo nakakasawa na 'yung istorya? Paulit-ulit lang 'yung plot: apat na magkakabarkadang mayayamang lalaki sa isang unibersidad. Tapos dalawa roon mai-in love sa isang pobreng babae.

Bakit ba hindi magkandasawa sa mga ganyang klaseng plot ang mga Pinoy? Dahil ba sa mga poging miyembro ng F4 o kung ano mang grupo? Hindi ba alam ng mga kapwa nating Pilipino na dahil sa mga ganyang palabas ay lumalabas ang ating colonial mentality? Bakit imbes na mga Tinagalog na dayuhang palabas ang panoorin natin ay 'yung mga talagang gawang atin ang unahin?

Diyos ko po.

* * *

ADVERTISEMENT: Available for download na po ang Buod ng Prologue ng Exes' Club via PDF file version. Sinubukan ko lang kasing gumawa ng isang eBook kasi nai-elib ako sa mga taong nakakagawa noon. Kaya I find it better kung gumawa ako ng sariling eBook tapos gawa ko rin 'yung naroroon.

Nasa Scribd.com site siya. Pero may link rin sa itaas kung saan ninyo makikita iyon.

Salamat nga rin pala sa mga patuloy na bumibisita ng GalunggongExpress. Kakatuwa't marami pa rin ang mga nagsasayang ng oras nila para lang doon. Super thank you! ;)


JC

Monday, July 20, 2009

Paalam na Red Balloon at Iba Pang Alaala



Kanina ay nagkaroon ng opening ceremonies para sa aming college week. Ganda nung theme ng aming linggo, inspired siya ng mga Hollywood films. (Kaya hindi kasama roon ang Enteng Kabisote.)We got the 'Pirates' theme. Ayos rin 'yung ibang themes. Mayroong Harry Potter, Twilight, and even LOTR.

So much more of that, I got a red balloon kanina from the festivities. Sa sobrang tuwa ko, doon ko na rin in-advertise 'yung GalunggongExpress site ko. [OK na 'yun, kesa sa iba na ang tindi ng trip. Happy Valentine's Day raw.] Nilagyan ko siya ng "Help I'm Lost" tagline para lang makaagaw ng pansin. (Ewan ko lang kung ganoon nga ang nangyari.)

Lakas rin ng trip ko. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga "alaala", mga bagay na noon ko pa nakalimutan. I was driven with my mind kaya gumawa ako ng isang mala-"suicide note" na nagpapaalam sa mga alaalang iyon. Trip ko sanang itali iyon sa lobo, then paliliparin ko. Pero 'di ko rin itinuloy dahil, um... ang korni.

A friend of mine told me na kalimutan ko na dapat iyon. Anong magagawa ko kung balik ng balik ang mga alaalang wala na dapat sa isipan ko?

Hay naku. Confused na naman ako.


JC

Friday, July 17, 2009

Bahana Mama

Biyernes ng umaga. Sa isang distrito ng Maynila. Abalang-abala ang isang college student sa kanyang pagpasok sa isang pampublikong unibersidad. Batid niyang malakas ang ulan sa labas kaya minabuti niyang manood ng TV morning show upang malaman kung may pasok ba o wala.


5:15 a.m. Tahimik na nanonood ang ating bida habang ibinabalita na preschool, elemntary at high schools sa Metro Manila ang walang pasok sa araw na iyon. Ayon sa weather bureau, kasalukuyang binabayo ng isang bagyo ang Northern Luzon. Kaya lamang raw malakas ang pag-ulan sa Kamaynilaan ay dahil sa hanging Habagat.


Napansin ng ating bida ang malakas na bugso ng hangin at matitindi pang pag-ulan. Nagdalawang-isip tuloy ito na huwag nang tumuloy sa pagpasok at bagkus ay manood na lang siya ng morning show dahil naroroon ang isa sa mga paborito niyang banda.


Halos dalawampung minuto ang lumipas, wala pa ring update tungkol sa suspensyon ng klase sa kolehiyo. Dahil dito ay pinatay na niya muna ang TV at nagluto ng kanyang aalmusalin. Pagkatapos niyang kumain ay siya'y naligo. Mabilis ang takbo ng pangyayari dahil sa pagmamadali at sa sobrang lamig ng tubig.


Paglabas ng ating bida'y nagulat ito sa kanyang nabalitaan sa TV. At breaking news pa iyon. Ibinalita ng isang sikat na brodkaster na isa ang kanyang mga pinapasukang paaralan ang nag-isyu ng suspensyon ng klase. Kaya si Utol, sobrang bad trip nang mabalitaan niya iyon.


Ngunit nagagawa pa rin niyang ngumiti dahil at least hindi niya kinailangang lumusong sa baha para lang makapasok.



JC


Nasa larawan: Tinutulungan ng isang ale na makausad sa baha ang isang pedicab sa Maynila, Jul. 16.
Photo Credit: Erik de Castro--Reuters. No copyright infringement intended.

Monday, July 13, 2009

Rat-a-Tat-Atat

Tuloy pa rin ako ngayon sa pagpapausok ng computer sa "Aling Baby's" Computer Shop (real name withheld for some security reasons). Kahit na umuulan ng malakas ngayon sa labas, sige fire!

Wala kasi akong magawa sa bahay. Tapos niyaya ako ng ate ko na mag-computer (pero hindi niya ako nilibre). Puro social networking through the Net lang tuloy ang ginagawa ko. Salamat sa mga colleagues ko from BSA I-4D na patuloy na nag-a-add sa sites ko.

I was wondering kung may Friendster layout na may nakalagay na "torpe" sa background pero walang lumabas when I Googled it. Kaya in-apply ko na lang ang isa pang layout na ewan ko kung 'yun ba ang the best na makakapag-describe sa akin. Suplado.

* * *

Sobrang miss na kasi namin (ng mga high school tropa ko) ang isa't-isa kaya wala kaming sawa sa pakikipagkita sa isa't-isa. [Oo, nag-e-effort talaga kaming magkita-kita. Ayos, 'di ba?] Kaya pati sa Net talagang ayaw naming mahiwalay sa barkada.

Naisip ko (bilang isang nagpapanggap na technology expert) na magkaroon ng isang sariling social networking account ang aming section. Ang kinalabasan: isang cute na cute na site. Complete with pictures.

Actually hindi pa talaga siya 100% finished. Siguro mga 60% pa lang. Siguro after next two weeks eh ayos na iyon.

* * *

Ang tindi ng ulan ngayon. Sobra.

Akala ko pa nama'y 'yung jeepney strike ang magpapasira ng araw ko. Eh 'yung bagyo pala ang nagdudulot ng uber-lakas na ulan. Dahil malayo ang sakayan sa bahay, no choice ako kundi lumusong sa baha. Badtrip.

JC

Sunday, July 12, 2009

Going, Going, Gone

Kahapon ay nagpaalam na ako sa aking mahabang buhok. First time kong magpagupit ngayong school year dahil kailangan sa aming Reserved Officers Training Corps. 'Di ko na rin kasi trip ang magpagupit. Na-trauma na ako sa gunting nang ukaan ako a day before the graduation (ang kulit-kulit kasi). Mas trip ko rin 'yung style ng buhok ko kapag hindi naka-two by three. One side. Na medyo parang kaunting haba na lang eh matutulad na kay Emilio Jacinto ang dating. Ang kulit.

Tapos 'yun pa. Medyo nadadagdagan na ng unti-unti ang timbang ko (siguro dahil sa impluwensya ng Milo sa katawan ko--ikaw ba naman araw-araw kang uminom nu'n eh?). Para tuloy akong si Emilio Aguinaldo na lumunok ng isang buong litson kagabi. So, nai-imagine mo na ba ang look ko ngayon?

* * *

Nabanggit ko na noon dito rin sa blog kong ito na isang napakahirap na trabaho ang maging isang class president (see Hard For CP to be the C.P.). At ngayon ganoong puwesto na naman ang hawak ko.

Mas marami (as in, soooooooobra!!!!!!) ang responsibilities ng isang class president, college edition. Kasama na roon 'yung paninita ng mga maiingay sa corridor ('di ko ginagawa noong high school 'yon), pagsi-xerox ng mga handouts (usually secretary o treasurer ang gumagawa noon), pati na rin ang pangungulekta ng pambili ng kung anu-ano. Grabe.

Ganun raw talaga, sabi ng isa naming prof.

* * *

Kanina habang naghihintay ng instructor para sa aming klase, may ginagawa akong tula.

Tungkol iyon sa isang tambay. Ewan ko ba kung bakit 'yun pa ang napagdisketahan ko.

Basta, abangan n'yo na lang iyon sa sister site kong GalunggongExpress. Ngunit habang wala pa, basa-basa lang muna kayo roon. Marami kayong matututunan. Promise.

JC

Thursday, July 9, 2009

Shortnotes (Uwian Time Edition)

Sa kasalukuyan ay gumagawa ako ng homework para sa aming Studying and Thinking Skills in English na subject (ENGL 1013). Medyo mahirap itong task na ito, kahit na kinakailangan ang mga skills mo sa Net at pagre-research in one. Heto, kaya't kahit na pagod na pagod na, kumakayod pa rin--para iwas na sa iba pang mga gagawin at malibre ako kahit na papaano sa off ko.

Hindi katulad nung last off ko nitong Wednesday, niyaya ako ng klasmeyt ko nung high school na manggulo sa mga colleagues namin dati. Ang lakas ng trip niya, inabot na ako ng gabi dahil sa mga kalokohan namin. [Literal po kaming nanggulo sa mga klasmeyt namin dati.]

Dahil roon, hindi ko na tuloy nabigyan pa ng kaukulang pansin 'yung pinapabasa sa amin sa Philippine Literature. Kamote tuloy ako.

Nga pala, pinapa-check-an pala sa akin 'yung mga seatwork namin sa Fundamentals of Accounting. Nakalimutan ko. Dapat bago ako matulog tapos na 'yun.

* * *

'Kapagod 'yung Physical Education namin kanina. Badminton. Tibay kasi ng mga colleagues ko eh, makailang round ba naman ng laro. Ayun, kailangang mag-participate. Kainis lang dahil hindi ako nakapag-baon ng extrang labakara at rasyong tubig (umaasa lang kasi ako sa mga drinking fountain).

Ilang rounds rin ng pasahan ng shuttlecock 'yun. Talagang naligo ako eh. Ng pawis.

* * *

Ang dami kong natutunan sa mga profs namin. Ilalagay ko rito 'yung mga quotes nilang kung paminsan-minsan ay tagos sa laman. Weeee.

Sabi sa amin ng isa naming guro:
"'Wag kang makikinig ng mga sentimental na kanta kapag nalulungkot ka. Baka mamaya eh tumalon ka na lang diyan."


Tungkol naman sa giyera noong 1940's:

"Walang karapatang manirahan sa mundo ang mga traydor."


At kanina, narinig ko, dahil tinutukso ang aming klasmeyt sa colleague pa:

"Love is an island of romance surrounded by exprenses."


Mukhang ganoon ang fragment nun, pero, 1, 2, 3.... awts!!!!!!!!!


JC

Tuesday, July 7, 2009

At Kung Anu-Ano Pang Ka-Weirdohan


Astig 'yung panaginip ko nung isang gabi. Talagang naglaway ako sa unan dahil sa mga nakikita ko sa panaginip kong iyon.

Nakikitira raw kami roon sa bahay ng Sultan ng Brunei [si Sultan Haji Hassanal Bolkiah--ang hindi ko malilimutang pangalan dahil sa kontes namin noong Marso]. Istana Nurul Iman ang tawag sa palasyong iyon.

Ayun, masaya raw ang buhay namin. Naka-kotseng itim na hatid-sundo galing iskul. Tapos may mga kanya-kanyang butler (butler nga ba tawag dun???) na nagsu-supervise sa mga hinubad naming damit. Galing! Problema nga lang, very messy raw 'yung kwarto. Nakakalat 'yung mga pinaghubaran, tapos naroroon 'yung mga pinagkainang box ng pizza, at kung anu-ano pang kaweirdohan. Hindi ko man raw inisip na ang kalat ng house, este, palasyo pala. Tapos nagawa ko pang mag-XBox 360. Haynako.

* * *

Sa ngayon eh I'm a bit suffering from cough at sakit ng lalamunan. Ewan ko ba, parang ang kati ng lalamunan ko. Parang may nakabarang something na hindi maalis ng ubo.

Buti nga't hindi pa dumarating 'yung point na nilalagnat ako. Patay-patayan tayo riyan. Alam na siguro nating lahat kung ano ang sakit ko. Wa.

Sana nga'y hindi ako lagnatin bukas. Marami pa akong gagawin.


JC

[Nasa larawan: Ang Istana Nurul Iman Palace sa Brunei. Larawan mula sa http://www.friendlypalnet.com/]

Friday, July 3, 2009

Wala Akong Maisip na Title sa Post na Ito, Kaya Pasensya na Kung Ganito ang Pamagat ng Post na Ito

Pasensya na sa pamagat, wala na talaga akong maisip.

* * *

First time ko kaninang sumakay sa jeep na saktong-sakto sa height ko. Biyaheng Guadalupe 'yun galing ng Agoncillo St sa Malate.

Ayos na rin iyon, para makaiwas sa kahihiyan sa mga 'bansot' na jeepney kapag nauuntog ako. Haynako.

Ilang beses na rin kasi akong nabubukulan sa mga pagkakataong bababa/sasakay ako ng jeep. Plus the fact na may mga pasaherong palihim na natatawa each time na nangyayari sa iyo 'yon. May narinig pa nga ako noon na nagsabing, "Ayan, ang tangkad-tangkad kasi eh."

Kasalanan ba ang maging matangkad?

* * *

Ayos rin 'yung GFO namin kanina. [Ewan ko ba kung bakit GFO ang tawag dun. Kamag-anak ba 'yun ng UFO???? (Sabay sigaw ng mga classmates ni theheartbreakkid ng "Weeeeeeeeeehhhhhhhhhhh????????!!!!!!!!??????" Saklap naman n'un.)] Marami ang na-bad trip, sa totoo lang.

Napansin ko ang kunot sa noo ng mga kamag-aral ko. May narinig pa akong ilang nag-u-hmmm hmmm habang nalabas ng Assembly Place. Isa doon 'yung klasmeyt ko.

Tanong niya sa akin, "GFO bang maitatawag iyon???" (Sinabi na kasing kamag-anak ng UFO 'yon. Ayaw n'yong maniwala. 1, 2, 3.... "Weeeeeeeehhhhhhhhhhh????????!!!!!!??????")

Basta ako, may kalayaan tayo kung sino'ng dapat nating paburan o hindi.

* * *

Matagal-tagal na rin nang huli akong gumawa ng aking sariling tula. Mga ilang araw na rin. Hindi na kasi masyadong pumapasok sa akin ang ilang ideas dahil busy na sa paglalagay ng journal st ledger entries.

Buti na lang kahapon, ang daming pumasok na bagong ideas, at sa awa ng Diyos nakaraos at nakagawa ako ng dalawa. 'Yung isa ay naka-post na sa GalunggongExpress.

* * *

Calling the attention of Manila Mayor Alfredo Lim, and other officials concerned especially sa DSWD at pulisya. Marami kasing mga taong nanghihingi ng limos (especially mga bata) sa mga jeep at iba pang pampublikong sasakyan sa may Malate. May mga sobre pa silang dala. Minsan mga bata pa 'yung mga nakiki-ride sa jeep at hihingi ng kaunting barya, pambili ng pagkain.

Medyo delikado kasi ang kanilang ginagawa. Nakokompromiso 'yung kaligtasan nila, dahil minsan may mga sasakyang humaharurot sa kalsada.

Sana'y magawan ng aksyon ang mga ganito.

JC

Thursday, July 2, 2009

Shortnotes (Breaktime Edition)

Naririto kami ngayon sa isang computer shop na malapit sa aming campus. Napagtripan lang naming mag-surf ng kung anu-ano para naman kahit papaano ay hindi kami mabato habang breaktime. Kaya heto, habang nag-i-stream sa aking sariling playlist sa Playlist.com, napag-isip-isipan ko na munang maghanap ng kung anu-ano.

Heto, nakaka-miss palang kumain ng tapsilog. Huli akong nakakain n'un, siguro last school year pa, nung kasama ko pa 'yung mga high school colleagues ko. Today it was a little bit different.

Ayos rin magsagot ng kung anu-anong trivias sa Facebook. Anything under the sun. Ayos rin pala ang pakiramdam kapag nagiging master of none or Jack of all trades ka rin kung minsan. (Badtrip din, talagang center of attraction ka tuloy kung paminsan-minsan.)[Hanapin nyo na rin 'yung Facebook badge ko sa may bandang kanan ng blog na ito. Paki-add na ako kung sino'ng mayroon.]

Napansin kong hindi na matao 'yung booth ng thermal scanner sa amin. Super. Ewan ko kung wala ba talagang may H1N1 ang mga tao rito o talagang ayaw nilang maging box ng cereals. Cute.

At siyempre, hindi mawawala 'yung mga napapansin ng mga mata ni SuperCharles and friends na mga "uniformed people" (read=mga cute na chicks in their school unifroms). Grabe. As in. In different colors, in different shades. Hay, ang sarap ng pakiramdam ng ma-in love. [Haynako Carlo, papansin ka na naman.]

Sige, next time na lang ulit. 'Pag may napansin na naman akong kapansin-pansin at dapat lang na i-post rito. Ingat. =)

JC

[PS: Urgently needed pala sa isang newsletter office sa aming campus ang mga writers. Permanent ang hinahanap nila eh. Willing sana ako, kaso medyo baka maka-confuse sa oras ko. Hihintayin ko na lang na may sumali na colleague ko. Para tandem.]